Pain
Hanggang sa mayari akong kumain, iyon pa rin ang iniisip ko. Ilang beses ko ring tinanong sa aking sarili, bakit parang hindi man lang ako kinilig sa halik niya.
Feeling ko tuloy ang sama sama kong tao.
Nagpasya akong tumayo, sumunod naman ang tingin sa akin ni Havhien habang napakunot ang kaniyang noo.
"Saan ka pupunta?" tanong niya.
"Cr lang muna ako, kanina pa kasi ako naiihi," palusot ko. Hindi naman takaga ako naiihi, gusto ko lang huminga ng maayos dahil kanina pa ako nauubusan ng hangin.
"Okay, balik ka rin agad..." sambit nito at napatango naman ako.
Tumingin ako sa salamin at wala namang nagbago, maganda pa rin ako.
Hindi ko rin alam o baliw na yata ako, kaya hindi ako nagalit sa kaniya dahil naalala ko si Doc Cutler sa halik na 'yon, siya lang naman ang nakakahalik at nakakagawa ng ibang bagay sa akin na ayos lang naman sa akin at hindi labag sa loob ko.
He's asking permission too, kung gusto niyang gawin iyon.
Anong gagawin ko? Kung hindi ko pa siya sasagutin ay nakakahiya naman dahil ang dami niya ng nagawa para sa akin.
Paano kung magtagpo ulit ang landas namin ni Doc Cutler? Paano kung nandyan lang sa tabi? Paano kung nakamasid lang siya?
Grabe na yata ang saltik ko sa utak, bakit ko nga ba iyon tatanungin sa akin sarili eh ako rin naman ang may kasalanan sa una palang?
Ginusto ko itong buhay na ito, malayo sa problema at hindi ako nadidiktahan ng kung sino lang, lalo na at hindi ko nakikita si Tatay. Kung ano man ang nangyayari sa buhay niya, wala na akong paki ron, mahalaga ay ayos na ako rito at hindi ko na siya nakikita.
Bumilis ang tibok ng aking puso, mas lalo pa yata akong nababaliw kakaisip sa kaniya, ano na Lesha? Ikaw yata ang natamaan sa inyong dalawa? Akala ko ba makakalimot din ako?
Mas tumatagal yata ang pagkauyaw ko hanggang sa makita ko ang lalaking iyon.
Nang makapagpasyang bumalik ay pumunta na ako sa table namin ni Havhien, nakita ko naman si Havhien sa counter na nagbabayad ng inorder namin, bigla tuloy akong dinaluyan ng hiya dahil sa inorder niya, ang mahal mahal kasi eh.
"Ayos ka na?" biglaang tanong niya sa akin.
Tumango ako. Nagulat pa ako ng ayusin ni Havhien ang takas ng aking hibla ng buhok na humaharang sa aking mukha at ilagay iyon sa aking tenga para hindi na humarang pa.
"T-thank you..."
"Welcome," sambit nito sa akin.
Hanggang sa makarating kami ng kotse niya, nanatili akong wala sa sarili hanggang sa may tumawag sa kaniyang cellphone at sagutin niya ito.
Habang nagdadrive ay nakikipag-usap siya sa kaibigan niya.
"Si Cutler? What do you mean?" tanong nito sabay tingin sa akin, napanganga ako.
Si Doc? Anong nangyayari? Bakit?
"B-bakit ganyan ka makatingin sa akin?" napapansin kong kanina pa siya nakatingin na tila nag-aalala.
Pabalik balik kasi ang tingin niya sa akin at sa may picture, napanguso naman ako kung bakit ginagawa niya iyon.
"Pumayag na pala si Doc Cutler sa proposal nila?"
Kahit nasa malayo ang tingin ko, ang aking atensyon ay nasa sa kaniya at sa kausap niya.
"Proposal?"
Proposal? Anong proposal ang sinasabi nito? Kahit pa hindi ko maintindihan ay patuloy ako sa pakikinig hanggang sa napasinghap na si Havhien.
YOU ARE READING
The Doctor Affection (De Viola #2)
RomanceDoctor Hudson Cutler De Viola is the second son of the rich and wealthy family of Nueva Ecija; he's opposite his brother, who collects all girls, while Hudson Cutler is the one who has no interest in other girls. Until he met Lesha Liesiah, who had...