"Hijo, ito na ang kanto ng baranggay San Juan," sabi sa akin ng mamang driver.
"Salamat ho," sagot ko saka tinapik si Kuya Damian. "Nandito na raw tayo. Gising na," sabi ko at saka kinuha ang mga pinamili namin na pansamantalang inilapag ko sa sahig.
"Uwi na tayo para makapagpahinga ka na rin," sambit ko kay Kuya Damian at ako na ang naunang bumaba. Inalalayan ko pa siya sa pagbaba dahil mukhang hilo pa siya dahil sa kakagising niya lang.
"Saan ba banda ang apartment mo rito?" tanong ko.
Humikab muna siya bago sumagot. "Natatanaw mo ba iyong mahabang building na may pulang bubong? 'yon na 'yon."
Hindi naman ito kalayuan sa amin. Nang makalapit ay doon ko mas nakita nang maayos ang buong lugar. Merong gate at sementadong bakod. Siguro mga limang apartment ito na tabi-tabi at isang diretso lang ang bubong nito. Nasa pinakadulo raw ang apartment ni Kuya Damian kaya nadaanan namin ang iba pang tenant at mukha naman silang mababait. Meron pang bumati sa akin na isang matanda sa pangatlong apartment. Akala niya kapatid ako ni Kuya Damian.
"Pero kuya ko pa rin po siya," sagot ko na lang doon sa matanda nang matanong niya kung ano ang relasiyon ko kay Kuya Damian. Hindi naman kasi pwedeng sabihin na asawa ako nito. Siguro saka na pagmalakas na ang loob ko.
Nagpaalam na ako sa matanda at saka sumunod kay Kuya Damian. Nasa loob na siya ng apartment at nabuksan niya na ang naka-locked nitong pinto.
Hindi ganoon kalaki ang loob. Sapat lang para sa isang pamilya na nag-uumpisa pa lang. Studio type lang ito dahil kadugsong lang ng sala ang kusina. Flywood lang ang nagsisilbing pader para sa isa nitong kwarto at katabi ng lababo ay banyo na agad. Napansin kong kumpleto naman ng gamit si Kuya Damian. May gasul, stove at washing. Isa lang ang wala siya. Iyon ay ang TV na agad niya ring nabanggit.
"Baka mabagot ka rito tuwing gabi dahil wala akong TV. Hindi na ko nakabili pa dahil mahal saka lagi naman akong wala rito dahil naka-duty sa trabaho. Ayos ka lang ba rito?" tanong niya sa akin habang ibinababa ang suot na back pack sa sahig na tiles.
"Opo naman, Kuya Damian. Sanay din naman akong walang TV dahil hindi naman ako mahilig manood ng palabas," paliwanag ko sa kaniya.
"Okay pala. Paano ba 'yan? Ikaw na ang bahala rito, ano? Matutulog muna ako," aniya habang tinatanggal ang suot na sapatos. Maayos niya itong isinandal sa pader malapit sa pinto. "Gisingin mo na lang ako mamaya kapag tanghalian na para masaluhan kita kumain, okay?"
Tumango ako sa kaniya bilang sagot. Ngumiti pa siya sa akin bago tinungo ang daan papuntang kwarto at saka pumasok dito.
Saglit kong inilibot nang tingin ang buong lugar para naman kahit papaano ay maging pamilyar ako rito. Nang ma-satisfied ang sarili ay inayos ko na rin ang mga bitbit.
Inilagay ko sa lababo ang baunan niya na nakalagay kanina sa paper bag. Niligpitan ko agad 'yon bago hinarap ang manok para hugasan nang makailang ulit.
Isinantabi ko ito at saka hinanap ang sangkalan. Humanap din ako ng sibuyas at bawang. Naalala ko na may binili nga pala kami kanina. Maayos naman din kasi ang salansan ng mga rekados sa gilid ng lababo malapit sa stove. Sobrang organisado ni Kuya Damian at masasabi kong malinis siya sa bahay dahil hindi magulo o makalat. Nakakatuwa lang na kahit barako siya ay hindi siya pabaya sa tinutuluyan at napapanatili niya ang linis at ayos nito.
Nang mahiwa ang mga rekados at mga gulay ay inayos ko na ang kaserola na paglulutuan. Mabuti na lang at hindi magulo dahil naging madali sa akin na hanapin ang mga kailanganang gamitin para sa pagluluto. Hindi rin nagtagal at natapos ko rin itong lutuin. Tinikman ko pa ang sabaw para masiguro kung tama ba ang asim at alat nito at nang masigurado na ayos na ito sa akin ay binalik ko ang takip at saka pinatay ang gasul. Iinitin ko na lang mamaya kapag kakain na.
Naghanap ako ng kaldero para sana magsaing pero wala akong nakita. Rice cooker pala ang gamit niya kaya kinuha ko ang kaldero nito at hinanap ang bigas. Ito naman ngayon ang hindi ko makita.
Nakailang ikot ako para hanapin ang bigas. Sinuyod ko na rin ang mga containers na pwedeng kalagyan nito pero wala. Saan naman kaya nakalagay 'yon?
Isa na lang naman ang hindi ko napupuntahan, ang kwarto.
Kailangan kong magsaing para may makain kami mamaya kaya nagdesisiyon akong pumunta ro'n bitbit ang kaldero ng rice cooker. Nakasara pa ang pinto kaya dahan-dahan kong binuksan ito para hindi siya maabala sa pagtulog. Nang makagawa nang siwang ay sumilip muna ako sa loob. Madilim. Kinain ako ng ilang minuto bago mag-adjust ang mga mata ko sa paligid at agad kong nahigit ang hininga nang makita si Kuya Damian na mahimbing na natutulog sa sahig lulan ng isang kuts'yon.
Naisara ko tuloy ang pinto nang wala sa oras dahil sa gulat. Napahawak pa ako sa dibdib ko habang mabilis na hinahabol ang hininga. Paano ba naman kasi ay nakahubad si Kuya Damian! Oo, may suot siyang boxer pero nakahubad pa rin siya at iyon lang ang natitirang tela sa katawan niya. Wala ng iba pa.
Ramdam ko pa rin ang bilis ng puso ko kaya kinalma ko muna ang sarili bago binuo ang loob para pumasok muli.
Humarap ako sa pinto at saka binuksan ito nang sapat para makapasok ako sa loob. Maliit lang ang kwarto. Bukas ang isang maliit na fan. May drawer sa pinakasulok at may mga nakasabit na damit sa kabilang parte ng silid. Inilibot ko nang tingin ang buong lugar at nahagip ng mga mata ko ang pakay. Nandoon 'yon sa gilid ng ng drawer. Lalagyanan dati ng mga biscuit na ginawa niyang storage ng bigas.
Ginawa ko lahat para deadmahin si Kuya Damian pero napatingin pa rin ako sa kaniya at nahinto ako nang mapagtanto kung gaano kaganda ang bulto niya. Medyo mabuhok ang dibdib niya at ang mga binti. Malaki ang mga braso na halatang batak na batak sa trabaho noon. Malapad ang kaniyang dibdib at maliit ang bewang kaya sobrang sexy niya pagmasdan ngayon.
Napalunok ako nang dumapo sa boxer shorts niya ang mga mata ko. Nakabukol 'yon at masasabi kong malaki talaga pero hindi ako pwedeng magkasala ngayon. Kailangan kong kuhanin ang pakay ko at hindi si Kuya Damian ang pinunta ko rito kundi ang bigas para makapagsaing kaya naman nagpasiya ako na pumunta na ro'n pero nang humakbang ako ay sumabit ang paa ko sa kung saan. Napasigaw pa ako pero huli na nang lumaglag ako kay Kuya Damian, sa mismong ibabaw niya.
Nabitawan ko ang hawak na kaldero at saka napatitig sa ngayo'y gising na si Kuya Damian. Hawak niya ang mga balikat ko habang nakatitig sa mga mata kong nakatingin lang sa kaniya.
Mula sa pagkagulat ay nagiba ang ekspresiyon niya sa pagiging pilyo. Ngumiti siya at saka ibinalot sa akin ang mga kamay niya dahilan para pwersahang mabaon ang mukha ko sa mabuhok niyang dibdib. Ang bango-bango niya pero ramdam ko ang bukol niyang tumatama sa akin at hindi maganda 'to.
"Nakalimutan kong ilabas ang bigas. Sorry," sabi niya bago ako pakawalan mula sa yakap niya.
"Sorry sa kalampahan ko," hingi kong paumanhin at saka mabilis na tumayo. Pinulot ko ang kaldero ng rice cooker at saka nagtungo sa bigas para mabilisang kumuha nito.
Gusto kong magpaliwanag kay Kuya Damian kung bakit ako nahulog sa kaniya pero nang aktong magsasalita ako ay narinig ko ang mahina niyang paghilik. Nakahinga ako ng maluwag. Nakakahiya talaga ang kalampahan ko!
Nang makakuha ng sapat na bigas ay lumabas na rin ako. Sumulyap muna ako kay Kuya Damian bago ko tuluyang sinara ang pinto.
Nang makalapit sa lababo ay ibinaba ko muna ang hawak na rice cooker at saka ako nagtatalon. Umakto akong sumisigaw pero pigil na pigil ang boses dahil walang paglagyan ang kilig ko ngayon. Paano ba naman kasi ay niyakap ako ni Kuya Damian! Grabe! Sobrang dami ng skin contact namin noong oras na 'yon! Hindi ko inaakalang yayakapin niya ako! Ang bango-bango niya pa!
Unang araw ko pa lang kasama siya pero napakarami na agad nangyari sa pagitan namin ni Kuya Damian. I can't wait to see more for the following days of us. Sobrang saya ko ngayon dahil sa kaniya.
BINABASA MO ANG
SEKYU 1 (BL) Completed
Ficción GeneralCOMPLETED Alam ni Keifer na malaki ang posibilidad niyang matalo sa laro ng pag-ibig oras na pasukin niya ang buhay ni Damian, isang sekyu sa katabi nilang subdibisiyon. Sadiyang makulit siya at hinayaan niya pa rin ang pusong mahulog ng husto sa mg...