Kabanata I: Ang Simula.

822 12 13
                                    

Napag isip-isp ng magkakaibigang sina Kenneth, Leon, Jasmine, Khate, at Carlo na humanap ng kuwarto na maaari nilang matuluyan sa dalawa't kalahating buwan. 

Nakakita sila ng isa sa pinakamalaki at pinaka sikat na Hotel na naroroon sa kanilang lugar at naisip nilang dito nalang muna tumuloy at dahil na rin may sapat na pera sila para kunin ang isang kuwarto doon.

Pumasok na sila sa Hotel at kinausap ang Ahente na nandoon.

Kenneth: Sir may bakanteng kuwarto pa po ba para saaming lima?

Ahente: Yes sir! Marami pa pong bakanteng kuwarto.

Kenneth: Pupuwede po na ilagay kami sa pinaka malapit na kuwarto na maaari kaming makababa ng maaga.

At dahil nga ang pinakamalapit ng kuwarto roon ay ay isang kuwarto na marami nang nababalitang kababalaghan at mga kuwento. Naging sikat din ang hotel na iyon dahil sa laki at ganda nito subalit sa kabila ng lahat ng ito may itinatagong misteryo ang hotel na ito.

Ahente: Sige po sir! 

Tinawag ng ahente ang isang katulong na naroroon upang tulungan silang dalhin ang kanilang mga bagahe at sabay bigay sakanya ng susi.

Kapansin pansin na ang susi na hawak ng katulong ay mukhang luma na dahil nga siguro hindi na nila ito napapalitan maaaring hindi na rin sila nagabala na palitan ito.

Nakarating na kami sa kuwarto na kung saan kami inilagay ng Ahente. 

Binuksan ng katulong ang kuwarto at tinulungan kaming ipasok ang kanilang mga dalang bagahe.

Malaki ang kuwarto at halatang bago ang lahat ng gamit na naroroon na parang kami ang unang gagamit ng mga nasaloob ng kuwarto. Maayos ang higaan, ang TV, at may refrigerator pa na may mga lamang pagkain sa loob.

Kenneth: Ayos dito! Mukhang magiging masaya ang ating pananatili dito

"Nasabi iyon ni Kenneth upang hindi matakot ang mga kasama niya dahil sa simula't sapul na ibinigay ng ahente ang susi sa katulong ay naghihinala na ito dito.

Agad agad namang natulog ang mga kasamahan ni Kenneth at siya na lamang ang natirang gising. Dahil nga mahaba ang kanilang nilakbay nakaramdam nang antok si Kenneth pero bago ang lahat.......

Kenneth: "Room 666" bakit dito pa kami inilagay.... May kakaiba akong pakiramdam sa kuwartong ito.

Kapansin pansin ang mga pusa sa bintana na malapit sa higaan na kung saan natutulog ang kanyang mga kasama.

Kenneth: Pusa? Posible bang makaakyat sa ganito kataas na palapag ang mga iyan? Paano at bakit nandito ang mga iyan?

Inisip na lamang niya na marahil ay nagpahinga ang mga pusa doon sa harap ng bintana. Hindi na lamang niya ito pinansin at saka na din siya nagtungo sa kanyang higaan.

Kinaumagahan ay unang nagising si Leon at napansin niyang medyo madilim pa at tinignan niya ang kanyang orasan at saktong "3:00AM" ito nakahinto.

Leon: Maaga pa pala? Bakit kakaiba ang pakiramdam ko at hindi na ko madatnan ng antok.......... Pagod ako sa mga nangyari kahapon ngunit bakit ganito?...... 

Nagtataka si Leon kung bakit ganoong oras siya nagising dahil halos mag- 11:30PM na sila natulog. Bumangon si Leon at naghanap ng makakain. Pumuntan siya sa lugar kung nasaan ang Refrigerator. Hindi na siya nag atubiling buksan ang ilaw dahil maliwanag naman dahil sa sikat ng buwan. Habang lumalakad siya papunta sa lugar na iyon...... napansin niyang tila nag iiba ang kanyang pakiramdam at bigla siyang nanlalamig. Nakasarado ang mga bintana at tama lamang ang temperature ng Air-con na nandoon.......

Leon: Anu ba itong nararamdaman ko?....... bakit ganito?....

Sabay tanong sa kanyang sarili. Ngunit patuloy siyang lumakad papunta sa lugar kung nasaan ang refrigerator. Pagkahakbang niya ng mga 10 hakbang naalala niyang hindi niya nasara ang pintuan sa kanyang higaan binalikan niya ito at nang makarating siya ay tila may naaninag siyang isang katawan na nakatayo sa gilid ng pintuan. At dahil nga hindi pa masyadong maliwanag noong oras na iyon ay hindi niya ito namukaan.

Leon: SINO KA! AT ANONG GINAGAWA MO DYAN!

Medyo Pasigaw na salita ni Leon nilapitan niya ito at biglaan naman itong nawala kasabay ng pagsara ng pinto ng malakas! 

"Blaaaag!"

Napatakbo si Leon sa kuwarto ni Kenneth at ginising niya ito.

Leon: Gumising ka Kenneth! Gumising ka pare!

Kenneth: Oh bakit? Ang aga pa pare? Ano problema?

Leon: May kakaibang nangyayari dito sa kuwarto na ito. May naaninag akong isang katawan ng tao sa aking kuwarto at biglaan itong nawala nung aking lapitan!

Kenneth: Guni-guni mo lang iyan pare? Siguro gutom lang yan at halikat samahan kitang kumain.

Pakisubaybayan ang mga susunod na maaaring mangyari sa magkakaibigan sa kuwartong iyon. :)

Hotel Room 666*Ongoing*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon