"Bakit ba kasi sumunod ka pa, Kuya Damian?" bagsak ang mga balikat kong sabi sa kaniya.
Nandito kami ngayon sa harapan ng bahay. Merong medics na rumesponde nang humingi ako ng saklolo kanina. Mabuti na lang naging mabilis ang tulong dahil kung hindi ay baka naubusan na ng dugo si Kuya Damian mula sa natamo niyang saksak kay tatay.
Inaasikaso ng dalawang nurse ang saksak na natamo ni Kuya Damian mula kay tatay. Nilinis na rin nila ang ibang sugat at galos niya. Maging ang hiwa sa aking pisngi. Mapangit man tingnan pero may parisukat akong gaza na nakalagay sa pisngi na idinikit naman gamit ang paper tape.
Nandito kami ngayon sa nakabukas na likod ng ambulansiya. Mabuti na lang talaga at iyon lang ang natamo niya. Dahil kung nasaksak sa ibang parte ng katawan si Kuya Damian, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
"Pakawalan niyo ko!" Dinig kong sigaw ni tatay.
Nakaposas na siya ngayon at hawak siya ng dalawang pulis. Lumapit sila sa amin upang kausapin ako.
"Ikaw ba ang anak niya?" tanong sa akin noong isa.
Tumango ako bilang sagot.
"Kayo po ang nasaktan ng salarin? Ano pong balak niyong gawin sa kaniya? Sasampahan niyo po ba ng kaso?"
Napalingon ako kay Kuya Damian na kasalukuyan nilang kinakausap. Hindi ko alam kung ilang dalangin ang binulong ko, umaasang tumutol siya at wag kasuhan si tatay. Nakahinga ako nang maluwag nang umiling si Kuya Damian.
"Hindi ko po siya kakasuhan sa pagtangkang pagpatay sa akin. Kayo na po ang bahala magturo sa kaniya ng leksiyon sa ginagawa niyang pananakit sa anak niyang si Keifer," salaysay ni Kuya Damian sa mga pulis.
"Sige na. Mauna na kayo sa car patrol. Susunod ako," sabi ng pulis sa kasama niya.
Tumango ito at saka dinala si tatay sa sinasabi niyang car patrol. Naiwan ang isang pulis upang kausapin pa kami tungkol sa insedente.
"Matagal ka na bang sinasaktan ng tatay mo, hijo?" tanong sa akin noong natirang pulis.
Nag-alagan pa ako sa pagsagot pero nang hawakan ni Kuya Damian ang balikat ko ay nagkaroon ako ng lakas ng loob na magsabi ng totoo.
"Nav-umpisa po iyon noong namatay ang kapatid kong si Gio," paliwanag ko.
"Sorry to hear that pero ilang taon na bang wala ang kapatid mo?" tanong niya pa.
Huminto ako saglit at saka tiningnan si Kuya Damian. Tinanguan niya ako at sapat na sa akin 'yon para magpatuloy.
"Apat na taong gulang po ang kapatid ko nang mawala siya. Anim na taon na po simula noong naging ganito si tatay sa akin dahil sinisisi niya po ako sa pagkamatay ng nakababata kong kapatid." Sobrang lungkot ng puso ko habang nagpapaliwanag sa kaniya. Unti-unti ay tila ba bumabalik ang ala-ala sa akin noong araw na nawala si Gio.
"Ano bang nangyari, hijo? Pwede mo bang ipaliwanag?"
Huminga muna ako nang malalim. "Disyembre po noon. Araw ng pasko. Lahat po ng tao noon ay nagdiriwang ng kapaskuhan. Tapat lang po ng bahay namin ang bahay ng mga kamag-anak namin kaya inaya ko si Gio na sumama sa akin. Noong patawid po kami ay bigla siyang bumitaw sa mga kamay ko at tumakbo. Naging mabilis po ang pangyayari nang mahagip siya ng rumaragasang kotse. Noong araw po na 'yon ay nawala si Gio. Dead on the spot. Iyon pong nakadisgrasiya sa kaniya ay hanggang ngayon hindi pa rin nakikita. Simula po noong araw na 'yon ay naging malamig na po sa akin si tatay hanggang sa nananakit na po siya pisikal," salaysay ko.
Panandaliang huminto ang pulis na kausap ko habang nakatitig sa akin. "Ayaw ng kasama mo na kasuhan ang tatay mo at alam kong ayaw mo rin naman. Pero para sa leksiyon niya, ikukulong muna namin siya sa bilibid ng isang linggo para magtanda siya sa kasalanang ginawa," sabi niya sa akin kaya nakahinga ako nang maluwag. "Swerte ka sa kasama mo hijo dahil kung sa iba ito ay nagsampa na ng kaso sa tatay mo lalo na't kamuntikan nang malagay sa piligro ang buhay ni Sir," dagdag niya pa habang nakaturo kay Kuya Damian.
BINABASA MO ANG
SEKYU 1 (BL) Completed
General FictionCOMPLETED Alam ni Keifer na malaki ang posibilidad niyang matalo sa laro ng pag-ibig oras na pasukin niya ang buhay ni Damian, isang sekyu sa katabi nilang subdibisiyon. Sadiyang makulit siya at hinayaan niya pa rin ang pusong mahulog ng husto sa mg...