Kabanata 27
"Do you like that boy?"
Natigil ako sa paglalakad at nilingon si Caden. Mukhang seryoso siya kaya nangunot ang noo ko.
"Huh?"
"That boy with the same name as mine."
Ah! Si Keith ba ang tinutukoy niya? Siguro. Si Keith lang naman ang kilala kong may kaparehong pangalan niya.
Napailing ako sakaniya. Bakit ko naman magiging crush 'yon, eh, kakakilala ko pa lang naman sa tao.
"Hindi. At saka, kailan lang kami nagkakilala no'n, 'no!"
Tumaas ang kilay niya at napahinto saglit kaya nilingon ko siya.
"Bakit mo pala natanong?"
"Wala naman. You just seem very interested in him."
Natawa ako. "Nakakatuwa lang kasi siya."
Pagkarating namin sa spring, agad kong hinubad ang tsinelas ko para ibabad ang paa sa tubig. Malamig ang simoy ng hangin at maraming ibon ang nakapaligid sa amin dahil sa mga puno.
Ginaya ni Caden ang ginawa ko. Hinubad niya rin ang suot na tsinelas 'tsaka nilagay sa tubig ang mga paa.
Iginala ko ang tingin sa kabuuan ng spring. Tanging ang tunog ng tubig, kanta ng mga ibon, at sayaw ng mga puno ang naririnig ko sa paligid. Hindi rin ganoon kainit ang tama ng araw dahil hapon naman na at nasasalo rin ng dahon ng mga puno at sanga ang araw.
"Alam mo ba," ani Caden.
Nilingon ko siya. Tahimik siyang nakatingin sa malawak na spring at sa puno sa paligid bago nagsalitang muli.
"I didn't tell you this before because... there are so many people around you that... I can't get near you, and... I was taken aback by what happened."
Lumunok ako at nag iwas ng tingin. Parang alam ko na kung ano ang tinutukoy niya.
"Ano 'yon?"
"Noong prom. night, naaalala mo ba?" Ngumiti siya. "Ang ganda-ganda mo noong gabing 'yon. You were really beautiful even then, but you were even more beautiful that night," he said and looked at me. "I want to tell you that personally, but it's a shame because I didn't even buy or bring any flowers for you."
I looked away. That's the memory that I'm trying to forget. Dahil doon nagsimula ang pait ng lahat.
Parang nanunumbalik sa akin ang kahapon. Ang masasakit na salita at sa kung paano ako tinalikuran ng sariling pamilya. Kung paano ako halos sumuko sa buhay na hiram ko lang naman— sa kung paano ako nawalan ng pag asa sa buhay na minsan kong sinubukan wakasan.
Hindi ko alam ang isasagot ko kay Caden kaya ginalaw ko na lang paa ko sa tubig.
"Pumunta ako sa likod ng school. May mini garden doon na itinayo ng mga Grade 9 para sa Yes-O Project. Hindi ko alam kung natatandaan mo pa, pero na-kwento ko sa'yo ang project na 'yon noon." Umiling siya saglit.
Natatandaan ko nga 'yon. Hindi pa nga iyon nasasabi sa school pero pinakita na niya agad sa akin.
"Kumuha ako ng bulaklak doon." Tumawa siya pero ramdam ko ang pait doon. "Apat lang naman, sabi ko pa. Ibabalik ko rin naman, e. Magtatanim na lang din ako ulit pagtapos ng prom."
Huminga ako ng malalim. Bakit ang sakit pakinggan?
"Excited ako pagbalik ko kasi bagay 'yon sa suot mo. Kahit hindi mamahalin, maganda rin naman 'yong bulaklak." Umiwas siya ng tingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Scattered Pieces (Alma Mina Series #1)
Ficção GeralStatus: Ongoing Posted: May 10, 2023 Action | Romance | Crime