Kahel
CIRCUMSTANCES—mga bagay na pinagdaraanan sa buhay. Everyone has their own circumstances. May mga sariling story plot ang bawat isa, ika nga. Ang bawat tao ay walang eksaktong kaparehas na kuwento sa iba. We all have our own conflicts in life that greatly impact our life choices. Kung may mga kaibigan akong nasa ibang bansa na at maayos ang buhay, or has it better than me, marahil ay wala silang gaanong iniisip na kagaya ko. Wala silang pinapaaral, wala silang inaalagaang tao, or maybe they have enough support, unlike me.
And it's okay.
Life is not a race. We just happen to have circumstances that would delay us, force us to make a short detour or even make us choose a difficult decision on our own journey.
***
Ilang linggo ang lumipas. Pala-absent na ang dalawang lalaki sa harapan ko. Si Drake ay malamang busy kakapunta abroad, samantalang si Lance—
"Ed," pagsira ni Matthew sa mga agam-agam ko. "Kanina pa kita kausap pero tulala ka sa hangin. What's up?"
Binasa ko ang aking mga labi. May inilabas akong photocopy ng pahina ng isa sa mga librong kadalasan kong binabasa sa library.
"Remember this?"
"Gorgon... ancient Greek... O, anong meron?"
Iginala ko ang aking ulo. Abala pa sa pagtuturo si Ma'am.
"Mamaya after class, sa library may sasabihin ako."
"Tungkol saan?"
"Basta importante."
"Sige, cancel ko na lang ang meeting ko with the media company."
"E, teka lang. Saka na lang tayo mag-usap. May meeting ka pala."
"Anything for you, Ed."
Nakangiti sa harap ko si Matthew. Nakapangalumbaba siya. Sinigurado niyang nasa kaniya ang atensyon ko bago niya ako kindatan.
Kinahapunan ay nakaupo na naman ako sa tagong bahagi ng library. Sa gilid ko ay isang malaking bintana. Tumatagos ang sinag ng araw sa stained glass. Nagkalat sa kinauupuan ko ang iba't ibang kulay mula sa lila, kahel, and berde na nagmumula sa disenyo ng salamin.
Iniilawan ng araw ang mga alikabok na marahang lumulutang sa harapan ko.
Sa isang iglap ay hinawi ang mga alikabok ng nagmamadaling umupong si Matthew.
"So, what is this important thing you wanna tell me, Ed?"
Napalunok ako ng laway. Nag-aalangan pa rin akong magkuwento. Hinihingal si Matthew sa harapan ko. Nakatiklop pataas ang kaniyang tuhod habang nakasandal siya sa bookshelf sa kaniyang likuran.
Kinuha ko ang dalawang papel mula sa bag ko.
"Remember that day when Lance and I had the talk on the rooftop?"
"Yeah, so? With his lame excuse of ditching you in front of the swimming team for his scholarship in Germany?"
"Oo, but there's more to it."
Nawala ang pagkakasandal ni Matthew. Lalo siyang yumuko patungo sa harapan ko. "Go on, speak."
"This is stupid." Napabuntonghininga ako. Akmang ibabalik ko ang mga hawak ko sa aking bag. "You know what, Matthew, never mind. You won't believe me anyway."
Matthew grabbed my hand even before I could put my things away. "Try me."
Huminga ako nang malalim.
Marahan kong inilatag sa harapan niya ang mga hawak ko.
BINABASA MO ANG
Stone
Storie d'amore"Huwag mong pangunahan ang mga bituin sa langit. The universe has endless possibilities. Your fear is just a piece of dust compared to those infinite realities above us." -Kahel Book cover by Laemon