"DYAN KA LANG!" seryosong saad ni Eli pero hindi nagpatinag si Lucius, lumapit parin siya hanggang sa mag dikit na sila.
"Eli... Ang ganda mo." saad ni Lucius habang isinisingit ang buhok ni Eli sa gilid ng tainga niya.
Hinigit ni Eli ang hininga niya nang inilapit ni Lucius ang mukha nito kay Eli.
"Ang ganda ng mga mata mo."
Tumikhim si Lucius at lumayo ng kaunti kay Eli dahil nararamdaman niya ang bugso ng damdamin niya. Baka hindi siya makapag pigil, nirerespeto pa naman niya si Eli.
Biglang na realize ni Eli na bakit nga ba siya kinakabahan e mag bibihis lamang ito, samantalang noon ay sanay naman siya sa past life niya na makakita ng ganitong senaryo, dahil halos lahat ng nasa paligid niya ay lalaki kaya pati ang kilos ni Eli at pag iisip ay nahawa.
Nagbibihis na si Lucius, taka namang tumingin ito kay Eli na nakatitig sa kaniya. Medyo nahiya sya kaya dali dali siyang nagbihis.
Gusto na niyang maglinis ng katawan dahil sa hawak ni Lily, diring diri siya. Ayaw na ayaw pa naman niya na may babaeng hahawak sa kaniya o kahit lalaki but Eli is an exception.
Gustong gusto niya na lagi silang magka dikit ni Eli at kapag hindi naman ay talagang wala siya sa katinuan. He's obsessed with Eli's touch.
"arghh!" kahit anong gawin ni Lucius ramdam niya parin ang nakakadiring paghawak ni Lily.
Taka namang tumingin si Eli sa kaniya dahil hindi si Lucius mapakali. Lumapit siya at nag salita.
" bakit?" seryosong tanong ni Eli kaya napatingin naman sa kaniya si Lucius.
" I don't like a women's touch, may disorder ako. Bawal akong hawakan ng babae but you're an exception." pagtatapat niya kay Eli.
Naiintindihan naman ni Eli ang ibig sabihin ni Lucius dahil kahit siya ay naiinis sa paglapit ni Lily.
Pero bakit exception ako?
Nang mapansin ni Eli na hindi na mapakali si Lucius ay hinawakan niya ang kamay nito. Lucius was stunned to speak. Nakaka speechless, hindi niya alam ang sasabihin nya . Feeling niya ay natuyot ang lalamunan niya.
"If I'm an exception, maybe this can help you." ani ni Eli.
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib nila kahit si Eli ay nalilito sa ginagawa niya.
Nooo, this is dangerous. isip isip ni Lucius.
Nag titigan silang dalawa, umiwas na ng tingin si Lucius dahil hindi niya kakayanin baka maging sakim siya.
Nainis si Eli at muling pinatingin si Lucius, ayaw na ayaw kasi ni Eli ang ganitong kilos.
Dahil sa ginawang ito ni Eli hindi na napigilan pa ni Lucius ang nararamdaman niya pero nagulat siya ng yakapin siya ni Eli. Ang dalawang puso nila ay sabay na mabilis ang tibok at ramdam nila iyon.
Niyakap pabalik ni Lucius si Eli at inamoy ang buhok niya. Nang hindi makuntento ay iginilid ni Lucius ang buhok ni Eli at inamoy ang leeg. A sweet smell na mananatili at tatatak sa pang amoy ni Lucius. Another obsession.
Nakiliti si Eli sa ginawa ni Lucius. Hindi pa sana bibitaw si Lucius nang magsalita si Eli.
"Okay na iyan, hindi na ako makahinga. Siguro natulungan naman na kita." Ani ni Eli at umiwas ng tingin ngunit hinuhuli naman ito ni Lucius.
"yes, you did help me a lot. Thank you." saad ni Lucius at ngumiti ng matamis na ikina tulala ni Eli.
Napatitig si Eli sa dimple ni Lucius hanggang sa matulala siya sa mapulang labi nito.
"Nag lipstick ka ba?" tanong ni Eli.
"ano yon?" takang sagot ni Lucius. Oo nga pala, hindi nila alam iyon.
Nang mapansin ni Lucius na nakatingin si Eli sa labi niya ay napalunok siya. Napatingin din siya sa labi ni Eli. Hanggang sa parehas silang makaisip ng isang aksyon na babago sa kanilang istorya.
NOTED: MALAPIT KO NA PONG ALISIN MUNA SI LUCIUS AT MEDYO SIYA NA PALAGI ANG NASA SCENE. TATLO PO ANG LALAKING BIDA, KAILANGAN DIN NILA NA MAPALAPIT KAY ELI.
YOU ARE READING
I was reincarnated as a Kontrabida in another world
RomancePROLOGUE Pagka gising ko nasa ibang lugar na ako at isa pala akong kontrabida sa isang istorya ng mga bida. Eh ano naman? Love story? Ewww, never pumasok sa isip ko unless babae ang magiging partner ko. Kidding! Galit na galit itong mga lalaki sakin...