II

1 0 0
                                    

Carolina Quinn

2 months later

"Blade!" agad akong napayakap kay Blade kalabas ko ng gate namin na agad naman niyang tinugunan kahit may bitbit pa siyang paper bag, mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kaniya. Miss na miss ko siya kahit pa tatlong araw lang naman siyang nawala dahil sa leadership training and seminar nila na ginanap pa sa Baguio.

Habang magkayakap pa rin kami ay tiningala ko siya at ngumuso, "I miss you," sabi ko kaya naman bahagya siyang napangiti at humalik sa tuktok ng ulo ko napa-overthink tuloy ako nang bahagya kung mabango ba ang buhok ko.

Humiwalay ako sa yakap ko sa kaniya at baka ma-chismis pa kami ng mga kapitbahay namin, "Gago ka ah bakit walang I miss you too?" tanong ko sa kaniya sabay cross ng braso sa dibdib.

"Alam ko namang gusto mo lang ng strawberry at ube jam e, oh ayan!" tumatawang sabi niya sabay abot sa akin ng isang malaking paper bag na ikinangiti ko. Blade really has his own ways to show his feelings.

"Bakit pala andito ka? Alas-nuebe na ah," tanong ko sa kaniya kasi mukhang galing pa siya sa biyahe kaya naman napatingin ako sa likod niya at nakitang may dala pa nga siyang maleta. Wow, mukhang miss na miss ako ah.

"Tara?" yaya niya sa akin kaya napakunot ang noo ko.

"Ha? Saan?" pero hinatak niya lang ang kamay ko habang hatak naman sa kabila ang maleta niya at habang bitbit ko pa sa kamay ko yung paper bag niya.

Kahit na naka-ternong pajama lamang ako at siya nakasuot ng white na v-neck na pinaresan niya ng jeans ay nagpatianod na lamang ako.

"May problema ba, Blade?" tanong ko sa kaniya nang bumaba kami sa trike sa isang pamilyar na lugar, sa Sta. Catalina Street, para siyang night market kung tutuusin yun nga lang di malawak ang daan kaya kahit maraming tao ay hindi naman kayo magkakabungguan. Bukas ito hanggang madaling araw, may mga coffee shop, lugawan, at kahit anong kainan meron pati nga mga libro meron dito tapos minsan may mga banda pa.

"Tanga, wala, gusto ko lang talaga magpunta dito." sabi niya habang sabay kaming naglalakad sa kahabaan ng kalsada.

Nakasanayan na namin ni Blade na maglagi dito sa Sta. Catalina sa tuwing malungkot kami, sa tuwing malungkot siya. Naalala ko noon Grade 12 kami nang una kaming magpunta dito dahil nag-away sila ng papa niya, nag-foodtrip lang kami dati habang nagki-kwentuhan hanggang sa napadalas na sa tuwing malungkot ang isa sa amin dito kami dinadala ng mga paa namin. Nakakagaan kasi sa pakiramdam na kahit maraming tao dito, pakiramdam mo ligtas ka pa rin mula sa mga problema, I guess there is just something comforting with how the crowded street of Sta. Catalina is to us.

Tumango na lang ako kay Blade kahit pa alam kong may kakaiba sa mga mata niya. Umupo kami sa isa sa mga bench sa gilid na hindi masyadong nadadaanan ng mga tao.

"How's your trip? Marami ka bang naka-plastikan doon?" I asked.

"Ikaw lang naman pinagtiya-tiyagaan kong ka-plastikan no," tumatawang sagot niya. Tama yan, Blade kalimutan mo muna kung anong problemang meron ka.

Sinandal ko ang ulo ko sa kaniya na agad niya namang inalis kaya napabusangot ako at ginawa ulit at buti naman hindi na siya nagtangkang alisin.

"Ang lamig hayop ka hindi mo man lang ako hinayaan kumuha ng jacket," sambit ko sa kaniya habang nira-rub ang braso para kahit papaano mainitan sa friction kasi alam kong hindi ako yayakapin ng gagong katabi ko, batuhin siguro ng jacket okay pa.

"What's your favorite food, Carolina?" he asked kaya napatingala ako sa kaniya habang nakatingin siya sa akin, there really is something whenever he calls me by my first name na sobrang bihira lang. Para akong sasabog sa kilig kahit wala namang nakakakilig doon mabuti pa kung tawagin niya akong love, babe, o baby 'di ba? Pero wala, kinikilig talaga ako.

Midnight RainWhere stories live. Discover now