Chap.11

1.2K 11 6
                                    

DK's POV

Nandito na ako sa room . Inaantay ko si Glenn .. Tae siya . Iniwan ako kela Neela >.<'

ayos na sana eh. Masaya na ako na dun ako natulog . Nagbago lang nung nagkita kami ni Gian. Argh. Kapatid pala ni Neela yun . -__-''

FLASHBACK

"DK?! Ano ginagawa mo dito?! Lumayad ka!!" sigaw sakin habang kinakaladkad ako palabas ng bahay.

Sh*t. Napahiya ako dun ha .. Tinginan mga kapitbahay samin eh . Argh .. Gusto ko na sana lumaban pero naisip ko. Wala akong laban. Bukod sa lalake siya . E bahay naman nila yun, kaya may katapatan siyang mag palayas sakin . Tsk.

Umuwi nalang ako sa bahay para magpalit . Maagapa naman. Pagkadating ko sa bahay . Sermon agad natanggap kp galing kay mader . Argh .. Salita ng salita . san daw ako galing, nag alala daw siya. San ako natulog . Ano ginawa ko. Etc etc..

Hindi ko na siya pinansin. Diretso ako sa kwarto ko .. Nasa isip ko pa din pano ako pinahiya ni Gian.

Pagka pasok ko sa kwarto agad ako humiga sa kama. Bigla nalang ako napaiyak .. Hindi dahil sa napahiya ako. Kundin dahil wala ako nagawa. Hindi ko pinagtanggol sarili ko. Wala naman akong ginawang masama eh. Ni hindi ko alam bakit nalang siya biglang nagalit sakin. Hindi ko naman siya gaanong kilala. Ang alam ko lang nanliligaw siya dati kay Ally . Pero ako ang naging syota . Dahil lang ba dun?! o_O. Tapos ang tagal na din nun ha .. Hind ba siya maka get over . Hanep naman dre! ='[

Pagkatapos ko maglabas ng sama ng loob, tumayo ako sa kama at tinignan ang orasan. Malapit na pala ako malate . Dali dali ako nagpalit ng damit at lumabas ng bahay.

Sumakay agad ako ng trycicle.

Pinabilis ko ng takbo si manong dahil ayaw ko malate sa clase. Pagkababa ko, agad na akong nagbayad at tumakbo papasok sa school.

Takbo

Takbo

Takbo

Pag dating ko sa room wala pa si sir. Nakahinga ako ng malalim. Buti naman at wala pa. Umupo nalang ako s upuan ko.

END OF THE FLASHBACK.

Pagkadating ni Glenn agad ko siyang tinignan ng masama. Inis na inis ako sa kanya. Argh.

Tinanong ko ano ginawa nila pero ayaw niya ikwento. Hinayaan ko nalang. Inimagine ko nalang anong milagro ginawa nila. Haha ..

Ako nalang nagkwento kung ano nangyari kaning umaga. Nagalit siya kay Gian. Wala daw yung karapatan para tratuhin ako ng ganun. Wala naman ako ginawang masama. Naghuhugas pa nga ako ng plato eh. Buti sana kung nagnanakaw ako nun o kaya ni rape ko si Neela .. Shonga talaga to. Kahit anong seryosong usapan may kalokohan pa din naiisip. Argh.

After few minutes dumating na din si Sir Ocon. Nag simula na siyang magturo. Science. Argh. I hate this Subject. Ang bagal ng oras. Damn. >.<'

Gian's POV

Hello. Ako nga pala si Gian. Kapatid ko si Neela. Close kami ng kapatid ko at mahal na mahal ko yan. Sino mang lalake ang manloko o magpa iyak sa kanya ililibing ko ng buhay!! Wahahaha. Ang sama ko. Joke lang. Mabait naman ako. Protective nga lang masyado.

Ayoko kasi masaktan kapatid ko. Oh di ba ang bait kong kuya :))

Nakilala ko si DK nung nanliligaw ako kay Ally. Oo kay Ally. Tagal na akong nanliligaw sa kanya pero hanggang kaibigan lang daw ang tingin niya sakin ='[

Ang sakit nun dre. First time ko manligaw nun, busted na agad. Ang sakit lang ng feeling, pero kahit na sabi niya hanggang friends lang kami, patuloy pa din ako nag eeffort at pinapakita sa kanya kung gaano siya kahalaga sakin. Hoping na bigyan niya akong chance para mahalin niya. Hindi niya naman ako pinaasa eh. Ako lang talaga na pinipilit sarili ko. Hindi ko kasi talaga mapigilan mahalin siya eh. Hmpft.

CRUSH lang ba talaga kita?! [Dual Love Story] On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon