Chapter 36

102 8 2
                                    

          "KUMUSTA na si Nanay Elsa?" tanong ni Luisa kay Tere habang naroon sila sa ospital at nagbabantay. Pauwi na ito at siya naman ang papalit.

"Ayun, isip ng isip sa'yo. Nag-aalala."

"Wala ka bang sinasabi?"

Marahan itong umiling. "Mahigpit na bilin ni Sir Ian na ilihim ang kinaroroonan mo. Lalo ngayon at magkasama na kayo ni Kuya Levi," sagot nito.

Huminga ng malalim si Luisa. "Nagi-guilty ako, Tere. Pakiramdam ko nagsisinungaling ako sa kanya. Pagkatapos akong alagaan ni Nanay Elsa noong may amnesia pa ako."

"Sino ba? Lalo na ako. Imagine, mahigit isang taon na ang alam n'ya eh ibang tao ang inaalagaan ko. Pero wala eh, ganoon talaga. Naiintindihan ko ang sitwasyon. Mas konti ang nakakaalam, mas safe. Lalo na at ang boss ni Nanay ngayon ay si Madam."

Bahagyang kumunot ang noo ni Luisa nang may maisip.

"Nga pala, noong gabi pala na mangyari ang gulo sa mansion, nasaan si Nanay Elsa noon?"

"Nasa likod ng bahay. 'Di ba iyon 'yong gabi ng kasal n'yo? Abala kami ni Nanay kasama ang ibang kasambahay sa pagliligpit tapos narinig na lang namin ang sigaw n'yo. Bakit mo naman naitanong?"

Marahan umiling si Luisa. "Wala naman."

Bahagya itong natawa. "Iniisip mo ba na baka kasabwat kami ni nanay?"

Bigla siyang natawa ng malakas. "Sira hindi! Naitanong ko lang kasi ngayon ko lang naalala na wala kayo doon sa living room noong mangyari ang gulo."

"Ah... huwag kang mag-alala, gaya ng sinabi ko sa'yo noon may amnesia ka pa. Magkakampi tayo. Si Nanay, mahal na mahal ka no'n. Kaya lang sa ngayon, napipilitan siyang sumunod kay Madam."

"Naiintindihan ko," nakangiting sagot niya.

Mayamaya ay tumayo si Luisa at kinuha ang basa na face towel at maingat na pinunas iyon sa mukha ni Levi.

"Bumabalik na ang kulay niya. Sabi kagabi ni doc na habang lumilipas ang mga araw ay mas bumubuti ang kalagayan ni Kuya."

Hinawakan ni Luisa ang kamay ni Levi.

"Excited na akong magising siya."

"Sa tingin mo ba, ate, maaalala kaya ni Kuya 'yong mga panahon na dinadalaw ka niya noong kaluluwa pa lang siya?"

"Sana. Sana, Tere. Dahil iyon ang isa sa mga masasayang araw sa buhay ko. Pero kung hindi man, ikukuwento ko sa kanya hanggang sa maalala niya."

Naupo sa isang bakanteng silya si Tere na nasa gilid ng hospital bed.

"Nga pala, ate, paano nga kayo nagkakilala ni Kuya Levi? 'Di ba doon na kayo sa mansion nagkakilala?"

"Hindi," nakangiting sagot niya.

Agad siyang napangiti matapos mabilis na bumalik sa kanyang isip ang nakaraan. Ang araw kung saan sila nagkakilala.



"SANDALI lang ah, punta muna ako ng CR, ang sakit talaga ng puson ko eh," paalam ng kinse-anyos na si Luisa.

"Sige, hintayin ka namin dito."

Lakad-takbo ang ginawa niya makarating lang ng mabilis sa CR. Malapit na siya doon nang mabangga ng isang lalaki na mas matangkad sa kanya. Nawalan siya ng balanse at napaupo sa sahig.

Midnight RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon