CRISTINE' S POV
"Antagal mag-uwian" Mahinang bulong sa akin ng baklang si Barbie.Pinili nyang pangalan ang Barbie, mukha daw kasi syang Barbie.
Hindi ko yun pinansin.
Sayang ang free fb, sulitin nalang.
Andito ako sa classroom at hinihintay na mag-uwian.
Ako nga pala si Cristine, 16 years old. Isa akong babaeng mahirap, mukhang basahan, at nagaaral sa private school dahil sa scholarship.
"Paksyet." Mahinang bulong ko.
May nae nae video si Paul sa facebook.
Ang galing niyang sumayaw.
Si Paul ang kaisa-isang lalakeng nakabihag ng puso ko. Kaya lang, langit at lupa ang drama namin.
Mayaman sya, mahirap ako.
Fresh sya, haggard ako.
Basta magkaiba kami. Kaya hindi ko malaman kung bakit sya pa.
Magkasama kami sa section A ng 4th year. Kaya madalas ko rin syang nakikita.
Pagkatapos kong mapanood ang video niya ay nagstalk pa ko sa fb account nya.
May selfie sya.
Nakalipbite at hawak hawak ang panga na parang pinapakita ang kagwapuhan nya.
Well, madami naman talaga syang napakitang kagwapuhan, madaming madami.
"Tangina. Ang gwapo talaga." Bulong ko ulit.
Scroll down.
Scroll down.
Scroll down.
O_____O
O to the M to the G.
Gulat akong nakatitig sa picture nya.
Ayan na naman ang ABS nyang makalaglag panty ang epek.
Putangina.
Pengeng panyo, naglalaway na ko.
"Shet. Shet. Shet. Yung abs mo talaga, Paul." Bulong ko.
"Malalaglag na yung panty mo, saluhin mo!." Biglang sigaw sakin ni Barbie.
"Wala ka talagang kwentang kaibigan. Nang-iistalk ako dito, nang-aabala ka dyan!. Mamaya ka na nga mang-abala!." Sigaw ko sa kanya.
"Hahayaan kitang istalk sya sa fb o sasabihin ko sayo na kailangan mo na syang istalk physically?."
Natahimik ako sa sinabi nya.
"Tanga, uwian na. Bilisan mo dyan kalalabas pa lang nya."
"Ay shet!. Bat di mo agad sinabi?, isa ka talagang hangal. Dapat pinapakulong ka sa chimineya!."
Agad kong kinuha ang bag ko at hinila si Barbie palabas para sundan si Paul.
Ito ang paulit ulit kong ginagawa mula 1st year highschool kami.
Tititigan sya maghapon.
Iiistalk sa fb.
Susundan pauwi.
Papanaginipan magdamag.
Then, repeat.
Hanggang nakaw tingin lang naman lagi eh, may forever talaga.
"Ay bakla!." Gulat kong sigaw nang muntik na kaming madapa ni Bakla.
Napatid sya sa gate ng school.
BINABASA MO ANG
Stalker [Short Story]
ChickLitAno nga ba ang stalker? Sunod ng sunod? Nagmamanman? Inaalam ang lahat ng impormasyon mo?. Ahh. Alam ko na. Sa pag-ibig, sila yung mga taong nagmamahal ng palihim. Yung mga taong, tinatago lahat ng kilig at pagmamahal sa isang tao. Bakit?. Kasi nata...