Chapter 2

19 6 0
                                    

Erick's POV

Nagdadrive na ako pauwi ng tumawag si mommy sa akin.

(Mommy: Erick anak nandito sa bahay si maxine. Hinahanap ka niya. At bakit namumugto ang mga mata niya?? Nag-away ba kayo??)

"Mom papunta na po ako dyan. Bye." Yun lang ang sinabi ko kay mom.

Naiinis ako kay Maxine. Maxine is my girlfriend. 2 years na kaming magkasintahan. Nagalit ako sa kanya ng naabutan ko siya na may kahalikan sa Bar.

At COOL OFF ang hiningi ko sa kanya. Nagtatampo ako sa kanya at naiinis na rin. May boyfriend na siya tapos may kahalikan pang iba..

Napapreno ako bigla dahil may nakatayong babae sa gitna. Damn it!! May plano ba siyang magpakamatay.

Kaya naman agad akong bumaba. Medyo kinabahan ako dun.

"Miss may plano ka bang magpakamatay!!! Langya to oh.. Halos kinabahan ako dun. Dapat dun ka na lang sa tulay tumalon!!!"
Medyo naiinis ako paano kung nasagasaan siya.. Hay naku!! Pero aaminin ko natakot ako.

"Baliw ka ba huh?? Paano kung nasagasaan kita?? Damn it!!" Napansin kong nakatulala lang siya. Titig na titig. Blanko ang ekspresyon ng mukha. Parang naka drugs.

At napansin kong namumugto ang mata niya kahit na malaki ang eyeglasses niya.. Anong nangyare sa babaeng to.

At ang ikinataranta ko bigla siyang nahimatay. Mabuti na lang at nasalo ko siya. Hays! Kainis ang babaeng to.

Kaya naman agad kong tinawagan si mommy at sinabi kong sa condo unit muna ako matutulog.

Agad ko siyang sinakay sa kotse ko. At amoy alak siya. Seriously ang babaeng to umiinom ng alak.

Nakarating din naman agad kami sa condo unit ko at binuhat ko siya. Sinalubong kami ni manang..

"Oh erick anak akala ko ba sa bahay ka didiretso?? At sino yan?? Bagong gerlpren mo??" Tanong ni manang. Agad naman akong umiling.

"Naku manang hindi ko po siya girlfriend. Napulot ko lang po ito sa daan. Muntik ko na po itong masagasaan mabuti na lang po at nakapreno ako. Sige ipapasok ko lang po ito sa kwarto." Kaya naman tumungo na ako sa kwarto ko at agad kong nilapag yung babae sa kama.

"Jacob... Jacob.." Hala! Nagsasalita tong babaeng to kahit tulog. At sino si Jacob?? Dumilat siya bigla at agad bumangon..

"Nasusuka ako.." Pagkasabi niya nun. Dali dali ko siyang binuhat at dun siya sa cubicle nagsuka. Umiiyak pa siya. Anong nangyare sa babaeng to.

"Ang init.." At akmang huhubad ng damit niyang pantaas. Pinigilan ko naman siya. Kaya naman agad kong tinawag si manang para siya na ang magbihis sa babaeng yun.

Pasalamat siya dahil may atraso ako sa kanya kung wala baka iniwan ko na siya dun sa daan.

Lumabas na si manang at sabi niya tapos na kaya naman pumasok na ako sa kwarto para kamustahin siya. Himbing na himbing siya sa pagtulog at tinanggal ko yung malaki niyang eyeglasses.

. I realized na maganda pala siya.. Pinkish lips mukhang ang sarap halikan, matatangos na ilong at medyo singkit na mata.

Nabigla ako ng dumilat siya at hinalikan ako bigla. Sa una siya lang yung humahalik sa akin pero ng huli nagresponse na ako sa halik hanggang sa lumalim ang halik namin.

"Jacob.." Bulong niya at dun na ako bumitiw sa halik .. Pakshet!! Naalala ko may girlfriend pa pala ako.. WHAT HAVE I DONE!!!! at dali daling lumabas ako ng kwarto.

Until I Fall InLove AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon