Kabanata 7

3K 107 17
                                    

Inayos ko ang sinaing at ginawang abala ang sarili sa pagli-linis ng buong bahay. Hindi naman na ako makakapasok sa school dahil anong oras na rin naman kaya mas pinili ko na lang na lumiban ngayon. Hahabol na lang ako sa klase at sa mga na-missed kong mga quiz.

Hindi nawala ang ngiti ko habang naglilinis ng bahay. Ngayon ay nagkukusot ako ng nakita kong maruruming uniporme ni Kuya Damian sa laundry basket at habang nilalabhan ito ay abot tenga ang ngiti ko. Paulit-ulit kasi na bumabalik sa akin ang ala-ala nang nangyari kanina. Hindi ko tuloy maiwasang kiligin sa tuwing lumalandas ito sa isipan ko.

Nang maramdaman na kumakalam na ang sikmura ay isinantabi ko muna ang paglalaba. Sinipat ko ang oras sa orasang nakasabit sa pader ng apartment at nakumpirma kong 11:43 AM na. Kailangan na naming kumain.

Binuhay ko ang stove para initin ang sinigang habang naghahain ako sa tiles na sahig ng mga plato at kubyertos.

Nang kumulo ang ulam ay sumandok muna ako sa isang malaking bowl at saka nilagay ito kasama ng mga pinggan. Kailangan ko nang gisingin si Kuya Damian para kumain kaya naman nagtungo ako sa pinto ng kwarto niya. Bumilang muna ako ng tatlo sa isip at saka marahang binuksan ang pinto nito.

Namataan ko siyang mahimbing na natutulog sa kutsiyon at agad akong napalunok nang dumapo ang mga mata ko sa hubad niyang kawatan. Shocks! Bakit ba napaka-sexy ng lalaking ito? Pakiramdam ko tuloy ay pinagpapawisan ako nang malapot ngayon.

"Kuya Damian! Gising na't kumain na tayo," pagtawag ko sa kaniya.

Umungot lang siya kaya muli kong tinawag ang pangalan niya.

"Sige po. Babangon na," sabi niya kaya naman isinara ko nang muli ang pinto bago pa maubos ang pawis ko sa katawan kakatingin sa kaniya.

Nakahinga ako nang maluwag. Pinunasan ko ang namuong pawis sa noo at saka ako naglakad patungo sa hapag. Naupo ako katapat ng plato na inayos ko kanina at hinintay si Kuya Damian na dumating.

Ilang minuto lang ay lumabas na siya ng kwarto at pakiramdam ko ay bigla akong naging bato nang tumayo siya sa harapan ko para mag-inat. Ni hindi man lang siya nagsuot ng shorts. Naka-boxer pa rin siya kaya kitang-kita ko ang bukol niya.

Napalunok ako. Susmaryosep mahabagin! Mamamatay na yata ako sa nakikita! Bakit kailangang ganito siya kumain? Gusto niya ba talaga akong pahirapan?

Nang matapos mag-inat ay naupo siya sa harapan ko. Pinanunuod ko lang siya habang nagsasalin ng kanin sa plato niya.

"Kain na tayo," pag-aya niya. Hindi ko napansing nasandukan niya na ako ng kanin sa plato ko. Napaka-gentle man talaga.

Tumango lang ako sa kaniya at saka nag-umpisa nang kumain kahit na sa totoo lang ay kanina pa ako distracted sa kaniya.

"Masanay ka na sa akin na ganito sa bahay. Mas presko kasi ito sa akin kaya nasanay na rin akong ganito matulog at isa pa, mag-isa lang ako noon kaya nakasanayan ko nang ganito kada magpapahinga," paliwanag sa akin ni Kuya Damian. "Ang sarap ng luto mo!" komento niya pa at saka humigop ng sabaw.

Ngumiti ako sa kaniya. Natuwa ako sa pagbati niya sa luto ko pero taliwas ang reaksiyon ng puso ko sa paliwanag niya kung bakit siya laging naka-boxer. Ibig sabihin ba nito ay lagi ko siyang makikita na ganito? Pakiramdam ko tuloy ay matutunaw ako sa kinauupuan ko ngayon dahil sa nalaman.

"Ki, ikaw na lang muna sa bahay, ah? Libangin mo na lang ang sarili mo mamayang gabi kapag nag-duty na ako sa Beverly Heights. Bukas na lang ulit tayo magkita pagkauwi ko, okay?" tanong niya sa akin kaya tumango lang ako sa kaniya bilang sagot.

Saglit na namagitan ang katahimikan sa aming dalawa bago pumasok sa isip ko ang balak gawin kinabukasan.

"Kuya Damian?" pagkuha ko ng atensiyon niya. "Uuwi sana ako saglit bukas sa bahay. Kukuhanin ko lang ang mga uniform at gamit ko sa school. Pati na rin ang mga dokumento ko sa aparador. Balak ko po kasi mag-apply sa fast food sa lunes," paliwanag ko sa kaniya.

SEKYU 1 (BL) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon