V: Out of My Comfort Zone, Elsewhere.

68 1 0
                                    

Lucky I'm In Love with My Best Friend : Out of My Comfort Zone, Elsewhere.

Chapter V

2nd year high school. St. Catherine. Yan ang sagot ng mama ko nung tinanong ko sya kung anong section ako ngayong taon. Sa mga hindi nakakaalam, aside sa Patron saint sya ng mga firefighters, nurses, sick, temptations and miscarriages, pangalan ito ng Highest Section sa 2nd Year. Walang mapaglagyan ang kalungkutan ko. Malamang hindi ko na magiging kaklase ang karamihan sa mga kaklase ko nung St. Vincent ako. Hindi ko alam saan ako huhugot ng motibasyon para pumasok.

Grade school pa lang ako, nabuhay na akong wala sa first section. Kung wala ako sa 2nd section ay 3rd section lang ang napupuntahan ko. Laging pinakikiusapan ni mama ang registrar ng school namin na ilipat ako at wag ako ilagay sa first section. Ayaw din nya na ilagay ako sa first section dahil alam nya kung gaano kahirap imaintain ang grades sa highest section. Alam nyang di nya kasi ako lagi matutulungan sa mga homeworks at exams ko. Teacher nga ang mama ko, pero ironically di nya na kami kayang tulungan sa studies namin. Naiintindihan ko naman iyon dahil sa hirap ng work nya. Pag may hindi ako alam o hindi mainitindihan, dun lang ako lalapit sa kanya. O kaya pag may project akong di ko kayang gawin. Ang naalala ko lang na last na nireview naming dalawa ay yung nasa jeep kami, tinutulungan nya ko magmemorize ng mga mysteries ng rosary sa religion subject ko nung prep pa ako.

Hindi mahigpit ang mama ko samin pag dating sa studies namin. Hindi sya yung, "anak dapat Top 1 ka ah". Hindi nya kami pinpressure sa pag-aaral. Ang gusto nya lang mag-aral kami mabuti, at wala kaming failing grades. Pero sa aming tatlong magkakapatid, ako lang ang GC o "grade conscious". Isa nga ako sa mga paborito ng lolo ko dahil matalino ako. Pag bigayan na ng card, lage kong ipinagmamalaki sa kanya at ipinagyayabang sa mga pinsan ko ang grades ko. Ang pangarap ng lolo ko sakin ay ang maging isa kong doktor. Kaya nung bata ako, nasanay na akong Doktora ang tawag nya sa akin.

Natatandaan ko nung bata pa ako, ako pa nakikipagdeal sa parents ko na kapag napasama ako sa Top, bibigyan nila ko ng reward. Yun ang motivation ko sa sarili ko. Pero hanggang ngayon wala akong natanggap ni isang reward sa mga yun. Siguro kasi alam nilang sisiw lang naman sa akin ang mapasama sa Top 10. Ok na din sakin. Yung napagaral lang ako sa private school ok na sakin. Ako lang kasi saming 3 magkakapatid ang mula kinder, eh nasa private school. Yung dalawa kong kapatid na lalaki, naranasan mag public. Pero ako, never. May separation anxiety ako nung bata. Takot din ako sa environment sa public. At higit sa lahat, maarte talaga ako. Feeling ko, anak mayaman ako.

Matalino ako. Pero ayoko sa 1st section. Ayokong mag-aral ng nakikipaglaban sa mga kaklase mo para lang makasama ka sa honor roll. Ayokong pumasok na puro libro ang hawak ng mga taong nakakasama mo. Yung mapipilitan ka ding mapahawak ng libro para lang hindi ka maout-of-place. Yung palakasan kayo ng sigaw ng scores nyo tuwing exam. Yung may inggitan. Yung may siraan. Higit sa lahat, kung dati binubully yung sobrang matatalino, ngayon kung sino yung mga matatalino sila na ang malakas magbully. Mahirap makisama sa mga taong hindi kayo nagkakasundo ng trip. Kaya ayokong ipilit ang sarili ko sa section na yun.

Sa faculty pa lang, nagmamaktol na ko. Ayokong pumasok. Dahil pag pumasok ako, alam kong wala ng labasan. Umiiyak na ko. Naiiyak kong sinasabi ang hinaing ko sa mama ko, kaharap ng ibang teachers pati na ng magiging adviser ko na kasama din namin sa loob ng faculty. Umiiyak din ang mama ko, siguro kasi naawa na sya sa nakikita nya. Isinumpa ko ata yung unang beses na napalagay ako sa first section at hindi ko na kakayaning magkaroon pa ng pangalawang pagkakataon na mailagay dun. I have nothing against with the first section, neither with my classmates. Its just that, I will be much happier in my comfort zone. No pressures. Naeenjoy ko ang pag-aaral. Masaya ako kasama ang mga kaibigan ko. Masaya kaming nag-aaral. Walang inggitan. Nagtutulungan pa kami para pumasa. Masaya kami para sa mga makakasama sa Top 10. Walang bitterness. Wala. Masaya lang. Nag-aaral ako mabuti at the same time, nageenjoy ako. Yun lang naman ang gusto ko eh. Mahirap bang initindihin yun? Dumating talaga sa point na pinagsisihan kong nag-aral ako mabuti nung nakaraang taon. Eto ngayon, pinagbabayaran ko.

Pinilit na din ako na pumasok ng adviser namin na si Mrs. Antonia. Sa totoo lang nahihiya ako sa kanya. Kulang lang talaga umiyak ako ng dugo, kumain ako ng bubog at tumulay sa kable wag lang pumasok sa klase nya. Mabait si Mrs. Antonia. Sana mainitindihan nyang, hindi sa ayaw ko sa kanya, kung hindi ayaw ko lang talaga sa section na hawak nya. Magkasunod kaming pumasok ng room. Nagmumugto pa yung mata ko sa pag-iyak ko kanina. Hindi lang yun, may kasama pang hikbi.

Nagpakilala kaming lahat sa isa't isa. May mga kaklase ako ngayon na kaklase ko din last year. At, hindi din nga ito yung unang pagkakataon ko na mailagay sa highest section. 70% sa kanila kilala ko, kaya di ako magstart from scratch. At alam kong hindi na din ganun kahirap para sa akin ito hindi gaya nung unang pagkakataon kong maging kaklase sila.

"I'm Andrya. Siguro karamihan sa inyo kilala na ako. Dahil karamihan sa inyo naging kaklase ko na dati, kung hindi man kilala ako dahil sa Mama ko. Maybe, you are asking bakit namamaga yung mata ko. Umiyak kasi ako sa faculty. Ayokong pumasok. Honestly, ayoko kasi maging kaklase nyo..." Di ko nanamang mapigilang umiyak. "Ayoko kasi sa first section. Please don't get me wrong. I have nothing against with all of you. And I'm really looking forward to know you better, at magenjoy kasama nyo." Yun lang umupo na din ako. Ayoko ng pahabain pa ang introduction na iyon dahil isang hinga pa, aagos nanaman ng walang humpay ang luha ko. Naisip kong, maiintindihan naman siguro nila ko.

Hindi ko alam kung paano ko nasurvive ang unang linggo ko sa St. Catherine. Hindi naman pala talaga ganun ka "living hell" sa 1st section. May nakakasundo naman ako sa kanila. May nakakaappreciate sa mga kakayanan ko. May nakakausap ako ng normal. May "ka-level" din pala ako. Wala na ding mga bully. Siguro kasi nag mature na kami.

Bukod dun, wala namang bago at kakaiba. Kaklase ko nga pala ulit si Harry Potter. Pero wala na syang role sa kwentong ito. Nagkacrush ako ng bago. Si Kieven. Magaling sya sa math. Katabi ko din sya. Wala namang kakaiba sa kanya. Pang motivate ko lang, para di ako tamarin na pumasok. Dahil ang pinaka naging motivation ko para pumasok ang naging mga "super friends ko". Malaki ang ginampanan nila sa storyang ito kaya kung ako sa inyo, tandaan nyo ang mga pangalan na lalabas sa mga susunod na mababanggit ko.

***

Lucky I'm In Love with My Best Friend (A True Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon