VI: Life is A Joke, So Laugh.

70 1 0
                                    

Lucky I'm In Love with My Best Friend : Life is a Joke, So Laugh.

Chapter VI

Si Kloe, kaklase ko sya nung grade 6. Isa din sya sa mga madalas kong makasama noon. Isa kami sa mga binubully nung mukhang aso naming kaklase. Mayaman kasi kaya mayabang. Siguro yun yung isa sa mga naging dahilan bakit ayaw ko sa first section. Yung kailangan mong iplease ang ibang tao, para hindi ka nila awayin. Natuto kang maging plastik at maging bully.

Cute si Kloe. Maliit sya na medyo chubby. Matalino din sya pero isa sa mga "normal" na tulad ko. Madalas kaming magkasama. Mas nagkasundo kami ngayon kaysa nung last time na naging magkaklase kami. Kwentuhan ng mga kung ano-ano. Magkaparehas kami ng hinaing sa mga kasama namin sa klase. Nagkakainitindihan kami. Pero dumating sa point na nagkalabuan kami. Yun yung pumasok si Paris sa pagkakaibigan namin.

Kahit pa dati, bilang lang sa daliri ang mga kaibigan ko. Hindi sila lumalagpas sa lima. Hindi kasi ako yung tipong madaming kaibigan. Hanggat maari, at kung ako lang din ang masusunod, gusto ko dalawa lang kaming magkaibigan. May pagka possesive at selosa ako. Gusto ko ako lang. Pero minsan kailangan mo ding maging sensitive sa gusto at nararamdaman ng kaibigan mo. Kailangan mo ding irespeto ang mga gusto nya. Kahit pa yung ang gusto nya, yung magkaroon ng ibang kaibigan. Di lang ikaw.

Si Paris. Transferee sya. Madalas bakante ang upuan nya. Matangkad sya. Sexy. Ang di ko alam, matalino din pala. Hindi ko talaga sya gusto. Ang tingin ko sa kanya, mang-aagaw ng kaibigan. Pero dahil ayaw ko naman mawala yung nagiisa kong kaibigan, wala akong choice kundi iwelcome sya sa pagkakaibigan namin ni Kloe. Di nagtagal, nung mas nakilala ko na sya, naging close din kami. Officially, naging magkakaibigan na kaming tatlo.

Naging motivation ko ang pagkakaibigan namin. Sila ang naging dahilan ng pagbangon ko sa umaga. Sa totoo lang, walang makakatumbas sa pagkakaibigan na pinagsamahan namin. Na akala ko dati yung friendship, perfect lang sa mga napapanood nating mga palabas o sa mga libro na nababasa natin. Mula nung naging kaibigan ko sila, napatunayan kong posible din pala sa tunay na buhay ang makahanap ng tunay na kaibigan.

Sa sobrang pagmamahal namin sa isa't isa. Nagsumpuan kami na hindi namin kakalimutan ang isa't isa. Pumutol kami ng buhok ng bawat isa. Itinago iyon. At sa oras na sirain namin ang pangako namin,

"mommy, may lumalabas na uod sa tenga mo."

"wag kang mag-alala anak, naglalambing lang ang Tita Andrya at Tita Kloe mo."

Nagkakasundo kami sa lahat ng bagay. Lalong lalo sa kalokohan. Balak pa nga namin bumili ng witch book dati na naghahalagang 25,000 para sa lahat ng kaaway namin sa classroom. Masaya kami. Sa sobrang saya namin, nabansagan kami na "may sariling mundo". Mula nung naging magkakaibigan kami, wala na kaming paki-elam sa ibang tao. Sa iniisip ng ibang tao. Kumbaga sa cards, kami ang "joker". Joker dahil wala kaming ginawa kundi puro katatawanan, at Joker dahil lage kaming hind kasali. Naging tag line din namin yan pag mambabara kami, "weh hindi nga? Joker."

Madalas kaming bida-kontrabida sa mga bulungan tuwing lunch break at recess. Paksa ng tsismis ng mga walang mapag-usapan. At kung anu-ano pa. Tingin nga siguro samin ng mga kaklse namin may sarili kaming kulto. Nung minsan may makita silang nakakalat na class picture na may mga stapler, butas, sungay sa mga mukha nila eh kami na agad ang unang pinagbintangan nila. Ang sama ng tingin nila sa amin. Ok, quits lang.

Aside sa iisa lang ang size at "taba ng utak" namin. Parehas naming hilig ang pagsusulat. Parehas naming hililg ang magapatawa. Minsan sa buhay namin di namin akalain, na magagamit namin ang mga hiddens talents na ito.

Nag grupo ang klase para sa Religion project. Kailangan naming kumuha ng story sa bible at iarte ito sa klase. Dahil "Joker" kami, automatically walang kumuha sa amin para isama sa grupo. Wala din kaming nakuha na kagrupo. Dahil yung dalawang kaklase na kinuha namin, iniwan kami sa ere. Nagpasya kaming ipagpatuloy ang aming project kahit tatlo lang kami. Dahil "Joker" kami, i-expect mo ng puro katatawanan ang mga gagawin namin.

The Prodigal Son, with a twist. Ito ang storyang napili namin. Twist ba kamo? Isipin mo na lang yung hirap at itsura namin ng nagpeperform kami sa harap ng klase na pagkatapos mo sa isang scene ay nagpapalit ka na mismo sa harap ng klase para sa susunod na scene. Higit sa dalawa ang role naming tatlo. Dumating pa yung point na dalawa yung role mo sa isang scene. At yung fact na kami kami lang din ang nagaayos ng set at props para sa susunod na scenes. Isa kaming malaking kakatawanan sa harap ng klase. Pero kung sa tutuusin kaming grupo lang ang nakakuha ng atensyon ng buong klase. Napapatayo pa ang mga kaklase namin para lang mapanood kami ng maayos dun sa scene na inginudngod ako sa lapag. Yung umaarte ka ng totoong may luha. Kami ang may pinaka unique at pinaka creative na paraan ng pagpeperform. Kami ang may pinamakabuluhang performance. Sila, nagperform sila para sa grade. Kami, para sa buhay namin. Kami nga siguro ang may pinakamataas na grade noon kung hindi lang kami nalate ng pagpeperform dahil sa pagiwan sa amin sa ere ng kaklase namin. Maganda ang feedback sa performance namin. Pero 79 ang grade namin. Ok lang. Dahil hindi naman samin yun mahalaga. Ang pinakamahalaga sa amin. Yung nakapagperform pa din kami kahit iniwan kami sa ere. Yung Kahit 3 lang kaming na naghatihati sa 8 roles. Yung nakasurvive kami ng magkakasama kami. Yung nagawa namin ang gusto at best namin.

Madaming problema ang dumaan sa pagkakaibigan namin, andyan ng magkaroon kami ng di pagkakaunawaan. Andyan ng may isa sa amin ang nagkaroon ng line of 7 sa grade at sa lahat ng discrimination na ibingay sa amin ng mundong ginagalawan namin. Andyan na yung sa lahat ng pagkakaparehas namin, natanggap din namin ang pagkakaiba ng isa't isa. Andyan ng lahat ng lovelife and family problems. Andyan na ang nahirapan kaming makasundo ang Mommy ni Paris pero sa huli, nakuha din naman namin ang loob. Dumating ang lahat ng yun, di nito nasira ang pagkakaibigan namin. Mas naging matatag pa nga ang pagkakaibigan namin. Mas lalo pa kaming napamahal sa isa't isa.

At sino bang magsasabi na si Paris na pala absent lang dati, mananalo lang naman at mag-Champion sa Declamation. Si Kloe na simple lang, sobrang galing palang kumanta. Napatunayan namin, hindi sa ibang tao, pero sa sarili namin na kaya namin magtagumpay. At ako, na akala ko di ko maeenjoy ang taon na ito, pero ngayon, nakangiting lalabas sa pintuang ito. Sa pintuang minsan nagdalawang isip akong pumasok. Eto ako ngayon, nagpapasalamat at walang panghihinayang pumasok at lalabas sa pintuang ito.

Sayang lang, wala akong matatago na class picture sa taong ito. If you know what I mean. ;)

***

Lucky I'm In Love with My Best Friend (A True Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon