Part 1

4 0 0
                                    

5 years ago...




"Edsa! Starmall! Oh, aalis na!"




"Ria, okay ka lang ba? Ayan na yung jeep oh. Ano bang nangyayari sayo?" sabi ni Joy.


"Oo joy, okay lang ako. Medyo nahihilo lang. Pagod lang siguro." sabi nya.


"Oh, maupo ka muna. Baka mamaya bumagsak ka nyan eh. Ano ba talagang problema Ria, ha? May hindi ka sinasabe saken eh." nakangiwing tanong ni Joy.


"Ano miss, sasakay ba kayo? Aalis na to." singit ng driver.


"Hindi na ho manong. Pasensya na." sabi ni Joy.


"Anak ng teteng naman oh! Akala ko pa naman sasakay kayo kaya nag antay ako." naiinis na sabi ng driver sabay alis.


"Uhm, Joy. Kung okay lang sayo, baka pwede bang ikaw nalang muna pumunta ng school mag isa ngayon? Di kita masasamahan kase di ko talaga kaya eh. Sobrang nahihilo ako. Pasensya kana ah?" nahihiyang sabi niya.


"Okay lang yun, Ria. May bukas pa naman. Mas mabuti pang umuwi nalang tayo." sabi ni Joy.


"Wag na Joy. Ako nalang ang uuwi mag isa. Kaya ko naman eh. Sige na, pumara kana ng jeep dyan. Aalis naden ako pag sakay mo. Wag mo nakong alalahanin. Intindihin mo nalang muna yung page-enroll mo." sabi niya.



"Hindi pwede. Uuwi tayong dalawa. Iihatid kita sa inyo! Maliwanag? Tsaka may bukas pa naman eh. Mas mahalaga saken yung kalagayan mo. Tignan mo nga't hilong hilo kana. Eh pano kung bumagsak ka sa daan, aber? Makinig ka saken. Ihahatid kita sa inyo. Magpahinga kana lang muna. Ako nalang bahala bukas. Kaya ko naman ng mag isa." nakangiting sabi ni Joy sa kanya.


"Salamat Joy. Di ko na alam kung anong gagawin ko kung wala ka." nakangiting sabi ni Ria.


"Asuuuus, nagdadrama. Syempre naman! We're bestfriends, diba? Kaya dapat nagtutulungan tayo." sabi ni Joy.


"Tama tama. Ayan na Joy, parahim mo yung tricycle na padating oh. Pakidaan lang muna kamo sa mercury malapit sa plaza may bibilhin lang kamo." sabi niya.


"Tricycle po!" sabi ni Joy.


"Ah, manong sa rivera po kame. Pero paki daan lang daw po muna sa mercury na malapit sa plaza. Magkano po?" sabi niya.


"Trenta lang po miss." sabi ng driver.


"Eto po yung bayad." sabi niya.

You're still the one (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon