Chapter 29

233 2 0
                                    

Beg



Simula nang malaman ni Yishin ang nangyari sa akin ay binantayan niya ako buong magdamag, nagtuloy din ang aking lagnat dahil sa sobrang stress ko sa mga nagdaang araw. Hindi pa ako nakakasubo ng ilang pagkain ay tila masusuka na ako.

Ilang beses din akong nakareceive ng text messages kay Havhien na hindi niya na uulitin iyon, hindi naman na talaga dahil hindi ko na siya hahayaan pang makalapit sa akin.

Matinding trauma ang inaabot ko lalo na't nakaexperience na rin ako nun dati, nung nasa poder pa ako ni Doc Cutler.

Mas lalo akong namayat, kumpara nuon, hindi naman masyadong payat ang katawan ko pero halatang nagbawas ako ng timbang ngayon, ang aking mapulang labi ay ngayon puti na, may eyebags din ako sa ilalim ng aking mata dahil minsan sumasakit ang aking ulo.

Hindi na rin ako lumalabas ng araw, kahit dati palagi akong maligalig, hindi ko alam pero bigla akong nahiya dahil sa dami rami ng ginawa sa akin ni Havhien ay ganuon ko lang siya itatapon. Ang laki laki ng kasalanan ko sa kanya.

"Ang laki pa naman ng tiwala ko sa kaniya, Lesha... sinayang niya lang 'yon," sambit nito at napakagat na lamang ako ng labi. "Hindi ka na naman maayos? Ilang linggo ka nang ganyan ha?"

"Yishin, magpapahinga lang ako..." paalam ko. "You're depressed. Hindi ko pwedeng pabayaan ang friend kong hindi maayos, lalo pa't masyadong trauma ang ginawa ng lalaking iyon sa 'yo..." sambit nito sa akin.

"At isa pa, oras oras ka nalang umiiyak... nag-aalala na ako sa 'yo..." sambit nito sa akin.

"Ang pangit ko na ba talaga?" tanong ko out of curiousity. Tumango ito.

"Oo, dati pa naman..." biro niya at hinampas ko siya sa kaniyang balikat. Mas lalong gumaan ang loob ko dahil nakita ko siya.

"Oo, kaya kung mas lalo kang magmumukmok diyan, mas lalo kang papangit..." singhal niya sa akin. "Irereport ko siya sa pulis kapag hinawakan ka niya ulit."

"Salamat, Yishin..."

"Thanks..."

"Malapit na rin ang second semester natin, kaya dapat masaya ka na at okay na dahil hindi ko yata kakayaning makita kang magbigti," biro nito. Umirap lamang ito sa akin at nagulat ako nang yakapin niya ako.

"Uminom ka na ng gamot..."

"Opo..."

Sinunod ko lahat ng payo sa akin ni Yishin, huwag akong magpapakastress, at minsan naman talaga hindi na mawawala sa atin 'yon, minsan naman mag ooverthink ako kung ano ano nalang pumapasok sa aking isip.

Itong linggo ay naging maayos ang aking kalagayan, bumalik na ako sa dating masayahing Lesha, wala na ring sumusundo sa akin pero sa akin lang, ayos na ako ron. Hindi niya na ako ginugulo. Mas lalo lang bumabalik ang pangyayaring iyon sa tuwing maisip ko lamang siya.

Ayos na ang gamit ko, pati ang baon ko ay ayos na. Hindi na ako nagmimiryienda dahil may ulam at kanin naman, buti nalang talaga may natira pang kanin sa kaldero kanina at iyon na ang binaon ko.

Fourth year na talaga ako, ang dami ko ring napagdaanang mga unexpected na pangyayari at nakakaya naman kami may mga malalaki kaming binabayaran dahil nagtatrabaho ako, naglalako ng kakanin. Iyon ang mga ala-ala na gusto kong balikan, nung nagkikita pa kami nila Solidad, at Vincent.

Pero ganito naman talaga ang buhay, kahit wala kaming kakayanang magkita ay nanduon pa rin ang pagmamahal naming tatlo. At hindi mawawala iyon.

Nagtetext sa akin si Havhien, hindi ko siya pinapansin at binlock ko na lang sa cellphone ko.

The Doctor Affection (De Viola #2)Where stories live. Discover now