Kung san nagsimula ang lahat..

50 3 2
                                    

Love at first sight.


Sabi nila totoo yun, sabi naman ng iba hindi naman totoo. Ang gulo no?

hindi mo alam kung anong paniniwalaan mo, lalo na kung wala kang experience. Ikaw yung tipong nagbabasa ng romantic novels, nanunuod ng fairytales na may happy endings at nakikinig sa mga kwento ng magical na pag ibig.


Hanggang isang araw, ikaw mismo. Iimaginine mong may sarili ka ng kwento. Yung mala fairytale ba. Ikaw ang prinsesa at hinihintay mo yung prinsepe mo. Aba! Astig!


Tapos aasa kang magkatotoo yun. Well, sana malaman mo ang pinagkaiba ng fantasy sa reality.


Sa totoo lang mahilig akong magbasa ng mga nobela at manuod ng fairytales simula ng bata ako.


Pero alam kong wala akong prince charming, never akong umasa. Kasi hindi daw yun totoo sabi ni mama. Lagi kasing happy ending ang mga fairytale at lagi silang naiinlove dun sa female lead, lagi nalang love at first sight.


Speaking of love at first sight, naniniwala akong hindi yun love. Attraction ang tawag dun. Yun bang nagagandahan ka lang o nagwagwapuha ka dun sa tao. In short humahanga ka lang.



Dahil akala mo love at first sight yan,



Tapos eto ka naman, lalandi landi.Na curious daw.tapos ayan na! Aalamin mo kung sino sya, ilan taon, may gf ba, san nakatira, anong mga favorites nya at pati brand ng brief nya aalamin mo. #fangirlsProblem


Tapos magtatanong tanong ka kung anong klaseng tao sya. Ang tingin ko una- unahan yan bago ka mainlove, kunyari kung anong makakarating sayong bad news ba o good news tungkol sa kanya? Kasi pag una bad, turn off ka ate! Pag good naman ala eto sya! Dinaig pa ang cherry blossoms sa pagbo-bloom.


At pag hindi ka naturn off, hala sige ka! Push pa more. May nalaman kalang na mabait daw sya kuno, kinilig ka na! #PaBeBe(PBB)kana


At kahit may malaman kang masama tungkol sa kanya ok lang. Ganyan talaga ang mga nagmamahal, tinatanggap ang buong pagkatao ng mahal mo, kasi nga... ano? MAHAL MO! ay shet di pala.. crush mo lang pala. Hinahangaan !o lang in short kaya pinush mo paren yang crush kuno mo sa kanya.



Echosera! Tapos ayan yung crush mo maglelevel up! Mule 1st level nag evolved ka hanggang 69 lebel te!


GUSTO MO NA SYA! Oh ha! Ayan na yung inaabangan mo sya sa breaktime nyo, iniistalk ang mga social media accounts nya. Makakuha lang ng facts tungkol sa kanya. Tapos ano! Liker ka pa nya! Hindi ka pa nakuntento nagclick ka pa ng 'follow' sa fb at twitter nya. Oh di ba?


Pero hindi mo namamalayan, may iba na sayo. Bukang bibig mo na sya. 24 hours. Walang patid, tinalo mo pa si mike enriquez te.


Tapos ala! Anong nangyayare? Ikaw may nararamdaman kang kung ano sa puso mo pag iniisip mo sya. Halohalong emosyon. Parang may kung ano sa tyan mo na nakaharang. Parang kang natatae pero hinde naman. Pero masaya ka. Oo masaya.



Hanggang sa...



Malaman mong may gf na sya, kainis di ba? Nag eexist pa naman ang undying love mo para sa kanya tapps ganto? Tsk kawawa ka naman.


Speaking of exist, alam nyang nag eexist ka, wala lang talaga syang pakialam.



So san na ba tayo, ayan iiyak iyak ka? Masakit di ba? Ganyan talaga. Hindi mo na kaya? Kung pektusan kita! End of the world? Hello? Wag kang excited sa end of the world. Gusto mo sapak! Gusto ko pang mabuhay.


Eemote emote ka, ikaw lang ba broken hearted. Hello. Andito ako oh. Halika nga at samahan mo ko mag emote.



-horhie


___


Hi cheese na bata dedic ko sayo huehue. Wala kong magawa. Wala lang hahaha. Sher kailangan ko pang makaramdam ng vkook feels para mainspired eke. Hehe labyu be.

Dear Puso, Bakit ang tanga mo?-HorhieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon