THE REJECTION HITS DIFFERENT

173 11 5
                                    

"Your Highness, may i speak with you alone?" Tanong ni Veronica kay Yohan.

Ayaw niyang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang dalawang grupo na kasalakuyang mag-kaharap sa hapagkainan kaya lahat ng gusto niyang itanong kay Yohan ay gusto niyang sa kanilang dalawa lang. Bukod pa doon, alam niya na kailangan ng inang reyna na maka-usap ang pamangkin na kahit papano ay gusto din niya ring makita ulit.

Ilang beses lang tinapik ni Yohan ang lamesa habang naka-titig kay Veronica bago ito tumayo. Si Veronica naman ay kinausap ang dalawang batang Devinian upang pansamantalang sumama kay Ravi. Pagkatapos ay tumayo na rin siya at sumunod sa binatang hari. Huminto lang ang binata ng marating ang hardin na kung saan ay may halamang pader na nakapalibot sa paligid ng isang gasibo. Amoy na amoy ni Veronica ang halimuyak ng iba't-ibang uri ng bulaklak na tanging sa Terra Crevasse lang matatagpuan.

"Anong gusto mong sabihin na ayaw mong marinig ng iba?"   Agad na tanong ni Yohan ng sa wakas ay maramdaman ang kanyang presensya.

Kung babalikan ni Veronica ang unang araw ng kanilang pagkikita, masasabi niya ngayon na hindi katulad ng dati ang anyo ni Yohan. Maaring dahil sa Sinag ng araw at sa hampas ng hangin na bahagyang nilalaro ang kulay light brown na buhok ng lalake, ay naramdaman ni Veronica ang isang kurot sa sulok ng kanyang dibdib. Yohan eyes are like emeralds, reflecting the sun rays of light, na para bang magnet na humihila sa kanya palapit sa binata.

Aaminin niyang minsan na rin siyang humanga sa gwapong lalake sa mundong ibabaw, subalit iba ang dating ni Yohan pa ra sa kanya. Pakiramdam niya ay na sa loob siya ng isang comic book at si Yohan ang cold blooded protagonist at siya ang Villain na nabighani dito ng husto.

"Well.. I, I just want to asked you, bakit hindi mo kami tinuluyang patayin noon kung iniisip mo na spy kami ng kalaban?  Were there any reason behind it?"  Sinikap ni Veronica na titigan ang kulay emerald na mga mata ni Yohan upang ipakita ang kaseryosohan ng kanyang tanong.

However, sa bawat segundo na magka-ugnay ang kanilang mga mata, her heart also dancing in its beat. She feels the urge to hold him in her hands and capture those red lips. Kung hindi lang siguro dahil sa lamig ng ekspresyon na ipinapakita sa kanya ng lalake, baka sinamantala na niya ang pagkakataon. Sandali, kailan pa siya naging pervert?!

"Sabihin na natin ayaw ko sa Huluwa, dahil sila ang dahilan ng pagkawasak ng dating masayang kaharian ng Drakaya. I'm not that stupid to just kill anyone dahil lang isa silang Huluwa. My mother is one of them, and also that only woman who saved me back there."  Malungkot ang naging boses ni Yohan ng sabihin nito ang huling sinabi.

A woman saved him. Ito ba ang dahilan kung bakit hindi niya magawang akitin ang binata kahit pa tinulungan na niya itong i-secure ang kaligtasan ng buong Drakaya? Kung tama ang kanyang hinala, then, wala nga siyang katiting na pag-asa. Kaya lang, ano ang ibig sabihin ng mga kilos at salita ng lalake kapag sa iba nakatuon ang isip at atensyon niya sa oras na kaharap niya si Yohan?

"Hindi ko kayo pinatay dahil wala akong matibay na ebedensya na kalaban nga kayo ng kaharian. Which I now feel thankful. Kung sakaling pinatay ko kayo noon, maaring walang ganitong nangyayari ngayon. As a king of this kingdom, I will bow my head to you to thank you for bringing me back my parents to life. Hindi ko alam kung paano kita pasasalamatan dahil alam kong kulang ang mga salita kumpara sa mga ginawa mo sa buong kaharian."   Mahabang salaysay ni Yohan sa kanya habang naka-yuko.

A king, should bow his head only to his parents, but he bowed his head sa harapan ni Veronica sa pangawalang pagkakataon. Ang ganitong prinsipyo ni Yohan ang patuloy na bumubukas sa sarado at inosenteng puso ni Veronica.

"Then be my boyfriend. Kung papayag ka na maging boyfriend ko, ipapangako ko na gagawin ko ang lahat para lang masiguro ang kaligtasan ng buong nasasakupan mo."   Naka-ngiti niyang sabi.

THE ABYS WHERE I BELONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon