Nakapagtapos ng Kolehiyo si Isagani sa ibang bansa. Hindi naging madali ang kanyang pag aaral dito.
Nangungulila siya sa kanyang mga mahal sa buhay at mahal rin ang mga bilihin rito ngunit sya ay nagtitiis makapagtapos lamang. Hindi man sila mahirap ay ayaw abalahin ni Isagani ang kanyang pamilya sapagkat alam nilang pinag aaral din nila si Sylvia.
Kaya't sa loob ng apat na taon niya sa ibang bansa ay pinasok nya ang iba't ibang trabaho na naging dahilan upang marami ang nakakilala sakanya.
Sa angking talino ni Isagani ay iba't ibang tanyag na paaralan ang nais syang kunin bilang propesor kahit pa hindi pa sya nagtatapos.
Marami ding nadiskubre si Isagani na mga bagay na wala sakanilang bansa.
Naging mas mayaman pa si Isagani sa ibang bansa. Dito ay mayroon siyang sarili niyang sasakyan na wala pa sa kanilang bansa. Ang bansa nila ay tanging kalesa lamang ang maaring sakyan upang maglakbay.
Mas lumawak ang koneksyon ni Isagani ng sumikat siya sa isang larawang kuha ng hindi kilalang tao. Agad siyang kinuha bilang modelo ng isang tanyag na designer.
Mas naging madali rin ang pamumuhay niya nang makilala niya ang natatandang kapatid ni Sylvia na si Miguel. Si Miguel ay may sariling kumpanya sa ibang bansa.
Hindi inaasahan ni Isagani na magtatagpo ang mundo nila. Noong una ay galit si Isagani kay Miguel sapagkat teorya ni Isagani ay si Miguel ang nasa likod ng pagmamanipula ng huling habilin.
Ngunit nalaman nya na hindi pala alam ni Miguel na wala ni isang barya ang napunta sa kanyang kapatid sapagkat ibang liham ang dumating sakanya.
Ang nasa loob ng liham ay naglalaman ng detalyeng si Sylvia ay naninirahan sa mansion nila kasama ng mga kasambahay. Wala rin umano siyang natanggap na liham mula kay Don Wendelfo.
Naintindihan ni Isagani ang sitwasyon kaya't naging magkaibigan sila sa loob ng dalawang taon.
Nais man nilang umuwi sa kanilang bansa ay hindi nila magawa sapagkat silang dalawa ay maraming ginagawa.
Nalaman rin ni Miguel na mayroong gusto si Isagani sa nakakabata niyang kapatid kaya lagi niyang inaasar si Isagani.
Napagdesisyunan ni Miguel na uuwi lamang sya sa kanilang lugar kung magpapakasal na si Isagani kay Sylvia.
Sa loob ng apat na taon, nakatanggap ng liham si Isagani mula kay Sylvia ngunit isang beses lamang ito at hindi na nasundan pa. Kaya't medyo nag aalala na sya at baka'y mayroon ng nobyo si Sylvia.
Masaya si Isagani at uuwi na sya bukas. Kaya't naisipan nyang bilhan ng mga imported na gamit si Sylvia. Mula sa pabango hanggang sapatos.
Bumili rin siya ng isang Camera para iregalo kay Sylvia.
Dala dala rin ni Isagani ang isang maletang puno ng mga ginto at alahas. Padala ito ni Miguel para kay Sylvia.
Alam ni Isagani na matutuwa si Sylvia na hindi galit ang kanyang nakakatandang kapatid sakanya.
Kinabukasan ay maagang pumunta si Isagani sa daungan ng barko. Nais niyang bumilis ang takbo ng oras upang makapiling nya na ulit ang kanyang pamilya.
Lumipas ang ilang araw ng paglalakbay at nasa kalagitnaan pa ng karagatan si Isagani. Napagdesisyunan niyang lumabas muna upang lumanghap ng preskong hangin.
"Hi." Bati ng isang babaeng dayuhan. "Are you free tonight?" Tanong sakanya ng babae sabay kindat.
Agad na umiling si Isagani. Wala nang ibang babae na makakaagaw sa kanyang atensyon kung hindi ay si Sylvia lamang. Para sakanya, si Sylvia lamang ang babaeng iibigin niya. Ang babaeng pinakamaganda sa buong mundo.
BINABASA MO ANG
A Noble's Revolt
Historical FictionAng kwentong Ito ay magsisimula sa panahong 1860. Isang batang lalaki na labing tatlong taong gulang ang nag aaral ng mabuti upang maituwid ang baluktot na sistema ng gobyerno. Nais ni Isagani na maging parte ng Konseho. Nais niyang talunin ang mga...