Chapter 13

45 1 0
                                    


"Kailan pwedeng ma-discharge si Mama?" Tanong ko kay Cleo habang nakaupo sa couch dito sa opisina n'ya sa hospital. Kumakain kami ngayon dahil mag-a-ala-una na. Halos isang b'wan na rin kami dito ni Mama at mabilis naman ang kan'yang paggaling.

"Bukas, may gusto ka bang kainin or something? Baka gusto mo ng cookie's?" Kung-saan-saan s'ya tumitingin habang itinatanong ang mga katagang ito sa akin.

"Kainin? Kumakain pa nga tayo tapos magtatanong ka na naman ng pagkain na gusto ko? Tsaka lunch ngayon, aanhin ko ang cookie's?" Kunot-noo kong tanong.

"B-baka kasi g-gusto ko lang, ayaw mo?" Parang malungkot n'yang saad na mas kinakunot ng aking noo.

"Favorite ko ang cookie's pero kumakain pa kasi tayo eh, mamayang meryenda na lang kaya?" Wika ko at sumubo ng kanin.

"Okay, fine," pagsuko n'ya.

Bakit ba kasi s'ya nagtatanong ng gano'n? Kumakain pa nga kami, may binabalak kaya s'ya?

"'yong mga gamit n'yo ni Tita, ipapakuha ko na lang sa bahay n'yo, doon na kayo sa bahay ko titira."

Halos mabulunan ako nang sabihin n'ya 'yon. Seryoso ba s'ya? Hindi pa nga kami kasal tapos titira na kami ng magkasama sa iisang bubong?

"Ano? Magugulat n'yan si Mama! Paano kung bigla s'yang atakihin ulit? Tapos mahospital na naman s'ya? Tapos kailangan na naman ng heart donor? H-hindi ko pa nga nasasabi sakan'ya ang tungkol sa kasal," natataranta kong saad.

"Relax, naiintindihan naman siguro ni Tita, kausapin natin mamaya, hindi kasi ako kampante na wala kayong kasama sa bahay n'yo, dalaga ka at sa ngayon ay hindi pa bumalik ang lakas ni Tita, mas ligtas sa bahay ko, kasama n'yo ako at kung may masamang mangyari na naman ay maaagapan natin kaagad si Tita," paliwanag n'ya na nagpaisip sa akin.

Kung sa bahay n'ya nga kami titira ay mas ligtas nga, napakarami pa namang kawatan aa barangay namin at isa pa ay kung may hindi ka-aya-ayang mangyari kay mama ay nand'yan naman s'ya, isang doctor.

"M-may punto ka naman, p-pero nakakahiya na kasi Cleoford, ikaw na nga ang sumagot sa operasyon ni mama at naghanap ng donor tapos patitirahin mo pa kaj sa bahay mo," lintaya ko na dahilan ng kan'yang pagbuntong-hininga.

"Magiging asawa na kita, sa isang b'wan na pamamalagi sa labas ng bahay n'yo ay nakita ko na ang mga uri ng tao na nakatira sa lugar n'yo. May mga kalalakihan rin na inaabangan ka talaga, tinitignan ka mula ulo hanggang paa. Mas ligtas kayo sa bahay ko, doon na lang kayo, hindi ko kakayanin kung malalaman ko na may nangyaring masama sainyo," dahil sakan'yang sinabi ay napayuko ako at pinaglaruan ang pagkain na nasa aking plato gamit ang kubyertos.

"Dawn, I need your answer right now, wala naman akong gagawing masama sainyo, gusto ko lang na ligtas kayo para mapanatag ang loob ko."

Pangungumbinsi n'ya sa akin. Tatanggapin ko ba ang alok n'ya? Paano kung mapahamak nga kami ni mama sa bahay? Tama su Cleo, dalaga ako at si mama ay mahina pa rin.

"Pero bakit gusto mo na doon kami ni mama sa bahay mo tumira?" Kailangan ko munang masigurado na may sapat s'ya na rason upang pumayag ako na sa bahay n'ya na kami titira.

"Kasi nga mas ligtas kayo sa bahay ko," seryosong sagot ni Cleo.

"Yung totoo," tinitigan ko s'ya sa mata, napabuntong hininga ulit s'ya at tumayo upang pumunta sa likuran ko at niyakap ako mula sa likod.

"Gusto ko lang naman na maging ligtas kayo, ayaw kong magaya ka sa sinapit ng asawa ni Kuya Eros, mabait 'yon, kagaya mo. Matulungin, kagaya mo, tapos maganda rin, kagaya mo. Hindi ko talaga matanggap ang nangyari sakan'ya, parang kapatid ko na s'ya, ang cute nga kasi ang childish n'ya minsan," nakaramdam ako ng mga patak ng tubig kaya't tumayo ako mula sa pagkaka-upo at hinarap si Cleo.

Waiting for the Dawn (Fontana brothers series 1) [Unedited]Where stories live. Discover now