Lumipas ang isang buwan at ilang linggo. Mas lumalim pa ang pagkakaibigan nila Isagani at Sylvia.
Napagalaman ni Isagani na si Sylvia ay may angking galing sa pag guhit at pag pinta.
"Nais kong magsanay ng mabuti upang maipinta ko ang pinakamagaling na konseho sa Ydellero." Nakangiting sabi ni Sylvia.
"Bolera. Ngunit aasahan ko iyan." Ani ni Isagani sabay gulo sa kulay kremang buhok ni Sylvia.
Napasimangot naman si Sylvia sapagkat ayaw niyang nagugulo ang kanyang buhok.
"Ngunit bakit mo ba nais maging parte ng Konseho eh hindi ba ay galit ka rin sa kanila?" Tanong ni Sylvia kay Isagani na nagbabasa ng libro habang naka upo sa bintana.
"Kung ako'y magiging isang normal na rebelde lamang ay baka'y bangkay ko lamang ang dadatnan n'yo." Pabirong sagot ni Isagani.
"Nais kong talunin sa sarili nilang laro ang mga buwayang opisyal ng gobyerno." Dugtong niya. Alam nyang malayo pa ito ngunit pursigido syang mag aral ng mabuti upang makamit ito.
"Kung ganon, ang hiling ko ay matupad ang iyong hiling." Nakangiting sabi ni Sylvia.
Napangiti si Isagani. "Ito ay hindi hiling. Ito ay ang aking misyon sa buhay." Pangatwiran niya. Bata pa lamang siya ay alam niya na kung ano ang gusto niyang marating sa buhay.
Nagpatuloy sa pag uusap ang dalawa ngunit bigla itong naudlot nang biglang pumasok sa silid ang isang kasambahay na tila nag mamadali.
"Señorito! Ang inyong A-Ama!" Hindi pa man tapos ang kasambahay sa kanyang sasabihin ay agad binitawan ni Isagani ang kanyang librong hawak at agad na tumakbo patungo sa silid ng kanyang ama.
Lubos ang kanyang pag aalala para sa kanyang ama sapagkat may sakit ito sa puso.
Agad nakarating si Isagani sa silid ng kanyang ama. Nadatnan nya ang kanyang ama na nakahawak sa kanyang dibdib. Ngunit mayroong nakalukot na papel sa pagitan ng kamay nito.
"Ama!" Bulyaw ng nag aalalang Isagani.
"Ina? Anong nangyayari kay Ama!" Tanong ni Isagani sa kanyang Ina na nananatiling kalmado habang hinihimas ang likod ni Don Wendelfo.
"Huwag kang mag alala sa iyong ama nabigla lamang siya. Ngunit." Huminto muna ang kanyang Ina at tila ba nagdadalawang isip sa kanyang sasabihin.
"Ngunit?" Kinakabahang tanong ni Isagani.
"W-Wala na si Mariano." Nanghihinang sabi ni Don Mariano.
"Isagani, wala na ang matalik kong kaibigan." Basag ang boses ng kanyang ama. Hindi nito mapigilang maiyak sa sinapit ng kanyang matalik na kaibigan. Hindi mapigilan ni Isagani ang kanyang mga luha mula sa pag-agos galing sa kanyang mga mata.
"P-Paano?" Ito lamang ang naisambit ni Isagani. Tila hindi sya makapaniwala sa masamang balita. Siya ay naguguluhan at nasasaktan para kay Sylvia.
"Dumating ang liham na nagsasabing isa sa mga bangkay na natagpuang nakalutang ay ang mag asawang Felicidades. Ang barkong sinakyan nila pauwi ay napunta sa gitna ng bagyo dahilan upang masira ito at kalaunan ay lumubog." Paliwanag ng kanyang ina.
Hindi maipinta ang mukha ni Isagani. Agad niyang naisip kung ano ang maramramdaman ni Sylvia.
Marami man ang tumatakbo sa kanyang isipan ngunit isa lamang ang prominenteng nasa isip ni Isagani.
"Ina, Ama." Pagkuha niya sa atensyon ng kanyang mga magulang.
"Huwag muna natin itong sabihin kay Sylvia -----" ngunit huli na ang lahat. Nahulog ni Sylvia ang librong pinulot niya kanina na binitawan ni Isagani. Ito ang dahilan upang sabay silang tatlong mapalingon sa pinanggalingan ni Sylvia.
Mukhang kanina pa nakikinig ang batang Sylvia.
Tumakbo si Sylvia palayo sa kanila. Lingid sa kaaalaman ni Isagani ay sumunod pala agad si Sylvia sapagkat ito ay nag aalala sa kalagayan ng ama ni Isagani ngunit ang masamang balita pala ay tungkol sa kanyang mga magulang.
Nagtungo si Sylvia sa kanyang silid. Umiiyak ito, humihiling na sana panaghinip lamang ang lahat.
Napahagulhol ito habang tinatawag ang kanyang ina at ama. Nagsisisi siya kung bakit hindi sya sumama sa kanyang mga magulang.
Para kay Sylvia, mas mabuti pang kasama sya sa mga nasawi kaysa mabuhay na wala ang kanyang mga magulang.
Malapit si Sylvia sakanyang mga magulang kaya't hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin.
Ramdam ni Isagani ang pighati at pagdadalamhati ni Sylvia sa paglisan ng kanyang mga magulang. Kung kaya't napagdesisyunan ni Isagani na umupo sa gilid ng pintuan.
Alam niyang kailangan ni Sylvia ng panahon upang mapag isa at matanggap ang mga pangyayari.
Hindi rin siya Diyos na kayang alisin ang dinaramdam ni Sylvia.
Hindi lumabas si Sylvia ng buong araw at hindi rin umalis si Isagani sa kanyang puwesto. Ito ang kanyang paraan ng pakikiramay kay Sylvia. Hindi man sya nakikita ni Sylvia ngunit nais nya paring manatili malapit kay Sylvia bilang pag suporta sa kanya.
Pinilit si Isagani ng mga kasambahay na kumain ng hapunan ngunit tinanggihan ito ni Isagani. Hindi nya nais kumain mag isa habang si Sylvia ay nahihirapan.
Buong gabi ay nanatili si Isagani sa kanyang puwesto. Hindi nito pinansin ang masakit niyang likod.
Alam niyang mas masakit ang nararamdaman ni Sylvia.
Kung puwede lamang ay kunin niya lahat ng lungkot at nararamdaman ni Sylvia ay gagawin niya.
Napaka inosente at bait ni Sylvia. Napakabuti ng loob ni Sylvia at ayaw ni Isagani na malagyan ito ng kahit katiting na bahid ng galit dahil sa paglisan ng kanyang mga magulang.
Nagsing si Isagani ng bumukas ang pinto.
Madaling araw na ng lumabas si Sylvia. Mugto ang mga mata nito at pula ang kanyang mga pisngi. Magulo rin ang buhok nito.
"Sylvia.." Mahinang sabi ng pagod na Isagani habang kinukusot ang inaantok niyang mga mata.
"Kanina ka pa ba nariyan?" Tanong ni Sylvia.
Tumango naman si Isagani.
"Bakit hindi ka kumatok?" Inosenteng tanong ni Sylvia.
"Hindi ko nais na abalahin ka sa iyong pag dadalamhati---"
"Kumain ka na ba?" Tanong ni Sylvia at ngumiti ng bahagya.
Kahit na mabigat ang loob ni Sylvia ay nagawa parin nitong ngumiti at mag alala para sa iba. Tila kinurot ang puso ni Isagani rito.
Nais niya mang yakapin si Sylvia ay hindi niya magawa sapagkat siya ay nahihiya.
"Hindi pa, nais mo ba akong sabayang kumain?" Tanong ni Isagani at tumayo.
Agad naramdaman ni Isagani ang masakit niyang likod at leeg. Tila pinagsisisihan niyang nanatili sya sa ganoong posisyon.
"Makakatanggi ba ako? Masarap pa naman ang luto ni nanay Esther." Pabirong sagot ni Sylvia. Napangiti si Isagani, kahit kaylan ay napakabuti ng loob ni Sylvia.
Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya kung sya ang nasa posisyon ni Sylvia. Mas lalo pang lumalim ang kanyang paghanga kay Sylvia dahil sa ipinapakita nitong katapangan.
Na tila ba hindi niya na kaya pang pigilan ang kanyang damdamin para rito.
Tila siya ay umiibig ng tuluyan sa isang munting prinsesa.
BINABASA MO ANG
A Noble's Revolt
Historical FictionAng kwentong Ito ay magsisimula sa panahong 1860. Isang batang lalaki na labing tatlong taong gulang ang nag aaral ng mabuti upang maituwid ang baluktot na sistema ng gobyerno. Nais ni Isagani na maging parte ng Konseho. Nais niyang talunin ang mga...