ulan (ᜂᜎᜈ᜔)

170 7 0
                                    

Sa bawat pagpatak ng ulan
Kasabay ang pakiramdam na hindi maunawaan
Sa kalangita'y nag hahari ang kadiliman
Gayun din sa pusong hindi nasuklian

Sa bawat pag ihip ng hangin
Ang syang pag lipad ng dahon sa hardin
Maging ang pag-asang ikay maging akin
Tila tinangay na rin

Sa pag tila ng ulan
Onti onti nang na lilinawan
Mga luhang hindi tumatahan
dahil sa masakit na katotohanan
Katotohanang ang isang tulad mo ay malabong maging akin at ang salitang tayo ay dapat ko ng limutin

Sa pag sikat ng araw
Bagong pag asa ay natanaw
Hindi man ngayon pero balang araw
Umaasa na ang pintig nang puso'y hindi na ikaw

-ᜂᜎᜈ᜔-

Mga Tula Para Sa BinibiniTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon