Unexpected Love (One Shot)

33 0 0
                                    

Ang love daw dapat hindi hinahanap dahil sabi nila lalapit at lalapit yan sayo. Kung baga nga eh sayo na nakalaan simula sanggol ka pa lang. Yung part ba nang your destined to each other na kahit gaano man kayo kalayo sa isa't isa eh pagtatagpuin pa rin kayo nang tadhana.

Well for me Jesther's the one. Para sakin sya lang ang nilaan nang dyos para makasama ko habang buhay kaya kahit nga magkalayo kami ngayon eh I still stick to his word na "He loves me and he always will".

Ako nga pala si Czerina Sanchez. I currently live here in Bataan while he's in Nueve Ecija. Sa lahat nang problema na pinagdaanan naming dalawa this past year eh wala na sakin kahit gano man kami kalayo sa isa't isa dahil for me our love wouldnt fade no matter what.

"Ui Czerina! Nabalitaan mo ba yung about dun sa may paligsahan sa may plaza?" tanong sa akin nang nagiisa kong kaibigan na si Jona.

Madami naman talaga akong kaibigan dati yun nga lang may nangyari kaya si Jona na lang talaga ang nanatiling kaibigan ko dito sa may sa amin. Nagaaway kasi kami nang dati kong kaibigan na si Lily short for Liwayway at lumabas na masama ay ako.

Ganito kasi iyon it all started nang nakipagflirt sya sa may boyfriend ko tapos kinonfront ko sya nang nag-iisa, tinanong ko sya kung totoo yung nababalitaan kong nakipaglalandian daw sya sa boyfriend ko then ang sagot nya sakin ay...

" Ay oo nga pala boyfriend mo na si Jesther. Sorry ha ang hot kasi nang boyfriend mo eh. Cant help myself to flirt with him at saka between us naman eh di halatang ako ang mas pipiliin nya dahil mas maganda kasi ako at mas seksi sayo. Wag kang magalala Czerina kasi pagnagsawa nanaman ako sa kanya eh isosoli ko ulit sya sa iyo"

After nang sinabi nya na iyon ay sinampal ko sya saka sabing..

"Talaga? Eh sino bang GIRLFRIEND satin ngayon at saka kahit na mas maganda ka at mas seksi sa akin di hamak na mas mabait ako sayo and take note ha MAHAL AKO ni Jesther. Eh ikaw mahal ka ba nya? Kaya ka pang naman ata nya pinapansin eh dahil flirt ka"

Direkta kong sabi sa kanya sabay labas nang bahay nila. Para sakin noon the end na...

Bakit the end kasi..

The end of our friendship..

The end of our sisterhood..

and

The end of our relationship..

Means na di na kami nagpapansinan simula noon and worst eh nadamay pa pati yung dati kong mga kaibigan dahil sa pinagkalat ni Lily, kahit nga yung mga kapitbahay ko eh mga nakisali rin sa kanila. After kasi nang nangyari saming dalawa eh pinagkalat ni Lily na inagaw ko lang daw sa kanya si Jesther at ako daw ang dahilan kung bakit nasira ang relationship nila dahil flirt daw ako.

Saklap no? Binaligtad nya ako tapos sya pa ang mas pinaniwalaan dahil pano nga naman nila ako paniniwalaan eh ni hindi nga nila ako makikita kasama ni Jesther di tulad nilang dalawa ni Lily na kung minsan eh naggagala pa sila sa malalayong lugar. Ayaw ko kasing makikita nang mga tao na nakikipagPDA ako sa daan eh kaya hindi kami masyadong naglalalabas na dalawa.

After nang ilang month na panglalait at pangungutsa nila sakin na mostly eh di ko sila pinapansin kasi ano bang mangyayare sakin? Wala naman diba kaya hinayaan ko na lang sila na magsalita nang kahit anong gusto nila hanggang sa tumigil din sila dahil umalis si Lily kaso nga lang eh di pa rin nila ako pinapansin.

"Ah ayun ba? Oo ako pa. So anong tungkol doon?" tanong ko pabalik kay Jona

"Ui Girl inilista kita doon."Sabi nya pabalik na excited na excited pa.

Unexpected Love (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon