Chapter 1

78 3 0
                                    

Nakakainis...!!!! Sigaw ni Kaira habang hawak ang cellphone, kanina pa siya naghihintay sa boyfriend niya na laging busy at walang time sa kanya.

May usapan kasi sila mag date para mag celebrate nang Ika-apat na taon nila bilang magkatipan. May pag ka moody pa naman siya ayaw na ayaw niya ang pinag hihintay siya, mas lalo pa siya naiinis dahil Hindi man lang makaalala mag text sa kanya ang boyfriend niyang workaholic.

30 minutes..
1 hour...
Hanggang umabot ng 2 hours ganyan katagal siya nag hintay.. Sa sobrang pag ka bugnot nag pasya na siya umuwi sa bahay nila.

Pagdating sa bahay sinalubong si Kaira ng kanyang mama Gina ubod tamis ng pakaka ngiti sa kanya.

"O anak bakit napaaga naman natapos date niyo ni Bryle, Hindi ka ba niya na hatid o hindi lang talaga siya tumuloy dahil baka gusto na ulit isubsob ang sarili sa trabaho?"

"Hay naku ma wala po date na naganap. Napakatagal ko nag hintay sa kanya pero kahit anino ng lalaki na 'yon, hindi ko man lang nakita. Lagi na lang siya ganon, minsan tuloy na isip ko may patutunguhan kaya itong relasyon namin kung ganito naman ang sitwasyon.. Hays... Ma nakakapagod na hindi ko na po yata kakayanin." Mahabang paliwanag niya.

"Okay lang yan anak pagod ka mag pahinga ka muna at bukas e mag usap kayo para magkaliwanagan kung ano ba talaga plano ng lalaki na yan sa relasyon niyo." Sabi ng mama niya.

"Sige po Ma matutulog na po ako." Paalam niya.

"Sige lang anak pahinga ka na."

Umakyat na siya papuntang  kwarto niya upang matulog na, pero habang nakahiga naman siya kung anu-ano ang naiisip niya.

"Alam at nararamdaman ko mahal niya ko, baka may nangyari lang sa trabaho niya kaya hindi siya nakapunta sa date namin" kausap ang sarili habang nakatingala sa kisame.

"But if he really loves me, Hindi niya ko paghihintayin ng ganon katagal, alam naman niya na special day namin dalawa ngayon pero natiis niya ko." Himutok niya.

"Ay, palakang na pilay." Nagulat siya sa pagtunog ng cellphone niya ng tingnan niya kung sino ang istorbo sa pag mumuni-muni niya, napa simangot siya ng makita na pangalan ng boyfriend niya ang nakarehisto sa screen ng cellphone niya.

"Sasagutin ko ba ang tawag niya o hindi, Hindi o sasagutin ko." Naguguluhan ang isip pero sa huli napag pasyahan rin niya sagutin.

"HELLO.." Malamig na sabi niya.

"Hi, honey pasensya ka na kung hindi na tuloy ang date natin kanina" aniya sa kanya ni Bryle.

"............."

"Honey, I'm really sorry, I know nagtatampo ka,  hindi ko naman ginustong hindi matuloy yung date natin. May naging problema lang sa trabaho ko at kailangan tapusin ko yung report na pinagawa sakin ni boss, but I promise babawi ako sayo. Kaya please naman honey patawarin mo na ko?"

Madamdamin paliwanag ng boring niyang boyfriend, bigla siya napa isip may maganda naman pala dahilan kaya hindi siya nakasipot.

"Okay, honey pinapatawad na kita basta huwag na mauulit aa.. Mag promise ka din na babawi ka.. Mag set ka ng araw para matuloy na ang date natin." Sagot niya.

"Promise ko yan sayo honey, bukas na bukas din tuloy na talaga date natin."

"Huwag ka mag promise, prove it." Hamon niya dito.

"Okay honey, ikaw ang masusunod, so pano tulog na tayo para bukas maganda at gwapo tayo sa date natin."  Sabi nito habang tumatawa. Napangiti tuloy siya sa narinig.

"Okay honey goodnight."

"Same here honey, I love you."

"I love you too."

Hindi rin niya natiis mahal niya ee at hindi rin talaga siya sanay na lilipas ang isang araw na mayroon silang dalawa na hindi pag kakaunawaan.

Minsan kahit nararamdaman niya na pagod na siya, rest lang pero pag ka tapos go na naman. Kung may award lang siguro ang pagiging martyr malamang na ka patong na sa ulo niya ang korona.

Kinabukasan natuloy rin ang inaasam-asam na date ni Kaira, nasa shopping mall sila dito nila napag kasunduan na mag date manonood ng sine at pag katapos kakain sila ng dinner.

"Honey, punta lang ako sa rest room, just wait for a while?" Aniya ng boyfriend niya.

"Okay honey, take your time." Sagot niya.

Habang nag hihintay na nakaupo nakinig na rin siya ng music gamit ang cellphone niya. Sa sobrang lakas ng sounds hindi niya naririnig ang lalaki na kanina pa siya kinakausap. Kinalabit na tuloy siya sa balikat, para makuha ang atensyon niya.

"Hey miss." Kausap sa kanya.

"Yes." Sagot niya sabay tanggal ng headset sa tainga.

"Hope you don't mind, tatanong ko lang sana kung saan bang gawi dito yung men's section, pasensya na aa ngayon lang kasi ako napadpad dito." Aniya ng estranghero.

"Ahm, sorry mister I don't talk to stranger." Pasupladang sabi niya.

"Hanz Kevin Francisco, but you can call me sweetheart, if you want." Pagpakilala nito sa sarili at inilahad ang kamay upang makadaupang palad siya, habang naka ngiti ng nakakaloko.

"Aba't may pagkamayabang ang lalaking Ito aa." Bulong niya. At hindi pinansin ang nakalahad nitong kamay.

"Anu kamo miss gwapo ako, salamat aa hindi lang ikaw nag sabi niyan." Sabi nito na tumatawa.

Parang ang dating tuloy sa kanya sobrang bilib sa sarili at may pagka yabang rin.

Hindi na siya nakapag pigil sa sobrang kahanginan ng lalaking ng pakilala sa kanya ang natatandaan lang niya ang unique na first name nito HANZ.

"Ikaw gwapo hahaha.. Who told you? Makaalis na nga at sinisira mo lang ang araw ko. Mr. Kwago este gwapo daw siya hehehe." Pang aasar niya dito. Tumayo na siya para hanapin ang boyfriend niya at sakto naman papalapit na sa kanya.

"Hey honey, bakit ganyan itsura mo. Okay ka lang ba?" Tanong nito

"Don't worry honey, okay lang ako." Sagot niya.

"Then let's go." Yakag nito sa kanya. Sabay akbay sa kanya habang ng lalakad sila pa punta sa sinehan.

Dahil boyfriend naman niya ang lagi nasusunod e di syempre horror movie ang panonoorin nila favorite ee. Habang nakapila sa bilihan ng ticket ang boyfriend niya nag paalam siya dito na bibili ng snacks nila.

The way I Love You.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon