Chapter 28

226 2 0
                                    

Save



Naiwan akong tulala matapos ang pangyayaring iyon, habang kumakain kaming dalawa ni Yishin ay tahimik lamang ako. Hindi ko alam kung totoo ko ba talagang nakita ang lalaking iyon o sadyang naghahallucinate lang ako.

Matatapos na si Yishin sa kaniyang kinakain habang ako ay wala sa sarili habang kumakain ng pagkain ko.

"Lesha, ayos ka lang?" tanong niya sa akin at umiling lang ako. Tulala at malalim ang iniisip. "Lesha..." tawag sa akin ni Yishin. Pumalakpak na ito sa akin at duon lamang ako nagkaroon ng huwisyo.

"Ha? Bakit?"

"Ayos ka lang ba? Kanina ka pa tulala ah?" tanong niya sa akin. Inilabas ko ang peach mango pie na binili ko at naghati kami sa binili ko kanina. Nagpasobra ako ng dalawa dahil alam ko naman na gusto niya ng libre ko. Kaya 'yon.

"Masarap kasi ang kaldereta ni Aling Brenda," kumento ko sa kaniya. Tumango ito at nagthumbs-up sa akin.

"Syempre, kumare 'yan ng Mommy ko..." sagot niya sa akin at tumango lamang ako. Taga luto si Aling Brenda kapag birthday niya kaya palagi niya akong inaaya rito at nakakabawas naman na sa gagastusin ko minsan dahil nagsasalo kami sa babayaran.

Aba'y syempre! Kahit mayaman si Yishin hindi naman sa lahat ng oras magpapalibre ako sa kaniya, hanggang sa kaya kong bayaran iyon babayaran ko.

Alam ko naman ang salitang hiya.

Minsan naman siya na ang nagpepresinta, pero syempre palagi niya nang ginagawa iyon hindi ko na siya piinapayagan. Kapag din may mga birthdayhan, siya na mismo ang susundo sa apartment na tinutuluyan ko.

Sa sobrang yaman niya, hindi niya na kailangan kwentahin lahat ng magagastos niya, hindi niya na rin tinitingnan kung magkano ang nagastos niya sa pamimili ng kung ano ano, kahit na palagi niya akong sinasabihang magpalit na ng cellphone.

Syempre hindi ko tinanggap dahil ang mahal mahal ng binibili niya. Baka mamaya ay pagalitan pa siya ng mama niya dahil sa akin.

"Sheshh! Mag oojt na naman ulit tayo niyan, saan kaya tayo matatapat ng hospital?" tanong niya sa akin. "Sana pogi naman ang doctor na mag aassist sa atin, hano?" tanong niya.

"Puro ka pogi diyan..."

"Siyempre, malandi ako eh!" sabay sabi niya. Natawa naman ako nang sabihin niya iyon at taas noo niya pang sinabi 'yon.

"Hindi ba't may sinasabi ka sa akin na first love mo? Hindi ba may kinukwento ka nun? I forgot to ask you again, about that, kasi ang dami ng sched mo kay Havhien."

Napahigop ako ng tubig duon at bigla naman akong nabulunan, dahil sa tinanong niya ay naalala ko na naman na nandito siya. Hindi na yata matatahimik ang buong sarili ko dahil sa lalaking iyon.

"Ano, kamusta naman na kayo ngayon? Nagkakausap pa ba kayo?" tanong niya sa akin. Halatang curious sa relastionship ko kay Doc Cutler nuon.

Baka naman pagsinabi kong si Doc Cutler ang nakakuha ng virginity ko ay magwala siya. Jusko, kaya dapat talaga minsan pipigilan ko na rin ang bibig kong magsalita tungkol sa ex ko.

At dapat talaga, hindi na kami magtatagpong dalawa, tama na siguro kung magkita man kami... hihingi ako ng sorry sa nagawa ko sa kaniya at magmomove on na ako. Malapit naman narin siyang ikasal kay Maam Rosset.

Mas masakit 'yun. Kung hindi ko makakalimutan lahat ng mga kagaguhan ko, kung kagaguhan man 'yon, siguro ito na yata ang parusa ko.

"Yishin, huwag na muna nating pag-usapan iyon... nakaraan na 'yun," sambit ko.

"Ay kahit na ba, kaibigan kita! Dapat alam ko rin naman mga nangyayari sa 'yo? So ano ba talagang meron sa lalaking 'yan bakit hindi mo masagot sagot si Havhien, huh?" tanong niya sa akin.

The Doctor Affection (De Viola #2)Where stories live. Discover now