𝓞𝓾𝓻 𝓟𝓵𝓪𝓽𝓸𝓷𝓲𝓬 𝓗𝓮𝓪𝓻𝓽𝓼

45 12 4
                                    

SA KAHABAAN ng kalye ng Sitio Paraiso, kung saan matatagpuan ang abala at maingay na kalsada ng Manakit market. Kaliwa't kanan din ang pagdaan ng mga malalaking delivery truck na mas lalo pang nagpa-ingay sa paligid kasabay pa ng mga tao at ugong ng ilang mga sasakyan. Habang tumatagal ay mas dumarami ang mga namimili sa paligid at abalang mga tindero't tindera upang makabenta pa ng mga paninda nilang mga gulay, manok, karne at iba pa.

Hapon pa lang ay maaga ng nakapuwesto si Abi sa tindahan ni Aling Jessa para mag-wifi lang at mag-review para sa assessment nila. Ilang linggo na lang kasi ay assessment na nila kaya't naging abala siya sa pag-re-review para rito. Hindi niya ininda pa ang ingay at amoy ng paligid makapag-review lang. Katabi lang kasi ng tindahan ni Aling Jessa ang tindahan ng isda kaya naamoy niya ang malansang amoy nito.

Papalubog na ang araw pero naroroon pa rin si Abi sa harap ng tindahan ni Aling Jessa at abala pa rin sa pag-re-review. Mukhang wala na siyang balak umuwi makapag-review lang at mag-research kahit pa maingay at malansa ang paligid niya.

"Chipset that allows the CPU to communicate with the RAM and graphics card?" Nangunot ang noo ni Abi sa nabasa. Halos magsalubong na ang makapal niyang kilay habang mariing nakatingin sa cellphone niya. Daig niya pa ang problemado.

"Huh? Ano bang sagot dito?" tanong ni Abi sa sarili niya. Hindi niya na maalala ang sagot dito kahit nabasa niya na iyon kahapon pa.

Familiar sa kaniya ang nabasa pero 'di niya lang maalala kung ano 'yon. Familiar lang. Ito na naman siya sa familiar pero hindi naman niya masagutan sa huli. Wala ng nagawa si Abi kundi sagutin na lang ito. Tsina-challenge niya kasi ang sarili niya kung masasagutan niya ba iyon kapag tinanong siya ng assessor nila.

"Northbridge," hula niya, 'di pa siya sigurado kung tama ba ang tinype niya. "Also known as Memory Controller Hub." Dugtong niya pa, kung tama rin ba ang pagkakaalala niya.

Ilang sandali lang ay nakita niya ang biglang pag-check ng sagot niya. Sign na may tama na siya-este tama ang sagot niya.

Hindi alam ni Abi kung future programmer ba siya o future manghuhula. Ang galing niya rin kasi manghula. Sana ay naging manghuhula na rin siya, kidding aside. Hindi na siya magugulat kung pati grades niya ay hinuhulaan na rin ng assessor niya.

Akmang sasagot na ulit siya nang biglang may nag-message sa kaniya. Sa cellphone lang din siya nag-re-review gamit ang isang application kaya't agad din niya nabasa ang message nito bago pa ito mag-vibrate.

"Hello, kumusta ka na?" pagkabasa ni Abi sa messenger niya na nag-pop up sa notification ng cellphone niya. Himala't nag-text ang kuya niya, kaibigan niya ito no'ng senior high.

"Okay lang," reply niya sa message nito. "Ikaw, kuya? Kumusta ka? Buti buhay ka pa?" Reply pa niya sabay tinawanan niya pa ito sa dulo ng reply niya. Natatawa na lamang siya sa sariling kalokohan.

Sa totoo lang na-mi-miss niya na ang kaniyang Kuya Eros. Simula kasi no'ng nagka-pandemic ay madalang na lang silang nag-uusap lalo't nasira rin ang kaniyang cellphone noon dahilan para mawalan na siya ng balita dito. Mas lalong 'di pa sila nagka-usap no'n no'ng lumipat siya ng ibang lungsod para mag-aral ng college. Hindi kasi afford ng nanay niya ang mahal na tuition fee sa college sa dating lugar nila noon.

Napangiti na lang din siya kalaunan nang may maalala. Hindi niya tuloy maiwasang magbalik-tanaw no'ng senior highschool pa lang silang dalawa. Kung saan din sila unang nagkakilala.

That was her first day of class in senior high. Typical shy type student ang peg niya dahil ito ang unang klase na iba na ang classmate this year. Nasa private school na siya na may free tuition dahil sa program na inilunsad ng K-12 program noon. Tanging uniform, pamasahe at baon lang ang nagastos niya noon iba pa ang mga projects niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 18, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Modern Fairytale [One Shot Compilation]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon