CHAPTER ONE
"You're still doing that thing."
Dahan-dahan kong nilingon ang taong nagsalita sa likod ko. He's wearing a jersey shorts and a plain black shirt.
Fjord.
He looks just like me, maliban na lang sa height. He's more taller than me. Pero sa mukha, mahihirapan kang hulaan kung sino ang sino sa amin. So, tandaan mo nalang kung sino kami sa height namin.
Fee-awd or Fiord. Mahirap bigkasin sa una. Ipinangalan ito ni Papa dahil sa kahiligan niya sa nature. Ang mga pangalan naming magkakapatid ay galing sa bodies of water or may connection sa tubig like Hosien (Ocean), Ryver, Wouter (Water), Fjord at Leik (Lake) and we have Riwin Seagrith, a very complicated name para sa nag-iisang babae sa aming anim.
Umupo si Fjord sa damuhan sa tabi ko. I offered him a cigarette stick at kumuha naman siya. Pero bago kami humithit ng sigarilyo ay mabilis kaming tumingin sa likod namin dahil baka nasa likod lang namin si Mama. Sabay rin kaming napangiti nang ma-realize namin na iisa lang ang naisip namin.
And yeah, hindi ang paninigarilyo ko ang tinutukoy niya.
Tahimik kaming pareho habang pinagmamasdan ang ilog ng Kalinawan sa harapan namin. Kumikinang ang tubig nito na para bang dyamante dahil sa tirik na tirik na sikat ng araw na nakatutok sa ilog. Mabuti na lang ay mayroon kaming malalaking mga puno ng acacia sa likod ng bahay namin kaya nasa lilim lang kami.
Masarap magtampisaw sa tubig ngayong summer pero tila wala kaming lakas para gawin iyon.
Ito ang tambayan naming magkakapatid noong maliliit pa kami. Noong...masaya pa at wala ka pang problema sa buhay.
Natatandaan ko pa noon na mayroon kaming malaking tree house dito pero nasira ang punong tinatayuan ng tree house namin nang tamaan ito ng kidlat. Hindi na rin namin ito inayos dahil siguro...lumaki at tumanda na lang kaming lahat.
"Mamaya-maya aalis na kami nila kuya." Ani niya. Tumango lang ako habang nakatitig sa tubig. Pagkatapos ng ilang minuto ay muli siyang nagsalita. "Sigurado ka ba sa desisyon mo?"
Hindi agad ako nakasagot. Ilang minuto pa ang lumipas nang muli siyang magsalita.
"Tandaan mo, hindi ka nag-iisa. Hindi mo na nga kailangan tumingin sa salamin kapag kasama mo ako." Napatawa siya saglit sa sinabi niya. "Kaya alam ko pati laman ng isip mo. Kuha mo o magulo?" Umiling lang ako at humithit ng sigarilyo.
"Sa tingin mo, mali ba itong gagawin ko?" Tanong ko pagbuga ko ng usok.
Hinarap niya ako at umingin siya sa mga mata ko.
"Alam mo, hindi mali 'yang gusto mo pero dapat sigurado ka. At saka, hindi mo dapat 'yan itanong sa akin. Itanong mo yan sa sarili mo. Gusto mo ba talaga ito? O kailangan mo lang dahil nagtatago ka?" Matapos niyang sabihin ito ay bumuga siya ng usok.
Ilang beses ko na itong tinatanong sa sarili ko pero hati pa rin ang nararamdaman ko hanggang ngayon. Isang linggo na ang nakalipas simula nang ilibing si Papa, at hanggang ngayon hindi pa rin ako sigurado sa desisyon ko.
Wala naman akong ibang mapupuntahan. Wala na rin halaga ang mga pangarap ko. Ang tanging nasa isip ko nalang ay ang maging karamay ni Mama sa pagkawala ni Papa.
"Leik, mahirap bumalik sa lugar kung saan nagsimula ang lahat ng bangungot mo pero sa tingin ko, sa tingin ko lang ah, mas madaling maghihilom ang lahat ng sugat sa puso mo if you stay here again. Unti-unti, Leik. Unti-unti." Hinawakan niya nang mariin ang mga kamay ko. "Kapag napaltan na ng masasayang pangyayari ang mga bangungot mo rito, kahit gaano man katagal, ibig sabihin nun, nakayanan mo. Nakalagpas ka sa challenges ng Diyos. At saka, tandaan mo lang ang palaging sinasabi ni Papa sa ating magkakapatid."
BINABASA MO ANG
Inmarcesible
General FictionInmarcesible: Unfathomable, everlasting. Leik and Noam's Story. My first M/M Romance (BxB) Book 1 of Estia Series