Kabanata III

1 1 0
                                    

Lumipas ang ilang linggo at tila wala paring paramdam ang nakakatandang kapatid ni Sylvia.



Napag alaman ni Isagani na nag aaral ang panganay na anak ni Don Mariano sa ibang bansa noong bata pa lamang si Sylvia. Si Sylvia ay anak ng pangalawang asawa ni Don Mariano. Namatay na ang unang asawa nito na ina ni Miguel noong bata pa lamang si Miguel.

Si Miguel ay dalawampung taong gulang. Medyo hindi maganda ang relasyon ni Sylvia at ng kanyang  nakakatandang kapatid.


Kaya't hindi na nagtaka si Isagani na wala paring sagot ang liham na ipinadala ng kanyang ama kay Miguel na tila ba inabandona nito si Sylvia.


Nagpatuloy ang ganoong sitwasyon. Naka ilang padala na ng liham si Don Wendelfo ngunit ni isa ay walang liham na bumalik sakanya.


Kinabukasan ay may dumating na liham na nagsasaad na wala ni isang barya ang mapupunta kay Sylvia.


Hindi naka saad kung saan napunta ang yaman ng yumaong magulang ni Sylvia ngunit isa lamang ang ibig sabihin nito, mayroong taong nag manipula sa huling habilin ng magulang ni Sylvia.

At ang taong ito ay ang taong dapat iwasan ni Sylvia.

Alam ito lahat ni Isagani at ang teorya niya ay si Miguel ngunit hindi ito sapat na basihan sapagkat hindi nya pa ito nakikilala sa personal.


Walang magawa ang ama ni Isagani kundi kupkupin si Sylvia sa kanilang tahanan.


"Nais kong kupkupin si Sylvia at gawin kong tunay kong anak." Pahayag ni Don Wendelfo sa kanyang asawa habang sila ay nakahiga sa kanilang higaan.

Malalim na ang gabi at hindi parin makatulog ang mag asawa.

Natawa ng bahagya ang asawa nitong si Esther.

"Hindi mo maaaring gawin 'yan." Payo nito sa asawa. Alam ni Esther na may lihim na pagtingin ang kanyang anak na si Isagani kay Sylvia. Minsan ay naikukuwento iti sakanya ni Isagani.


Tanging kay Esther lamang bukas ang loob ni Isagani na Ibahagi ang kanyang mga nararamdaman. Naikukuwento sakanya ni Isagani ang mga bagay na nais niyang gawin at mga bagay na hindi alam ng kanyang ama.

"Anong dahilan at hindi maari?" Ni isang dahilan ay walang maisip si Don Wendelfo. Para sakanya, ang pag kupkop kay Sylvia ay isa sa mga bagay na pinaka magandang gawin sapagkat maaaring mapunta si Sylvia sa bahay ampunan.

Ngumiti si Esther sa kanyang asawa at  hinimas ang buhok nito.

"Ang iyong nag iisang anak ay may lihim na pag tingin kay Sylvia. Baka maging kumplikado lamang ito sa hinaharap." Paliwanag ni Esther.


Napabuntong hininga si Don Wendelfo. Tila ba nagmana sakanya ang kanyang anak na mahilig sa magagandang binibini. Hindi maikakaila ang kagandahang taglay ni Esther.

Ngunit naintindihan naman ito ni Don Wendelfo kaya't hindi na sya nag tanong pa.

Napagdesisyunan niyang dito muna maninirahan si Sylvia hanggang sa mag desisyon si Sylvia para sa kanyang sarili.

Mabilis ang takbo ng panahon.

Lumipas na ang tatlong taon. Naging mas malalim ang pagtingin ni Isagani sa nagdadalagang Sylvia.

Sa loob ng tatlong taon ay sabay silang punapasok sa eskwelahan at sabay din silang uuwi.

Paminsan minsan ay nakakaramdam ng selos si Isagani sa tuwing may ibang binata ang magpapakilala o di kaya ay lalapit kay Sylvia.

A Noble's Revolt Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon