CHAPTER 1

10 0 1
                                    

(ambulance, siren)

"Time of death, 2:59pm", pagdedeklara ni Dr. Rodel Cicerio. (insert sound ng life machine)

Isang liwanag at usok ang natanaw ni Rina mula sa kisame ng gusali. Isang liwanag na humihikayat na sya ay tumayo, at isang usok na tila ba sya ay hinihigop patungo sa direksyong paakyat.

Unti-unting namamalayan na lang ni Rina na para bang sya ay lumulutang paitaas patungo sa direksyon ng liwanag at usok. Habang sya ay paakyat, napansin nya ang kanyang lifeless self na nakahiga sa isang hospital bed. Gulat na gulat at hindi makapaniwalang sya ay patay na.

"huuuyyy, wait! I can fly! My goodness! Am I really patay na? How come? It can't be! Ni hindi pa nga ako nagkaka-boyfriend eh. I dont wanna die a virgin! Myghadd!! Pangit naman ka-bonding ni kamatayan, jusme! Paano na si Papa? Kelangan pa nya ako", at dahan-dahang na lang nangilid ang kanyang mga luha. 

Pero sandali lang yung pagluha nya. Eksaherada lang kasi talaga ang peg :)

So, eto na nga..Nakarating na rin sya mismo sa harap ni San Pedro...

"Wow, ang gara naman dito. Puro ulap sa paligid, buong paligid, puti at ginto!"

"Rina, ikinagagalak kong makita ka. Pero hindi ka pa pwedeng pumasok sa langit. Dumito ka muna. Kelangan pa ng masusing imbestigasyon sapagkat hindi ko makita-kita ang pangalan mo dito sa aking libro - ang libro ng kamatayan", ani San Pedro

"Hoooyy!!! Naku ha, baka hindi pa po ako patay, baka nagkamali lang yung liwanag at usok na naghatid sa akin dito. Ibalik nyo na ako sa lupa, pls. Parang-awa nyo na", bulalas ni Rina.

Maya-maya, may isang babaeng lumapit kay Rina, "Sumunod ka muna sa akin sa opisina, Rina. May mga mahahalagang bagay lang tayong pag-uusapan".

Nang makaupo na si Rina sa golden chair, agad namang nagsapaliwanag ang babaeng sumundo sa kanya patungong opisina, "Rina, hihingi sana kami ng paumanhin. Meron lang konting aberya. Hindi mo pa pala oras para mamatay. Nagkaron kasi ng fluctuations sa aming computer system".

"So, what will happen to me, now? Can I come back to life?", sabat ni Rina

"Hindi ka pa naman patay, Rina. Pinatulog ka lang namin ng mahimbing. Because as what I have said, hindi ka pa patay, at that, you cannot enter through the gate of heaven. Ibabalik namin ang kaluluwa mo sa lupa. After 14 days, you may wake up from a deep sleep. Pero, mahigpit na ipinagbabawal ang pumasok ka sa ibang katawan ng tao. Tanging sa sarili mo lang na katawan", paliwanag ng babaeng nakaputi. "kapag ito ay sinuway mo, at nahuli ka namin, hinding-hindi ka na kelan pa man makakabalik sa sarili mong katawan, hindi ka na rin makakaakyat dito sa amin, at ikaw ay magiging forever ligaw na kaluluwa – palaboy-laboy lang, no permanent address"

"Taray! Ganern? O sya sige. Kahit na ano pa ang inyong rules and regulations, importante makabalik ako sa lupa", Rina excitedly said.

Pero at the back of Rina's mind, "Kelangan kong malaman sino ang pumatay sa akin, magbabayad sya ng malaki"

Bago pinabalik sa lupa si Rina, iniabot sa kanya ng babaeng nakaputi ang isang kumikinang na hourglass, "ito ang magsisilbi mong orasan, para malaman mo kung ilang araw ka na ba sa lupa. Iba ang bilang ng araw sa lupa, kumpara sa araw dito sa amin".

Ilang sandali pa at nakabalik na nga sa kanyang sariling katawan si Rina.

"Nurse, nurse! Ang mga daliri ni Rina, naigagalaw na nya", natatarantang sigaw ni Myla, ang matalik na kaibigan ni Rina. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 10, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Broken HourglassWhere stories live. Discover now