Prologue

97 2 0
                                    

MATSUI RENA'S POV

"Anong nangyari?" - Ang schoolmate ko na si Hotarou.

"Ayun, pinagtripan niya" - Kuro, kabarkada ni Hotarou.

"Ano, may masakit ba?" Nag-aalalang tanong ni Hotarou kay Sho.
"O-Okay lang ako" Sagot ni Sho.

"Ang sigang 'yon, kailan ba siya titigil? Hindi porket anak siya ng school chairman eh magpapaka-bossing siya rito"

"Hotarou, tumigil ka nga. Mamaya marinig ka pa niya d'yan eh"

"Eh anong gusto mong gawin natin, Kuro? Hayaan siya na mambugbog ng mga estudyante rito?"

"Hindi naman sa gano'n. Kaya lang wala naman talaga tayong magagawa. Mas makapangyarihan siya"

Ang bully na 'yon. . hindi pa rin siya tumitigil sa pananakit ng mga tao.

"Narinig n'yo na ba ang balita? Kahit sa labas ng school campus na ito. ."

"Haynako, Rima. Eh ano naman kung pati sa labas naghahanap siya ng gulo?"

"Hayan ka nanaman, Churi. Hindi ka na tumigil sa pagtatanggol mo kay JURINA" - Airin

Ang magbabarkadang 'yon, madalas din nilang mapag-usapan si Jurina.

"Eh? Maeda, saan ka pupunta?" - Churi

"Maghahanap ng magandang libro sa library" - Maeda

Ang lahat ng 'yon narinig at nakita ko mula rito sa kinauupuan ko. Kulang pa iyon dahil iba siya, iba si Jurina. Lahat ng magtatangkang sagasaan siya ay siguradong sa ospital ang diretso.

-

MAEDA ATSUKO'S POV

Nagpunta ako ng library hindi para sa mga libro kundi. .
Para makita siya at pagsabihan.

Library ang madalas naming tambayan. Library ang napili namin dahil madalas walang taong nagpupunta dito.
Walang nakakaalam na matagal na kaming magkaibigan. Kahit sina Churi at iba pa, walang alam.

Tumingin ako sa kaniya ng masama at bumawi siya ng tingin na para bang walang nangyari.

"Ang sabi mo titigil ka na. ."

"Kasalanan niya naman eh. Hindi siya marunong gumalang"

Ang taong kaharap at kausap ko ngayon. . ay iba sa taong nakilala ko noon.

"Hindi ka naman dating ganyan ah"

"Acchan. . hindi na ako bata para paulit-ulit mong pagsabihan"

"Tama ka. Hindi ka na nga bata kaya siguro naman alam mo kung ano ang tama at mali"

Hindi na niya nagawang sumagot. Marahil ayaw niyang mag-away kaming dalawa.

"Kamusta na yung binti mo? Masakit pa rin ba?"

"Maayos na"

"Patingin nga"

Pinaupo niya ako sa tabi niya at ipinatong ko sa mga kamay niya ang kanang binti ko. Naalala kong dahil sa pagkabuwal ng bisikleta na minamaneho ko kaya nanakit ang kanang binti ko.
Mabuti na lang kasama ko si Jurina nung mga oras na 'yon na nagmamaneho din ng bisikleta niya.

-

MATSUI RENA'S POV

Naalala ko si Maeda. Ang sabi niya kanina magpupunta siya sa library, kaya pala ang talino niya - mahilig siyang magbasa.
Teka. . Library ba ang sabi niya? Sa pagkakaalam ko wala naman masyadong nagpupunta do'n. Kahit papaano may silbi pa rin pala yung mga nakatambak na libro do'n.

Bakit ganun. . parang may humahatak sa'kin?
Nagsimulang lumakad ang mga paa ko patungo sa library na iyon.

Parang may naririnig akong nag-uusap.
Hinanap ko sa loob ng silid aklatan na ito ang mga boses na iyon. Saan naman kaya 'yon?

Lingon dito, lingon doon.

Hanggang sa. .

"Kamusta na yung binti mo? Masakit pa rin ba?"

Teka. Si Maeda 'yon ah.
Bakit magkasama sila ni Jurina?

Agad akong naghanap ng matataguan.
Baka makita pa nila ako, lalong lalo na si Jurina.

"Maayos na"

"Patingin nga"

Bakit ganun, parang ang tagal na nilang magkakilala?

"Sigurado ka ba na maayos na 'tong binti mo?" - Tanong ni Jurina kay Maeda.

"Oo nga"

"Ano, magbike tayo mamaya?"

"Oo, basta sandali lang. Marami pa akong gagawin"

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko.
Bakit parang ang close nila sa isa't-isa?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 14, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

After The Rain [wmatsui fanfic][ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon