°°°°Chapter 38°°°°
Ilang minuto na siyang nakatitig sa puntod ni Lolo Rene, hindi niya pa din matanggap na pati ito ay nawala, pero alam niyang masaya na din ito kasi magkikita na ulit sila ng kanilang Lolo Ernie kung saan man ang mga ito naroroon
Pero ang hindi niya matanggap ay ang paglayo sa kanya ni Lucas, hindi na ddin siya nito kinakausap, hindi niya naman kasalanan kung hindi niya nabantayan ang Lolo Rene nito, pati ang apat galit din sa kanya, masama ba siyang tao at pabaya?
Napatingala nalang siya ng maramdaman ang mahinang pagpatak ng ulan kasabay ng pagtulo ng kanuang mga luha pababa sa kanyang pisngi, lalo lamang siyang naiyak dahil sa kanyang kalagayan ngayon, tanging sina Angela at Veronica nalang ang mayroon siya
Kasama na din ang pamilya ni Brent, nasa panig niya din si Eugene na galit na galit dahil sa siya ang sinisisi ng ng mga ito sa pagkawala ni Lolo Rene
Kasalanan niya ba talaga iyon?
Siya ba ang dahilan ng kamatayan ng matanda?
Pati yata ang langit ay nakikidalamhati sa kanya
Bago pa siya tuluyang lumayo sa puntos ni Lolo Rene ay nangako siya na ipaghihiganti niya ito
"Lolo Rene, pangako ipaghihiganti kita kay Emir,"ani niya sabay kuyom ng kanyang kamao,"Pangako po, ibabalik ko si Emir kung saan man siya nararapat,"tiim bagang niyang sambit bago siya tuluyang umalis doon
Hapon na ng nga sandaling iyon, abala ang mga taga barangay na inililigpit ang mga nagkalat na bangkay ng mga kalalakihan at kababaryo nila, habang ang mga katawan ng mga aswang ay inipon nipa sa isang ginawang hukay para sunugin ng sama sama
Sa kabilang hukay naman ay sama samang inilagak ang mga katawan ng mga naging bayani ng gabing iyon, binindesyunan naman iyon ng dalawang Pari habang nagdarasal ang dalawang Madre
Nagpasya na siyang umuwi sa bahay nila Lucas, naabutan niya na tahimik ang mga tao doon at mababanaag sa mga mukha nila ang kalungkutan
"Vleane,"ani ni Calvin, tinignan niya ito,"Marami ang nalagas sa ating mga kasamahan, lalo na iyong mga kalalakihan na galing sa ibat ibang Baryo, iyong iba hindi na kayang lumaban pa,"mahabang pahayag nito sa kanya
Sabay sulyap nito kay Brent na puro benda ang katawan, namamaga ang kaliwang braso at halos nakapikiy na ang dalawa nitong mga mata
"Siya ang grabe ang natamong pinsala sa atin na hangganb ngayon ay buhay pa syempre,"dagdag ni Calvin,"Mabuti na lamang at dumating si Eugene kaya natulungan siya nito at naiuwi dito,"
Napatango nalang siya, dahil si Eugene ang nagligtas dito, kung hindi kaagad ito nakarating malamang ay pinagpipyestahan na si Brent ng mga aswang ng gabing iyon
"Kaya ko naman po lumaban, huwag niyo akong alalahanin. Basta kasama niyo po akong lalaban sa mga aswang na iyon hanggang sa huli,"singit ni Brent na tuloy tuloy na nagsasalita
"Huwag kang tanga!,"sigaw ni Lucas na kanina pa nakikinig,"Huwag mong pilitij ang sarili mo na lumaban pa, baka matulad ka lang kay Lolo Rene na mamatay at hindi niya mailigtas!,"sabay tapon ng nagbabagang tingin sa kanya na ikinayuko na lamang niya
Hindi niya matagalan ang mga pang uusig na tingin ni Lucas sa kanya at sa mga masasakit na salitang binitawan nito
"Tama siya, Brent,"sabi niya,"Wala akong kwenta at naging pabaya ako, kaya hayaan muna sa amin ang laban, hindi ko na kakayanin kung pati ikaw ay magbuwis ng buhay,"
"Huh, buti alam mo,"tugon ni Lucas sa kanya
"Pwede ba, Lucas,"saway ni Eugene, naaawa na kasi ito sa kanya,"Hindi kasalanan ni Vleane ang nangyari, may kanya kanya tayong pinagkakaabalahan ng mangyari iyon sa Lolo mo,"
BINABASA MO ANG
Aswang Killer: Season 2 of 2
HorrorAno ang naghihintay sa kanilang lahat? Lalo na sa pagmamahalan nina Lucas at Vleane? May hahadlang ba? At sino sino ang bago nilang makakalaban at makikilala sa susunod na kanilang paglalakbay? Magkakawatak watak ba ang pagkakaibigang nabuo sa pagit...