Chapter 28

88 9 3
                                    

WALANG patid ang pag-agos ng luha ni Luisa habang tumatakbo sa kagubatan. Sa bawat hakbang ay pilit niyang kinukumbinsi ang sarili na hindi totoo ang sinasabi ni Nanay Elsa at Tere. Hindi pa patay si Levi. Hindi pa patay ang kanyang asawa. Magkasama lang sila ng dalawang gabi na. Nakatulog pa siya katabi ito. May nangyari pa sa kanila noong isang gabi matapos nitong mawala ng mahigit dalawang linggo. Kaya paano mangyayari na wala na si Levi. Iyon ang pilit na sinisiksik ni Luisa sa isipan. Hindi alintana ang matatalas na sanga ng mga halaman at damo na sumusugat sa kanya. Hindi niya iyon maramdaman. Dahil wala nang mas sasakit pa sa katotohanan na pilit tinatanggi na hindi na niya muli pang makakasama si Levi. Ngayon pa kung kailan nagbalik na ang kanyang alaala.

"Levi!" malakas na sigaw ni Luisa pagdating sa kinaroroonan ng bahay nito.

"Levi! Please lumabas ka, mag-usap tayo! Patunayan natin sa kanila na hindi totoo ang mga sinasabi nila!"

Ngunit lumipas ang sandali, walang Levi na dumating. Tuluyan nanghina ang kanyang mga binti at napaupo na lamang sa damuhan. Wala siyang nagawa kung hindi ang umiyak ng umiyak. Ang paulit-ulit na maramdaman na sakit sa kanyang puso.

"Luisa. Mahal ko."

Napahinto siya. Kasabay ng paghigit niya ng hininga. Pumikit man siya o kahit sa panaginip, hinding-hindi magkakamali si Luisa. Ang tinig na iyon ay pagmamay-ari ni Levi. Agad siyang tumingala at doon, sa kanyang harapan, tumambad ang lalaking kanina pa niya hinahanap. Luisa burst out in tears again. Umangat ang kamay niya, dahan-dahan na may kasamang pag-aalinlangan at takot, hinawakan niya ito sa binti. Nakahinga siya ng maluwag at nawala ang takot nang mahawakan niya ito. She quickly grabbed him. Agad siyang hinawakan sa kamay at tinulungan tumayo. Pagkatapos ay agad siyang yumakap ng mahigpit.

"I'm sorry. I'm sorry. I'm so sorry. Patawarin mo ako kung hindi kita nakilala agad. I'm sorry kung hindi ko natandaan ang mukha mo. I'm sorry," emosyonal na sabi niya.

Naramdaman niya ang mahigpit na yakap ni Levi kasunod ang malalim na buntong-hininga nito.

"But your heart remembers," sabi pa nito.

Nilayo ni Luisa bahagya ang mukha para salubungin ang tingin nito.

"Iyong babaeng sinabi mo na hinihintay mo, ako 'yon, tama?"

Lumuluha na tumango si Levi.

"Hinihintay ko na bumalik ang asawa ko."

Hinaplos ni Luisa ang mukha nito. "Sabi nila wala ka na daw. Ayaw nilang maniwala sa akin na buhay ka at narito. Sinasabi ko na nga ba eh, tama ako. Totoo ka."

Sa halip na sumagot ay tumungo si Levi at hinawakan siya ng mahigpit sa kamay bago muling huminga ng malalim.

"Natatandaan mo ba noong sinabi ko sa'yo na hindi ko alam kung hanggang kailan ako dito? At iyong sinabi ko na kapag bumalik siya, kailangan ko na umalis?"

Marahan tumango si Luisa.

"This is that day."

"Aalis ka na naman? Iiwan mo ulit ako?"

Doon na napaiyak si Levi.

"Totoo lahat ng sinabi nila, Luisa."

"No," emosyonal niyang tanggi habang sunod-sunod na umiling.

"Hindi na ako parte ng mundo na 'to at walang ibang nakakakita sa akin kung hindi ikaw lang. Isa na lang akong kaluluwa ngayon. I stayed beside you because I can't leave you. Nag-aalala ako sa kalagayan mo. Nangako ako sa nagbabantay sa akin na kapag nasiguro ko na ang kaligtasan mo, saka ako aalis. Pero iba ang nangyari. Wala sa plano. Hindi ko rin alam kung paano nangyari na nakita mo ako. Hindi ko kayang ipaliwanag. Basta sinamantala ko na lang ang pagkakataon na makalapit sa'yo ng husto. And you know it's amazing how you fall in love with me, even if your mind totally forgets about me. Kahit na nawala ang alaala natin diyan sa isip mo, still, your heart led you to me."

Midnight RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon