D A R Y L L J A Y
Natigilan ako nang ilagay ni Gaella ang aking kamay sa tapat ng puso nito. Hindi tumitibok ang puso niya. Para lang akong nakahawak sa isang pader.
Bahagyang nanlaki ang mata ko nang makita ko ang paglaho ng kamay niya.
“Nararamdaman mo na?” saad niya.
Posible bang nakalimutan niya na walang heartbeat ang puso niya o talagang hindi niya alam?
“Your b**bs aren't big enough for me to feel.” pagsisinungaling ko. Gusto ko sanang tumawa para dagdagan ang inis niya kaso hindi ko magawa.
Nabitawan niya ang kamay ko. Nababakas ko ngayon ang pagkairita niya sa akin.
“MANY*K!” sigaw nito at biglang naglaho. Tumawa ako.
Ang sarap niya talagang pikunin.
“Sinong kausap mo 'tol?” lumingon ako sa likod nang magsalita ang kaibigan ko. Kanina ko pa siya hinihintay sa labas ng gate ng University, bumalik pa kasi siya sa loob para magpaalam sa gf nito.
“Wala naman akong kausap?” bahagyang kumunot ang noo nito, tila hindi naniniwala sa sinabi ko.
“Bakit ka tumatawa ng mag-isa?”
Umayos ako ng tayo. “Required ba talagang tumawa ng may kasama?”
“Ulol. Tara na nga,”
Umangkas na si Chino sa motor niya, ganun din ang ginawa ko. Kinuha ko ang helmet na nakasabit sa salamin ng motor ko at sinuot ito saka binuhay ang makina at pinaharurot ng takbo.
Pupunta kami ngayon sa bahay ni Professor Richard kasi hindi na namin siya naabutan kanina sa office nito. Umuwi 'raw kasi may emergency sa bahay. Bukas na sana namin ipapasa ng kaibigan ko kaso hindi pwede baka hindi pa kami maka-graduate dahil lang sa late na pagpasa.
Sa totoo lang, may iba rin akong rason kung bakit gusto kong puntahan sa bahay si Professor. Tanda niyo pa ang sinabi nito sa hospital? Na close 'raw sila ni Gaella. Pero ang ipinagkatataka ko sa lahat bakit 'nong nakaraang araw lang siya dumalaw?
Naiintindihan ko ang trabaho niya pero naging under din naman niya si Gaella kaya dapat noon pa man dumalaw na siya.
Tumigil kami sa isang malaking bahay. Bumaba ako, sumunod sa akin si Chino habang sinusuklay ang buhok nito gamit ang daliri, pinindot ko ang doorbell at naghintay pa kami ng ilang minuto bago binuksan ng katulong ni Professor.
“Nandiyan ba si Professor Richard?” magkasabay na tanong namin ni Chino.
“Naku. Kakaalis lang ni Sir e. Kung napaaga sana kayo siguro madadatnan niyo pa siya.” sambit ng katulong ni Prof.
“Pasok kayo.” Pumasok kami sa loob nang binuksan ng katulong ang gate.
Nahagip ng mga mata ko si Chino na nililibot ng tingin ang buong paligid. “Woah, ang yaman pala talaga ni Prof.”
Pinaupo kami ng katulong sa sala, at binigyan ng malamig na juice.“Ipapaalam ko kay Sir na nandito ang mga estudyante niya. Dito muna kayo, ha?”
Pumayag kami. Sandali kaming nagkukwentuhan ni Chino tungkol sa yaman ni Professor. May pagkamangha pa rin sa mukha ni Chino, hindi inaakala na mas mayaman pa pala sa kanya si Professor.
Sabay kaming napatayo ni Chino nang dumating sa harap namin ang matandang katulong. “Mga hijo, ibinilin sa akin ni Sir Richard na kayo na lang daw ang maglagay ng documents niyo sa office ni Sir. Nasa second floor, bale lumiko kayo sa kaliwa at makikita niyo ang nag-iisang pintuan. 'Yon ang office ni Sir.”
“Sige ho, salamat .”
Umakyat kami sa hagdan, at nang makarating sa second floor ay agad kaming lumiko sa kaliwa. Pumasok kami sa nag-iisang pinto na office ni Sir saka ipinatong sa table nito ang documents namin.
“Mauna kana sa ibaba.” saad ko nang makalabas kami mula sa office ni Prof.
“Bakit?”
“Naiihi ako, kailan kong mag-cr kaya mauna kana.”
“Fine, bilisan mo 'pre kasi uuwi pa tayo.”
Hinintay ko munang makababa si Chino bago inumpisahan ang plano. Isa-isa kong binuksan ang lahat ng pinto sa second floor. Nang makita ko ang hinahanap ko ay mabilis akong pumasok at ni-lock ang pinto ng kwarto ni Professor. Pinagmasdan ko muna ang kwarto ni Sir bago isa-isang binuksan ang bawat cabinet ng kwarto.
Halos maubos ko ng buksan ang lahat ngunit wala akong mahanap na kakaiba. Kahit isang bagay man lang na konektado kay Gaella ay wala. Malalim akong bumuntong hininga saka ibinalik sa dating posisyon ang mga nagulo ko. Nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos nang biglang may tumunog na cellphone. Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa ko ngunit tahimik lang ito.
Lumingon-lingon ako at maiging pinakinggan ang kung saan galing ang tunog. Nang mapagtanto ko na nasa ilalim ng unan ni Professor ay mabilis ko itong kinuha at pinagmasdan kung sino ang tumawag.
Unregistered number ang nakalagay.
Hindi ko na pinalampas pa ang limang segundo, mabilis kong sinagot ang tawag at hinintay ang tao sa likod ng numerong ito.
“Boss. Finally, the game is over.”
Natigilan ako.
Game?
BINABASA MO ANG
60 DAYS OF FINDING MR. PERFECT [COMPLETED]
FantasiPaano kung isang araw magising ka nalang na akala mo buhay ka pa ngunit hindi mo alam na multo ka na pala?