IX: The Ordinary, Even the Extraordinary.

55 1 0
                                    

Lucky I'm In Love with My Best Friend : The Ordinary, Even the Extraordinary.

Chapter IX

Pag tapos ng isang nakapanghihinayang na pagkakataon na pinalagpas ko, nalaman ko din na hindi nga ako nagkamali sa aking hinuha. Nalaman ko na may bagong girlfriend na si Kuya Jinn. Si Ivory. Sya ang nanalong Miss Junior Prom. 3rd year din, mula sa ibang section. Sexy at maganda ito. Mabait din naman kaya wala na kong masasabi. Ok sige. Perfect couple.

Recess. Magkakasama kami nila Kloe at Paris bumili ng snacks sa canteen. Ng may nakasalubong kami.

"Kuya Jinn mo oh!" sabi ni Kloe sakin.

"Kuya Jinn!" tinawag ko sya. Di nya kami napansin dahil mabilis ang paglakad nya.

"Uy Andre, ikaw pala yan! Musta na?" ang nakangiting lingon nito.

"Hmp. Nanalo lang na Mr. Junior, nakalimot na agad. Di na namamansin." biro ko sa kanya.

"Hindi naman ah!" natatawang sagot lang nito.

Hindi naman kami pormal na nagkausap. Nagbatian lang kami. Pagkatapos nun ay nagkahiwalay na kami. Sya, papunta doon. Ako, papunta dito.

Habang naglalakad kami ng mga kaibigan ko, nakaramdam ako ng pagtatampo. Nagtatampo ako kay Kuya Jinn. Siguro nakalimutan nya na ko. Nalimutan nya ng pagkakaibigan namin. O baka ako lang talaga yung naniniwalang magkaibigan kami. Na iba ang pagkakaibigan namin. At siguro dala na din ng panahon ng hindi kami magkaklase, nagkalayo na kami sa isa't isa. Lalo pa ngayon na magkalayo na yung mundong ginagalawan namin, dapat siguro bumitiw na ko sa pagkakaibigan namin, sa imaginary friendship namin.

Mabilis na natapos ang taon na ito. Unti-unti, nalulungkot na ko dahil napakalapit na ng graduation. Isang taon na lang, magpapaalam na ko sa 16 years kong naging pangalawang tirahan. Magkaroon ng madaming pangalawang nanay.

Oo, 15 years old pa lang ako ngayon, pero ang sabi kasi ni mama pinagbubuntis pa lang nya ako andito na ako. Kasama pa nga ako ni mama sa isang class picture nya eh. Sa skwelahan na ito na ako ipinagbuntis, ipinanganak at namulat. Dito na ko lumaki, kung masasabi kong lumaki nga ako. Dito na ako natutong magbasa at magsulat. Natutong maglakad at tumakbo. Magtali ng sintas. Dito ko din naranasang matulog sa mga lamesa at upuan ng faculty room sa hapon tuwing exam week. Maligo at gupitan ng buhok ni Mama sa CR ng Male sa faculty din. Mangbully at mabully ng ibang anak ng teachers. Ang maging ninang sa binyag o sa kumpil ang mga co-teachers ni Mama at pati na ang Principal.

Dito ko naranasan ang maaway at makipag-away sa mga kaklase o kahit hindi kaklase. Maging paborito at kaaway ng mga teachers. Magkacrush ng ilang beses at maging crush ng iba (kahit papano). Makasampal at mapa-guidance. Masabunutan at masakal. Maka-perfect ng exam at bumagsak. Magpa-kopya at mangopya. Mag-aral mabuti at umasa sa kodigo. Magkaron ng konting kaibigan at madaming kaaway.

Naranasang tumakbo at hikain. Sumayaw taon-taon tuwing foundation day. Umarte at tumula tuwing linggo ng wika. Kumanta ng Cavite Hymn, Jubilee Song at Pondo ng Pinoy araw-araw. Lahat ata ng dapat maranasan ng isang studyante, naranasan ko na. Lahat ng mga experiences ko dito, ordinary experiences even the extraordinary, paniguradong di ko makakalimutan. Pero napaka-aga pa, dahil may isang taon pa akong bubunuin. Isang taon pa na maidadagdag sa mga experiences ko.

***

Lucky I'm In Love with My Best Friend (A True Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon