Chapter 1

15 0 0
                                    

Blurred images of a very wide painting registered on my mind. I blinked drowsily. Huh? I blinked again. Teka patay na ako ah? Ganito ba ang langit? My eyes widened in shock. Wow. Nasa langit nga talaga ata ako! Bumalikwas ako mula sa pagkakahiga. It really pays to be good while you're living, huh.

"Magandang umaga, Lady Aliyah," napatili ako nang makarining ng boses ng ibang tao.

I looked around. May maids na nakatayo sa harap ng malawak na double doors.

"Ahm, namali po ata kayo ng sabi. Hindi po ako si Lady Aliyah," paliwanag ko. Napatakip ako sa aking bibig ng mapagtanto kong baka sa maling kwarto ako nalagay. 

"Mukhang kailangan nyo pa po ng mas mahabang pahinga, mahal na binibini. Kayo po si Lady Aliyah. Nabagok lang kayo kahapon nang ma-aksidente kayo sa lawa. Gusto nyo po ba na tumawag kami ng doctor?" tanong nito. Akala mo sure na sure 'to sa mga sinasabi nito. Ako pa ang sinabihan na may identity crisis.

A knock came and one of the maids went out of the doors. Nang bumalik ito ay mukha na itong kinakabahan.

"Karen, pano yan? Parang hindi pa magaling si Lady Aliyah pero pinapatawag na siya ng mahal na prinsepe sa palasyo. Baka tungkol to sa nangyari kahapon," sabi ng kakapasok lang na maid sa kausap ko kanina.

Bakit puro sila Aliyah? Ang weird na nito. I decided to get of the velvety bet and was shocked to see a mass of long wavy dark brown hair which followed my every move. Napahinto ako at hinila ito.

"Aray!" I hissed. Paanong buhok ko to?!

"C-can someone give me a mirror?!" sigaw ko at nagkukumahog silang mag abot ng salamin sa akin.

I looked at my reflection and was floored at what I saw. 

Hindi ako to! Paanong ang ganda ganda ko na na parang diyosa? Hindi naman ako nagrereklamo pero hindi ako to. I racked my brain for the familiar face. Saan ko nga ba to...

I dropped the mirror as I remembered kung bakit pamilyar ang mukhang nakikita ko sa salamin.

This is indeed, Aliyah. But she's inside a role playing game I used to play back at the hospital. Paanong nasa katawan niya ako? At bakit siya pa? Hindi ba pwede kay Serene na lang? Siya kaya ang bida.

"Ayos lang po ba kayo, Lady Aliyah?" tanong nung Karen.

"Hindi," sagot ko at nagsimulang umiyak ng umiyak.

"Patay tayo pag hindi pa siya tumahan. Mag uumagahan na silang magpamilya," bulong ng isang katulong kay Karen na hindi magkanda-ugaga sa pag asikaso sakin.

"Gusto niyo po bang tawagin namin si Miss Shaynie, my lady?" tanong nito.

"Ayoko!" I screamed as I heard another fictional name. I am indeed inside the game. I'm doomed!

"B-binibining Aliyah, ano po kasi. Pinapatawag po kayo ng mahal na prinsepe sa palasyo," sabi ng katulong na hindi ko parin kilala.

Teka. Mamatay na ba ako? Agad? Kakagising ko pa lang eh!

"Bakit daw?" tanong ko.

"Ano nga ulit pangalan mo?" tanong ko ulit.

"Lilian po. Baka po tungkol ito sa nangyaring away ninyo at ng anak ng Baron sa Feywood Manor po," sabi nito at nakahinga naman ako ng maluwag.

Mamaya pala ang unang pagkikita namin ng prinsipe. Nasa part na pala kami ng laro na kumakalat na ang balitang fiance ng prinsepe si Lady Serene Majica.

Si Lady Shaynie naman ay patay na patay sa prinsipe kaya humingi ng tulong ni Lady Aliyah para gawin ang mga plano nito laban kay Lady Serene. Si Lady Aliyah naman ay pumayag agad. Uto uto kasi. 

Lady Aliyah hosted a tea party yesterday and invited the young ladies of the peer. Of course, nandoon sa Lady Shaynie at Lady Serene. Lady Shaynie suggested that they should have a stroll near the lake and the gullible Lady Aliyah agreed. Nang makalapit na ang mga ito sa lawa ay inutusan ni Lady Shay si Lady Aliyah na itulak sa lawa si Serene bebe ko. Ang tanga, tinulak din si Serene pero napasama din siya sa lawa. Bakit pa kasi dito ako sumanib? Now I have to fix Aliyah's mess and strategize how not to die early inside this game.

I looked around and got up. Nag tungo ako sa isang malaking pink na pinto na may carvings at binuksan ito. Sumunod din sa akin ang mga maids. Napatigil ako nang mabuksan ko na ang pinto. Ay hindi pala CR ito. Wow, ang laki ng walk in closet ni Aliyah. 

I inspected the dresses and clothing articles inside. I glanced around and spotted an aquamarine gown. 

"Karen?" I gestured for Karen and motioned for the gown.

"I'll wear that later when I go to the palace. But for now, choose a day dress for me," sabi ko in a very snobbish style. Pero ang soft ng boses ko. Parang hindi bagay.

"Masusunod po, binibini. Handa na din po ang inyo panligo," sabi nito kaya pumunta na ako sa isa pang pinto. At hindi nga ako nagkamali, banyo nga ito. Malawak ito, may marmol na bathtub, maraming towels at vintage na magagarang roba at mga gamit panligo. Nagsipasukan din sina Karen kaya tiningnan ko ang mga ito na nakatingin lang din sa akin. Naghihintayan ba kami dito?

"What--" I pursed my lips. Iba pala dito sa mundo ng Luminara. May tigapaligo yung mg mayayaman. Kaya ang lampa lampa nitong si Aliyah eh. Pampered masyado.

Nakakahiya naman to. I have to strip in front of them. 

I exhaled.

"From now on, I will be bathing myself. I can handle it. I'm a grown lady already," I said. Nakita ko ang pagtutol sa mga mukha nila.

"I know how to bathe myself. Please do something else instead," I said and waved them off.

Mabilis lang akong naligo na siyang ikinagulat nila. I wore a white day dress with tiny floral details on it. I glammed me up kahit na sinabi kong hindi naman kailangan kasi kakain lang ng almusal pero hindi nila ako pinakinggan dahil hindi daw yon proper.

After my breakfast alone, I was again prepped for the meeting with the prince. Akala ko din ay may kasabay ako base sa narinig ko mula kay Lilian kanina. But my father is already out and about pala and my little sister Avery Hermoine is still sleeping. My mom already passed away.  At naki angkin pa ako ng pamilya.

A stoic butler led me to the prince's drawing room. I clasped my hands. Kinakabahan ako. 

Inside the doorless, extravagant drawing room, is a man standing, facing the large windows. Ang lapad ng likod, matipunong mga binti at malaman na pwet. Nakatalikod pa yan. I gulped. 

The butler cleared his throat. 

"Presenting the Lady Aliyah Scarlette Maxwell of the House Ravencrest, your highness," sabi nito at iginiya ako papunta sa isang magarang upuan. 

The man turned to face us. Nahigit ko ang aking hininga nang magtama ang mga mata namin. Warm morning light casted a soft glow on his face. He has the most beautiful face I have ever seen. 

"Aliyah, daughter of the esteemed Duke Maxwell of Ravencrest, do you know how to curtsy?" his deep, rich voice echoed and snapped me out of my reverie.

Ah, hell.



A/N: Hi! Please tell me what you think. Thank you!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 05, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Revamping Lady AliyahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon