Chapter 10 - Message

2 0 0
                                    

SCARLETT P.O.V

Nakaupo ako ngayon sa isang table sa loob ng Café ko, habang sumisimsim ng kape, nagbabasa ako ng Psychology book. Gusto ko mang ipagpatuloy ang pag-aaral ng Psychology hindi ko nagawa dahil mas pinili ko ang course na ninanais ko. But realization suddenly hits me, kahit na anong galing mo sa loob ng korte ay hindi mo pa rin talaga matatapatan ang mayaman at makapangyarihang pamilya. They could even threaten you.

Napabuntong hininga na lang ako habang patuloy sa pagbabasa ng libro. No one bothered me. Not even my employees.

Napatingin ako sa lalaking nakatayo sa harapan ko. Napakunot ang noo ko ng makita kung sino iyon.

“Anong kailangan mo?” tanong ko rito.

He smiled and sat in front of me.

“Nothing, I just want to visit you. May masama ba roon?” sagot nito saka malapad na ngumiti.

Inirapan ko lang ito at nagpatuloy sa pagbabasa, kahit na nawawala na ang gana kong magbasa dahil sa pesteng lalaking nasa harap ko.

“What are you reading?” tanong nito.

Hindi kinibo at patuloy lang sa pagbabasa.

“I see, are you studying psychology?” tanong nito saka nilapit ang mukha sa cover ng librong binabasa ko.

“Nope, binabasa ko lang” sagot ko.

Napatango-tango na lang ang lalaki saka tumayo at naglakad papunta sa tabi ko.

“I studied psychology before, gusto mo turuan kitang i-manipulate ang taong nakapaligid sa 'yo?” wika nito na nakangiti sa 'kin.

Sinamaan ko siya ng tingin. “I read psychology to understand everyone's movement whether they're lying or not. Hindi ako nagbabasa ng Psychology book para manipulahin ang mga tao” sagot ko rito. “Ano bang kailangan mo sa 'kin ha?” balik na tanong ko rito.

“Why so grumpy? Kinakamusta lang kita. After what happened last week, for sure hindi maayos ang pagtulog mo” sagot nito saka inakbayan ako.

Inirapan ko ito at tinanggal ang kamay na naka akbay sa balikat ko.

“Ayos lang ako at nakakatulog naman ako ng mahimbing simula nung nangyari 'yon, wala namang nangyaring masama sa 'kin hindi naman ako binangungot” sagot ko rito saka tumayo. “Tabi, dadaan ako”

“Saan ka pupuntap?” tanong ulit nito.

“Sa loob ng kitchen, bakit? Anong gagawin mo?” tanong ko pabalik.

“Pwede ba akong sumama? Please? Promise magpapakabait ako” pagmamakaawa nito with matching puppy eyes.

“I don't believe in promises” sagot ko rito.

“Then, I'll do my best to behave. Wala akong gagawin” ani nito.

“Whatever you say so, basta kapag may ginalaw kang bagay na hindi mo dapat gagalawin, sisipain kita palabas makita mo lang” babala ko rito saka pumasok sa loob.

“MUKHANG may nanliligaw kay ate mo gurl ah” wika iyon ni Nathalie habang may dala-dalang paper bag.

“Paano mo nasabi?” tanong ko rito.

“Nakita kita kanina sa Café mo may kausap na lalaki, tapos nung papasok ka sa kitchen mukhang pinayagan mo siyang sumama sa 'yo” sagot nito saka niyakap ang paper bag. “Hindi ka na ba magiging bitter?” tanong nito.

Inirapan ko na lang ito saka patuloy na naglakad hanggang sa makarating kami sa bahay niya.

“Ang swerte mo kung magiging asawa mo 'yon, may mabait na, matulungin, at gwapo ka nang asawa” sambit nito saka inakbayan ako. “Siya na yata ang the one” tinaas nito ng dalawang kilay ng paulit ulit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 03, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Darker Than The Darkest Shade Of Black - Mavros Trilogy 1 (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon