PROLOGUE
"Nasaan si Rora?"
Dis-oras ng gabi ay nandito ako sa labas ng bahay ni Gelo. Nag-inuman pala sila at pumuslit siya. Natutulog lang ako kanina nang biglang hanapin siya sa amin ni tita Flora. Hindi ko alam ang sasabihin dahil sabi niya sakin kanina nag-mall lang sila ng boyfriend niya.
Siraulong babae 'to, pinagaalala ako. Sabi ko wala akong paki sa kanya pero eto ako susunduin siya. Jusko po, sana naman hindi siya lasing dahil mahuhulas ang beauty ko.
"Ay, nandoon po ata sa may pool. Kasama po sila---" Hindi ko na pinatapos ang katiwala nila at nag thank you nalang. Dire-diretso ako sa may pool nila. Nag-inuman na rin kasi kami dito dati. Kasama ko si Gelo at yung mga ka-blockmates namin.
Nakita ko siya agad. Hayun at lalagok pa sana ng isang shot kaso kinuha ko na agad at ininom iyon.
"Huy!" Lasing niyang sigaw. Pumupungay ang mata na tinignan ako na umagaw sa basong parang gusto na niyang laplapin sa sobrang pagkalasing. "Kasali ka ba sa'min? Psh, dapat sinabi mo. Kuha nalang ako ibang glass..."
"Rora, si Paulo 'to. Tama na, uwi na tayo," mahinahon kong aya sa kanya. Hinawakan ko ang braso niya at marahan na hinila ito ng patayo.
"Ayoko pa! Pau, ang saya na ng inuman eh!" Itinuro niya sila Gelo, Anna, iba pa nilang kaibigan, at si Luis na boyfriend niya. "Goods lang tayo, 'di ba? 'Di ba?!"
"Ang lakas na ng tama mo, tanga," pasaring ko sa kanya.
"Ano naman?" Pumamewang ito at tinignan ako ng masama. "Kasalanan mo 'to! Palaging ikaw ang tanong sa'kin sa game. Ayoko sumagot kaya ininom ko eh ang lakas pala ng tama ng alfonso..." Tumawa pa ito ng kaunti.
"Iinom-inom kasi hindi naman kaya..."
Umirap ito at saka lumapit sa akin ng paunti-unti.
"Iniinis nila ako sa'yo! Pine-pair-up na tayo, beh!" She smiled like an idiot. Lango na talaga sa alak. "Akala nila may gusto ka sa'kin! Sabi ko wala! Kasalanan mo to eh. Kung di mo tinuloy yung dare sa kissing booth edi sana walang issue. Pati jowa ko pinagseselosan ka."
Unconsciously, I looked at Luis' direction. Nakakita ako ng hinanakit sa mga mata niya. Shock was also evident dahil kahit alam naming may selos siya sa namamagitan sa amin ng jowa niya na bestfriend ko, hindi niya ito kayang aminin dahil baka mabawasan ang pagkalalaki niya.
"Sira, ino-overthink mo kasi pang-aasar nila!"
I moved closer to her. Inakbayan ko siya gaya ng dati, nung mga bata palang kami. I look closely in her eyes.
"Oh, wala lang naman eh. May malisya ka ba sa'kin, Marianna Aurora Felicidad? Hmm?"
Ikinubli ko ang nanginginig kong mga tuhod at nagpakatatag. Sa totoo lang, may kaunti na rin akong malisya sa kanya. Akala ko namatay na yung pagkalalaki ko? Ba't nagising eh akbay ko lang yung bestfriend ko?!
"Shit, ang pogi mo pala pag lasing ako..." Parang normal na mga salita nang namutawi ito sa bibig niya.
Pero para sa'kin, tumigil bigla ang mundo ko. G-gwapo? Ako? Maganda ako eh!
"Akala ko dati joketime lang. Pero 'di ko mapigilan. Akala ko... bestfriend lang kita. Pero Juan Sixto Paulo Veneracion, mahal na ata kita..."
What she did shocked the whole universe, my whole body, my whole system. It was something that I should not tolerate. It was something wrong.
But at that moment, it just felt so right.
I know it is dangerous. If I fell, I will not be able to come back from the pit anymore.
But I love her. She loves me.
And this is the feeling that we never knew will exist.