Sa Kabilang Bakod (One shot)
"Class dismissed."
Nagmamadali akong tumayo at umalis sa room pagkasabi pa lang ng teacher namin nun. Hindi ko na nga hinintay ang mga kaibigan ko sa sobrang pagmamadali ko na makarating sa next building para sa next class ko. Tumakbo ako ng mabilis paakyat sa ikatlong palapag ng building kung saan nandoon ang susunod kong klase.
Pagkapasok ko pa lang, agad akong dumiretso sa pinakalikurang bahagi ng classroom sa may katabi mismo ng bintana. Nagpulbo ako agad, nagpabango, at nagsuklay ng buhok.
Huminga ako ng malalim. "Sige Briyana, huwag kang magpapahalata, ah? Huwag kang masyadong kiligin. Woooh! Game!"
Pagkasabi ko nun, dumungaw kaagad ako sa bintana para makita ang hinahanap ko. Nandoon nga siya, sa ibaba sa kanyang laging pwesto. Nakaupo sa isang lamesa na may payong habang may hawak na ballpen at pumipindot-pindot sa scientific calculator at may kaharap na libro. Nag-aaral pa rin siya, kagaya ng lagi niyang ginagawa. At gaya ng mga nakaraang Miyerkules, nakasuot siya ng long-sleeve polo na kulay pink at may kurbatang grey.
"Ayun! Hindi na kami hinintay ng bruha! Nakakatampo."
Napalingon ako sa may pintuan at nakitang papalapit sa akin ang dalawa kong kaibigan. Dumungaw din sila sa bintana at saka mapanuksong nguniti sa akin.
"Oo nga pala, Miyerkules ngayon. Araw na kung saan nasusulyapan mo ang inirog mo." sabi ni Katerina.
"Hay naku, Bri, kahit anong sulyap mo riyan sa taong nasa kabilang bakod, hidi ka niyan mapapansin." abi naman ni Catleya, ang pessimist at negative sa aming tatlo.
"Gurabe ka naman, Leya. Nasa kabilang bakod na nga ang iniirog nitong si Bri, dina-down mo pa."
"Eh, anon gusto mong sabihinko? Na mapapansin siya nyang lalaking ewan ko kung paano nya nagutuhan, kahit alam naman nating tatlo na malabong mangyari?"
"Tama na nga. Mag-aaway na naman kayog dalawa." singi ko sa kanila saka tumingin ulit sa kabilang bakod.
Oo nga. Paano ko ba nagustuhan ang isang taong hindi ko man lang nakakausap o nakikita sa malapitan? Parati ko siyang nakikita sa lugar na iyon pero ni minsan, hindi siya nag-angat ng tingin para makita man lang ako. Ni hindi ko nga alam kung ano ang pangalan niya o ilang taon na ba siya. Pero ewan ko ba, simula ng nakita ko siya isang araw habang bored na bored ako sa pakikinig sa guro namin eh, hindi ko na siya makalimutan at lagi kong hinihiling na sana Miyerkules na para makita ko ulit sya. Yun lang kasi ang tanging araw na maaari ko siyang masilayan.
Nasa kabilang bakod kasi siya.
Nasa kabilang eskwelahan. Isang pribadong eskwelahan. At ako? Nandito sa katabing eskwelahan na semi-private kung tinatawag namin. May binabayaran kaming tuition fees pero hindi kasing mahal ng sa isang private school.
Nagtataka kayo kung paano ko siya nakikita? Ang bakod kasing naghihihwalay sa eskwelahan naming dalawa ay mababa lang. Siguro mga apat o limang metro lang na pader. Nasa ikatlong palapag ako kaya kitang kita ko siya sa ibaba. Ganun naman parati ang ginagawa ko, eh. Wala naman kasing pagkakataon na makita ko siya o makausap. Eskwelahan pa lang namin, may balakid na.
BINABASA MO ANG
Sa Kabilang Bakod (One Shot)
Short StoryPaghiwalayin man ng isang bakod, hindi mapipigilan nito ang pag-usbong ng kanilang mga damdamin.