Dahan dahan nyang iminulat ang kaniyang mata. Nagtaka sya sa hindi pamilyar na lugar, kinusot pa nga nya ang kaniyang mata para malaman kung nananaginip ba sya.W- wait? Nasan ako? Kunot noo nyang isip habang bumabangon.
"P- prinsesa, narito na po ang inyong maka- kain." nagulat sya ng magsalita ang isang babae na wari nya ay isang utusan. Nanginginig pa nga ito habang inaabot sa kaniya ang mga pagkain.
"H-huh? Anong prinsesa pinagsasabi mo, kung mangyayari man iyan ay gusto ko maging prinsipe ako." nagtataka man sya sa nangyayari ay dali dali nya parin hinablot ang mga pagkain.
Sandali syang napatingin sa mga utusan na nasa paligid nya ngunit hinayaan nya na lamang ang mga mukha nilang nagtataka sa ikinikilos nya.
Pano nga ba ako napunta sa lugar na ito? kumakain lang naman ako tapos nakatulog ako- wait! nilason ba ako ng best friend ko at namatay ako tapos pag gising ko e nasa ibang mundo na ako? Bwahahaha! Impossible.
Di bale, kung panaginip lamang ito ay ayoko na magising. Andami kayang pagkain dito at mas maganda pa kesa sa buhay ko noo-
Naputol ang pagmumuni nya ng may pumasok na utusan muli.
"Prinsesa, nandito po si Prinsipe Theodore." ani nya.
"Huh? Sino sya?" nagtataka kong tanong na ikinabigla niya.
"P- po? totoo nga po ba na nag ka amnesia kayo?-" Naputol ang sinasabi nya ng biglang may sapilitang pumasok sa pinto.
"WHAT DO YOU THINK YOU'RE DOING ELEONORA?!" sigaw ng lalaki na matangkad, maputi, white ang buhok at asul ang mata. I won't deny the fact na may itsura sya. Ang aura nya ay sobrang sama,ewan ko ba pero naiinis ako sa mukha nya. Siguro sa sobrang gwapo nya e naiinggit ako.
So Eleonora pala name ko, ang sama naman pakinggan.
"Ano na naman ang plano mo? Pwede bang itigil mo pinag gagagawa mo? Kahit kailan hindi kita mamahalin. Stop hurting Lily kung ayaw mong mawala ng maaga sa mun-"
"Sino ka ba?" inis kong tanong sa kaniya. Masyado na akong nawawalan ng pasensya sa walang modong tao na ito.
"Sa tingin mo ba e maloloko mo ako? Amnesia? What a joke. Kahit magpa k*m*tay ka pa hinding hindi mo makukuha ang loob ko." sagot nya na lalong ikinakulo ng dugo ko.
"Bahala ka sa buhay mo wala akong paki alam sayo." tipid kong sagot at humiga ulit.
Nagsalita pa sya pero hindi ko na napapakinggan dahil nilamon na ako ng antok ko.
Eleonora.. Eleonora....
Hinahanap ko kung saan nanggagaling ang tunog na iyon. Laking gulat ko ng makita ko ang kamukha ko. Siguro sya ang totoong Eleonora.
Umiiyak sya at mukhang nag mamakaawa.
"Please, gusto kong ayusin ang lahat ng ginawa ko. Ang pagkakamali ko na inibig ko sya higit pa sa sarili ko. Nasa saiyo na ang buhay ko, sana tulungan mo ako." pagmamakaawa nya at bigla akong nagising.
YOU ARE READING
I was reincarnated as a Kontrabida in another world
Storie d'amorePROLOGUE Pagka gising ko nasa ibang lugar na ako at isa pala akong kontrabida sa isang istorya ng mga bida. Eh ano naman? Love story? Ewww, never pumasok sa isip ko unless babae ang magiging partner ko. Kidding! Galit na galit itong mga lalaki sakin...