Bestfriends Since Birth

14 1 0
                                    

Aiza's POV

*Kriiing*

Ang tunog pinaka hihintay nang lahat. Maliban sakin. Hindi ko nga maintindihan kung bakit excited silang umuwi sa mga bahay nila wala rin naman silang ginagawa sa bahay nila.

Basta ako mas gugustuhin ko pang mag stay dito sa school kesa sa bahay na lagi lang akong inaalila.

Naglakad na ako papunta sa paborito kong tambayan. Dito kasi ako nakakaramdam ng peace. Wala na kasing pumupunta dito maliban sa iilang teachers. Base sa panahon ngayon mas gugustuhin ng mga tao ngayon na mag stay sa computer shop kesa sa library.

( baby my heart~~) pag ring ng phone ko. Sinagot ko na naman agad nang hindi tinitignan ang caller.

"Hello?" Bungad ko."Bes. Pwede ka ba ngayon? Samaham mo naman ako. Na babaliw na akong mag-isa

eh." Sabi naman ni Alex na bestfriend ko since birth.

"Dave alexis. Alam mo naman na pag ganitong oras nasa library ako. Pwede mamaya nalang?" Sagot ko."Ganyan ka na ba ngayon? Mas gugustuhin mo pang makasama ang library kesa sakin?" Malungkot na saad niya.

"Kilala mo naman ako diba? Kailangan kong mag-aaral para sa future ko." Seryosong sabi ko."Sige na kasi. Promise ngayon lang to.Treat ko naman eh saka may ipapakita rin ako sayo." Pagpipilit niya saakin.

"Ok sige. Pero--"

"Okay bes. Nag okay kana wala nang bawian. Hintayin mo ko dyan susunduin kita. Byeee." Pagputol niya sa sasabihin ko

I-end na niya ang tawag at ako huminto nalang sa tapat ng library para hintayin siya.

If We Fall InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon