CHAPTER 32

2.3K 88 4
                                    

"Bakit ganiyan itsura mo?" tanong ni Eli nang mapansin na nagiba ang itsura ni Thadeo.

"U-uhh..." Lumunok si Thadeo habang tumutulo ang pawis niya. Muntik na niyang mailibing ang buhay na katawan!

"No need to explain, mag sorry ka lang sa kaniya." Iniba ni Eli ang takbo ng usapan dahil alam niya kung anong iniisip ni Thadeo.

"Uhmm... Isasabi mo ba sa iba?" Matapang na saad ni Thadeo.

"Kagaya nga ng sinabi ko mag sorry ka sa kaniya, tsaka nag promise ako na gagawa ako ng gamot para sa inay mo diba?" ngumiti si Eli, nagsimula na siyang maglakad papalayo kasabay ng pagtulo ng luha ni Thadeo.

"I- Im really sorry!" Lumuhod si Thadeo sa harapan ng babaeng umiiyak. Tumango ang babae sign na naiintindihan siya nito.

" ha......" humiga si Eli sa malambot na higaan niya. Miss na miss na niyang matulog, pakiramdam niya e maraming nangyari ngayong araw.

" Prinsesa..."

Nilingon niya ang pintuan na kinakatok ni Violet.

"Pasok." Tipid niyang sagot at muling pumikit.

"Paumanhin Prinsesa at naistorbo ko po ang inyong pamamahinga ngunit ipinapatawag po kayo ng Hari." sabi ni Violet at kinakabahang tinitignan si Eleonora.

"Sige." Ngumiti si Eli para i assure na okay lang siya.

Habang nag aayos si Eleonora ay may kung ano siyang pakiramdam na may mangyayaring hindi maganda.

" Greetings to the King." yumuko si Eli bilang pagbigay galang sa hari. Kitang kita sa mukha niya na anytime ay mawawalan siya ng malay.

"Are you okay?" tanong ni Theo kay Eli nang mapansin na parang matutumba ito.

" Yes Prince, pagod lang po siguro." Matamlay na saad ni Eli. Sino ba namang hindi mapapagod kung maghapon kang naglalakad tapos ipapatawag ka na naman?

" Pag uusapan natin ngayon kung anong ihahatol natin kay Saintess Lily sa harap ng maraming tao." saad ng hari na ikinalingon ni Eli kay Lily.

Nakangisi si Lily, bumulong ito.

"Isasama ko ang loyal maid mo sa impyerno."
bulong man ay nababasa padin ni Eli kung anong sinasabi ni Lily.

Feeling ni Eli tumaas lahat ng dugo niya sa ulo niya. Nagkaroon siya bigla ng pakiramdam na gusto niyang p*matay. Kinagat niya ang pang- ibabang labi niya dahilan ng pagdugo nito. Nagngingitngit sa galit si Eli, anytime ay handang sumugod. Kinakalma niya ang sarili niya dahil kung hindi niya ma control ang sarili niya, maraming tao ang madadamay.

Ramdam ni Theo ang aura ni Eli, alam na alam niya na may nagbago rito.

I was reincarnated as a Kontrabida in another worldWhere stories live. Discover now