UNEXPECTED PRINCE

195 14 3
                                    

Kanina pa walang imik si Veronica habang naka-upo sa harap ng mahabang dining table sa loob ng dining hall ng palasyo. Kasalukuyang kaharap niya ang dating Reyna at Hari habang kumakain. Si Yohan ay wala ring imik habang tinatapik-tapik ang lamesa gamit ang kanyang hintuturo. Sino ba naman ang hindi matatahimik sa naging daloy ng usapan kanina lang.

A while ago..

Magalang na binati ni Veronica ang mag-asawa nang makapasok sila sa loob ng palasyo. Niyakap pa siya ng Reyna habang pasimpleng tinapik ng Hari ang kanyang likod. Kasunod nun ay binati rin ng mga ito ang dalawang kasama na malapit sa kanya. Sina Ravi at Rowel. Wala namang problema during that time. Masaya ang lahat habang hinahain ang pagkain ng mga katulong sa loob ng palasyo. The problem starts when the conversation begins.

"Mabuti naman at nailigtas mo ang dalawang bata, Nika. Kawawa naman, lalo na si Devaugn." Malungkot at puno ng awa na sambit ng ina ni Yohan.

Katabi niya ang magkapatid na Devinian at inaalalayan niyang kumain. Nung una ay nahihiya pa ang dalawa at ayaw talagang humiwalay sa kanya, kaya napilitan siyang umupo sa pagitan ng dalawa.

Isang marahang pag-tango lang ang isinagot ni Veronica sa inang reyna habang marahan niyang hinaplos ang ulo ng batang lalake. Ano kaya ang magiging reaksyon ng Reyna kung makikita nito ang totoong anyo ng dalawang Devinian?

"Pwede mo silang iwan dito sa palasyo, habang nag-lilibot ka sa Terra Crevasse, Nika. Aalagaan ko sila, wag kang mag-alala."  Ani pa ng Reyna.

"Ma, nakita mo naman na halos ayaw nilang lumayo kay Nika. Sa palagay mo ba papayag ang mga iyan na mag-paiwan?"  Si Yohan ang sumagot sa ina.

"Pero, nakita at narinig mo naman na masyadong delikado sa labas ng barrier ng Drakaya. Paano kung makita sila ng mga Embers at ng kalabang kaharian?"  Nag-aalala talaga ang tono ng boses ng Reyna.

Nababakas sa buong mukha nito ang takot para sa mga bata. She has a point. Kung tutuusinnga, hindi talaga ligtas para sa mga bata ang sumama sa pag-lalakbay, lalo na at maraming mga kalaban ang naka-palibot sa buong Drakaya Kingdom. Subalit, iyon ay kung normal na mga bata lang sina Agartha at Devaugn.

"Kasama nila si Veronica at ang Dyos ng buong Terrace Crevasse na si Drakaya, sa palagay mo ba mapapahamak pa sila? They even annihilated the entire kingdom of Sediorpino."  Sagot ulit ni Yohan habang sumusubo ng slice na roasted meat.

Ahh.. Drakaya parin ang alam nilang pangalan ni Ravi. Alam na ng mga ito, at ng buong Drakaya na si Ravi ang Dragon at Dyos ng mga ito. Kaya lang, hindi naman Drakaya ang pangalan niya.

"Ehem, excuse me, hindi Drakaya ang pangalan ko. Sino ba ang nag-bigay ng pangalan ko na yan?" Hindi na rin nakatiis, nagsalita na rin si Ravi.

"Ah.. Ehem."  Ang dating Hari ang may-ari ng boses.  "I'm sorry my Lord. Ang kauna-unahang Hari ng Drakaya ang nag-pangalan sa inyo. Dahil na rin nga sa anyo ninyong Dragon. With all my respect, pwede ko bang malaman ang tunay na pangalan nyo?"  Tanong ng ama ni Yohan.

Napa-sulyap ang inang reyna at si Yohan sa deriksyon ng pwesto ni Ravi. Si Veronica naman ay tahimik lang na kumakain katulad ng dalwang bata sa kanyang tabi.

"My real name is, Leviathan Ravine. My master and one and only Lord gave me that name. Hindi Drakaya ang pangalan ko. Pwede nyo rin akong tawaging Ravi, at isa pa, hindi ako ang Dyos ng buong Terra Crevasse. Kung tatawagin ninyo akong Guardian, maari pa."  Sagot ni Ravi.

Ang tatlong may dugong bughaw ay parehas na natigilan. Lalo na si Yohan na ngayon ay seryosong naka-tingin sa kanya.

"Wait, your master?"  Naninigurado nitong tanong kay Ravi.  "Then, sinasabi mo ba na si Veronica ang nag-bigay ng pangalan sa iyo?"

THE ABYS WHERE I BELONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon