CHAPTER 15: BONDING

113 9 14
                                    

NATATAWA akong lumapit dito at niyakap sila isa-isa.

"Kumusta kayo dito?"tanong ko dito.

"Okay lang po kami Ate."nakangiti itong yumakap sakin.

"Ang lagkit mo namang bata ka ano bang kinain mo kanina ha."pagalit kong turan dito sa batang tinuring ko nang kapatid at lalo na yung bunso nila dito.

"Ate naman maliligo palang ako ehh."

"Ikaw talaga tantan kahit kailan kang bata ka."natatawa itong yumakap ng mahigpit saking bewang."Ang Nanay saan?"

"Nasa loob ng Bahay hindi niya alam na dumating ka."Sabi ni tantan at kinuha yung mga gamit na mabibigat sinamaan ko na naman ng tingin.

"Ako na mabigat ito."Wala siyang palag kaya hinayaan na ako, hawak-hawak ko yung mga dala ko at hawak ko din ang batang hindi makapag salita.

"Rosil kumusta ka?"nginitian Ako nito na pahiwatig na okay lang siya nakita ko naman ang maliit na beloy sa kabilang pisngi niya.

Dahan-dahan akong pumasok at.

"Nanay!" Sigaw ko dito at bigla siyang niyakap.

Nagulat pa ang Nanay sa ginawa ko at bigla siyang napaiyak.

"Anak kumusta kana? May masakit paba sayo? Yung mga sugat mo sa likod? Hindi kana ba linatigo ng ama mo?."umiiyak itong sumuri sa katawan ko hindi ko mapigilang umiyak at natatawang tumingin sa kaniya.

"Okay na ako nay, Wala ng masakit sakin, yung mga sugat ko unti-unti nading nawawala, hindi na ako sinaktan niya nay, at saka nakapag-aral nadin Ako Nay."ngumiti ako dito at napayakap ulit sa kaniya.

"Mabuti naman kung ganon."napalingon kami sa taong tumawag kay Nanay.

"Rosa! Saan mga anak mo baka nakipag laro na naman yun sa kanto, papagalitan tayo ng anak mong si Vannez."

Anak? Ang sarap pakinggan , hindi ko akalaing dito Ako makaramdam ng pagmamahal sa pamilya.

"Hindi yan mangyayari kasi si Vannez MISMO ang papalo sa kanila."natatawang sabi ni Nanay at natawa din Ako ng mahina, tinignan ko yung dalawa at napabusangot na ito.

"Anong hindi mangyayari wala si Vannez dito alam kung kapag malalaman niya iyon pagbabawalan akong pagtrabahoin ng makulit na batang yun."

"Nagtatrabaho ka Tay?"bigla akong sumabat at bigla namang pumasok si Tatay sa Bahay.

"Anak ko."umiiyak itong lumapit at niyakap Ako ng mahigpit.

"Tay, na miss kita."napahagulhol akong umiiyak at nakaramdam Ako ng maliliit na kamay na yumakap din sa likod ko. " Group hug pala to."

"Magluluto lang Ako ng tanghalian."Sabi ni Nanay at iniwan na kami sa sala.

"Tay ano trabaho mo ngayon?"tanong ko kay Tatay.

"Nangangalakal lang Ako anak."tinignan ko siya at nakikita ko doon ang pagod sa kaniyang mga mata. Kinuha niya yung mga buti at nilagay sa sako para tipunin doon.

THE 𝙼𝙰𝙵𝙸𝙰'𝚜 𝚄𝙽𝙸𝚅E𝚁𝚂𝙸𝚃𝚈  (COMPLETED/Under edited)Where stories live. Discover now