PROLOGUE

932 268 83
                                    

Prologue

Aubree Mercado's

     "Aba, bilisan mo naman! Male-late na tayo eh! Baka hindi tayo papasukin sa room kapag nahuli tayo sa klase!"

Inangat ko ang ulo ko para tingnan si Ael nang sabihin niya iyon. Doon ko lang napansin na ang layo na niya sa akin. Hinihingal na rin ako dahil ang layo ng tinakbo naming dalawa.

First day of school, pero pareho kaming na-late! Kung bakit ba kasi nasa pangatlong palapag pa ang room namin! Tapos ang layo pa nitong building na ito at naligaw pa kaming dalawa. Anong oras na rin kasi kami natapos nitong best friend ko kagabi sa panonood ng Business Proposal.

Nag-sleep over kasi ako kagabi sa bahay nitong best friend kong si Aeliana. Actually, pinilit ko lang talaga siya na manood dahil mahilig ako sa mga K-drama. Bukod doon ay mahilig din ako sa mga Kpop. Kaya anong oras na kami nakatulog, kaya late na rin kami nagising. Nawala pa sa isipan namin na may pasok nga pala kami ngayon.

"Sandali lang, hinihingal na ako eh!" I breathlessly told her. My hand was on my chest as I gasped for air. Para akong kakapusin ng hininga nito dahil ang haba ng tinakbo naming dalawa.

"Taympers muna, pwede ba?" Pakiusap ko.

Inilingan naman ako ni Ael, "Hindi pwede! Mas lalo tayong mali-late kung hindi tayo agad makakarating sa room! Kaya tara na, dali!"

I let out a heavy sigh.

Nagpatangay na lang ako sa kanya nang hatakin na niya ako para magpatuloy sa pag-akyat sa itaas. Ito pa naman ang isa sa kinaiinisan ko, 'yung nasa itaas ng floor ang silid-aralan namin. Aba, nakakapagod kayang umakyat at bumaba! Wala pang uwian pero haggard na kami.

"Ayun! Nakikita ko na 'yung room natin!" Masiglang turan ni Aeliana sa akin bago siya pumalakpak sa saya.

I'm still gasping for air. May tinuturo pa si Ael sa akin kaya tiningnan ko iyon. First Year - Sapphire, iyon ang seksyon namin. Konting kembot na lang ay mararating na rin namin ang aming room.

Muli akong hinatak ni Ael kaya tumakbo na lang ulit kami. Sa pagmamadali naming dalawa ay hindi namin napansin sa kaliwang pasilyo na mayroon ding tumatakbong estudyante.

Nagkagulatan kaming tatlo at sa hindi namin inaasahan ay nakabugguan namin ni Aeliana 'yung estudyante na iyon. Sa lakas ng impact ay muntik pa kaming tumilapon ng best friend ko.

Buti na lang ay napasalampak lang kaming tatlo sa malamig na sahig na mukhang bagong wax lang dahil sa nangingintab ito, madulas at nalalanghap ko rin ang amoy nitong wax.

Ngunit rinig naman namin 'yung nilikhang ingay dahil sa pagkakabagsak namin. Pader ba 'yung bumangga sa amin? Ang tigas eh at sobrang lakas pa ng pagkakabangga sa amin.

Dumaing ako sa sakit. Pakiramdam ko ay parang naalog ang buo kong katawan. Nagising din yata pati kaluluwa ko. Ramdam ko pa ang tuhod kong nananakit at mukhang nasugatan pa ito. Tama nga ang hinala ko dahil nang tingnan ko ang tuhod ko ay may maliit itong galos.

"Ayos ka lang ba, bes?" Tanong ko kay Aeliana na nakaupo rin sa sahig kagaya ko. Mabuti na lang ay walang titser na pagala-gala sa hallway dahil tiyak na malalagot kami nito.

Tumango si Ael sa akin, "Ikaw? Okay ka lang ba?"

Tango lang din ang isinagot ko sa kanya bago ko matalim na tiningnan ang estudyanteng nakabanggaan namin. Ngayon ko lang napansin na lalaki siya, base sa suot niyang uniporme. Hindi ko lang makita ang itsura niya dahil nakatalikod siya sa akin.

"Pwede ba na tumingin ka sa dinadaanan mo? Ang sakit ng pagkakabangga mo sa 'min eh!" Magkasalubong ang kilay kong pansusungit sa lalaking iyon.

Tumayo ako at pinagpagan ang suot kong palda. Tinulungan ko rin si Ael na tumayo bago rin niya pagpagan ang uniform niya. Mabuti na lang ay hindi siya nasugatan, samantalang ako ay nagasgasan ang tuhod. Pasalamat na lang kami ay hindi kami napilayan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 26, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DEAR MR. E (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon