Lucky I'm In Love with My Best Friend : The Picture that is Worth A Thousand Words.
Chapter IV
Naging matagumpay naman ang paglimot ko sa nararamdaman ko para kay Kuya Jinn. Pero kahit papaano naiisip ko pa din sya. Sa gabi bago matulog dun ko lang hinahayaan ang sarili ko na isipin at magkagusto sa kanya. Pero kinabukasan pag magkatabi na kami, kailangan kong tandaan na hanggang kaibigan na lang dapat ang meron sa amin. Hanggng kaibigan at kuya lang ang nararamdaman ko para sa kanya. Wala ng dapat na iba pa.
Recollection. Isa ito sa mga yearly events sa isang Catholic School na kung saan pupunta ang mga studyante kasama ang kanilang Religion teacher sa isang retreat house. Activity ito for spiritual growth and development. Nakalimutan ko na kung anong mga nangyari sa buong araw na yun pero may isang picture na ginawang art project ang kapatid ko na kuha sa araw na iyon na hanggang ngayon ay nakadisplay pa din sa bahay namin na nagsisilbing alaala ng lahat ng mga magagandang nangyari sa akin noong 1st year high school ako. Isang picture ng isang lalaki na nakaupo sa isang swing kasama ng bunso kong kapatid (na isinama ng mama ko ng araw na iyon).
Malapit ng matapos ang last quarter. Nalulungkot ako dahil magkakahiwa-hiwalay na kaming magkakaklase. May mga masasaya, may mga nakakaiyak, may nakakatakot, may nakakaexcite at kung anu-ano pang iba.
Napakaganda ng unang taon ng high school sa akin. Nandyang naranasan namin ng mga kaibigan ko ang magcutting para lang mag-spirit-of-the-glass at bansagan kami ng mga teachers na mga "ghost busters". Andyan na ang napaiyak ang mama ko sa klase namin dahil rinig na rinig nya kung paano ako namura ng teacher namin sa math dahil hinagis ko ang chalk na hawak ko dahil naasar ako sa isa naming kaklase. Andyan din naman na masaya at puro tawanan lamang kami. Isama mo na din ang malampasan namin ng mama ko ang challenge para sa aming dalawa. Ang maging muse sa unang pagkakataon. Ang nakakakilig na buhay may crush. Ang makulay na istorya ng pagkakaibigan namin ng mga barkada ko at syempre ang kakaibang pagkakaibigan namin ni Kuya Jinn. Lahat na yata naranasan ko sa unang taon ko pa lang sa high school. Naeexcite na tuloy ako sa mga susunod pang mga taon.
***
BINABASA MO ANG
Lucky I'm In Love with My Best Friend (A True Story)
Romantizm"O edi lumabas din, pinaalis mo nga din kami!! Kasi ako, alam ko din na pwesto ko yan eh, kaya panatag akong walang ibang magtatapang umupo dyan! Unless ikaw ang magsasabi at magpapaalis samin. Pero sige, nalate ako. Alam mo? Kung ikaw yung nalate...