Lucky I'm In Love with My Best Friend : BFTF. Best Friends Together Forever.
Chapter VII
Bago natapos ang ikalawang-taon ko sa high school, nalungkot kami na hindi na namin makakasama si Paris. Nakaapekto ng malaki sa grades ni Paris ang madalas nyang pag absent noon. Nagpasya ang mommy nya na ilipat na ulit si Paris sa dati nitong school ngayong susunod na pasukan. Nakakalungkot dahil kung kailan naman nabuo na ang isang magandang pagkakaibigan sa amin, saka naman ito mawawatak.
Ako ang pinaka-nakasundo ni Tita Lyzza. Masungit at strikto talaga ito. Naiintindihan ko naman na bakit sya nagkakaganun, ang gusto lang nya ay ang mapabuti si Paris. Pinakiusapan ko si Tita Lyzza na wag ng ilipat pa si Paris. Nangako kami ni Kloe na hindi namin hahayaan na mapasama si Paris. Sa tulong din ng mama ko, napakiusapan namin ang mommy ni Paris na wag na syang ilipat. Pinangako din ng mama ko na lage nyang babantayan ang anak nito at mas makakabuting magkakasama kami dahil kahit papaano masusubaybayan nya kami. Nagbago din ang isip ni Tita Lyzza at hindi na kami magkakawatak-watak. Ang hininging pabor lang ni Tita Lyzza ay ang maging magkakaklase kami at wag kami paghihiwalayin ng section. Kinausap nila ni Mama ang Assistant Principal ng school namin at pumayag naman ito.
Perfect. Kami-kami pa din ang magkakasama. Ang pagkakaiba nga lang, ngayon nasa ikatlong taon na kami sa high school. Wala ng makakapaghiwalay pa sa aming tatlo. Panigurado isa nanamang napakasayang taon ito para sa amin.
Masaya ang naging experience namin sa St. Monica. Walang pressure. Pero hindi naman kami nabigo sa pangako namin kay Mama at kay Tita Lyzza. Napatunayan naming hindi nagkamali ang mommy ni Paris na wag na syang ilipat. Maganda ang naging bunga ng pagkakaibigan namin sa aming tatlo lalong-lalo na kay Paris. Kaming tatlo ang lageng nasa Top 3. Sa katunayan pa nga nyan, kung hindi ako ang Top 1, si Kloe o si Paris yun. Pinagsalit-salitan lang namin ang pwesto na yun. Ang maganda nun kahit ganun, walang nabuo na inggitan sa aming tatlo. Masaya kami para sa sucess ng bawat isa. Higit pa dun, nabago namin ang mababang tingin sa amin ng first section.
Naging masaya ang taon na ito sa akin. Nagconcentrate lang ako sa pag-aaral at umikot ang buhay ko sa pagkakaibigan namin. Walang space sa buhay ko ang ibang bagay.
O baka natatakot lang ako na magkaroon nanaman ng ibang bagay sa buhay ko?
***
BINABASA MO ANG
Lucky I'm In Love with My Best Friend (A True Story)
Romance"O edi lumabas din, pinaalis mo nga din kami!! Kasi ako, alam ko din na pwesto ko yan eh, kaya panatag akong walang ibang magtatapang umupo dyan! Unless ikaw ang magsasabi at magpapaalis samin. Pero sige, nalate ako. Alam mo? Kung ikaw yung nalate...