III

1 0 0
                                    

Carolina Quinn

"Huy girl, bakit natulala ka diyan? Akala ko ba kinikilig tayo dito?" tanong ni April tiyaka inagaw sa akin ang phone at tinignan nila itong tatlo at sabay-sabay na tumingin sa akin.

"Iba rin pala itong si Blade, hindi pala EIC ang bet niya mas bet niya pala yung anak ng VP," nakangiwing sabi ni Rain kaya naman sinamaan siya ng tingin ni Amara at April.

Samantha was our schoolmate back in high school, I mean we are civil with each other naman like we greet each other sa tuwing nagkikita kami sa campus and social media mutuals din kami maski sila ni Blade ganoon but I don't think they are close enough to do this kind of thing.

"Ano ba kasi talagang kwento, atchi? Fill us up with the details naman para alam namin kung worth it ba kalabanin ang anak ng campus VP!" tinakpan ni April ang bibig ni Rain na sobrang ingay baka mamaya isipin ng mga tao na makakarinig na may hidden agenda kami kay Samantha.

Bumuntong hininga na lamang ako at tumingin sa kanilang tatlo, "Promise me, not a word will get out, okay?" pagkasabing-pagkasabi ko nito ay nag-unahan pa ang tatlo na maupo sa harapan ko.
——

"Ante, sinasabi ko sayo red flag yang si Blade! At ikaw naman ay isang bare minimum at mixed-signals enjoyer!"

"Jusko, mamsh. Maglilimang taon ka na pa lang tanga!"

"How could you do that to yourself? Ilang taon na siyang hindi ready ano bang hinihintay niyan para maging ready?"

Hindi ko alam kung mata-touch ako sa kanila dahil concern sila o maiinis kasi hindi nila naiintindihan yung sitwasyon ko at bakit ba galit na galit sila kay Blade e wala naman siyang ginagawang masama.

"What if he's being selfish? Like he can't take the risk kasi he don't want to lose you pero okay lang sa kaniya na naghihintay ka. Like girl, ang daming gustong mangligaw sayo oh!"

Tinakpan ko ang tenga ko tiyaka ako nag-make face sa kanila kaya naman pilit nilang tinatanggal ang mga kamay kong nakadikit sa tenga ko.

Naiinis na talaga ako, hindi naman nila kilala si Blade para magsalita ng ganoon. Ayaw lang akong saktan ni Blade, that's it. Isa pa, sobrang dami pa naming kailangan ayusin na personal issues namin and he's just afraid na we might only hurt each other kapag hindi namin na-settle iyon. I don't want us to end up like our parents, we will never be like them.

Sa huli ay sumuko na lang silang tatlo sa pang-iinis sa akin at umalis na sa office and now naiwan ako ng mag-isa at pilit na iniisip kung bakit ni minsan hindi nabanggit sa akin ni Blade si Samantha.

"Quinn, you have to trust him," bulong ko na lamang sa sarili ko kahit pa sobrang daming bagay at senaryo na ang tumatakbo sa isipan ko.

Para mawala ang pag-iisip ko ay kinuha ko na lamang ang laptop ko at sinimulang ayusin ang thesis namin, sinubukan ko na rin mag-review lalo pa at two weeks from now ay ibibigay na nila ang schedule for thesis defense after that kahit papaano makakahinga na kami dahil ibang subject na lang ang kailangan naming problemahin.

Habang nagta-type ako ay biglang pumasok si Blade bitbit ang bag niya at ang supot na may lamang dalawang styro.

"Wow, ang sipag. Nakaka-konsensya naman," natatawang sabi niya habang naglalakad papunta sa akin kaya naman natawa na lang din ako at sinara muna yung laptop.

"Talagang ma-konsensya ka dahil inaayos ko na thesis natin dami pa kaya need!"

"Oh," nakangiting sabi niya at inabot sa akin yung plastik na agad ko namang binuksan at parang nag-ningning yung mata ko nang makitang palabok ang lamat nito at hindi lang basta palabok kasi galing pa ito mismo sa paborito kong palabok place na 30 minutes away dito sa university namin.

Midnight RainWhere stories live. Discover now