Lucky I'm In Love with My Best Friend : A Year to Remember.
Chapter X
"Asan na ba si Kloe? First day baka malate pa sya?" ang nasasabik kong tanong kay Paris habang nakapila kami kasama ang mga magiging kaklase namin, para sa flag ceremony. Sobrang namiss ko ang mga kaibigan ko dahil ngayon ko lamang ulit sila makikita mula ng mag-end ang last school year. Naeexcite na din akong pakita sa mga ito ang aking new look. Nagpakulot kasi ako. Ang dating dulo lang na kulot kong buhok, ngayon ay hanggang anit na.
"Naku magugulat ka Andre. Pero eto mas nakakagulat, tingnan mo ang mga classmate nating mga boys. Halos lahat gwapo." ang pilyang puna ni Paris sa line-up ng mga kaklase naming lalaki. Tama nga naman sya dahil halos lahat nga sa mga iyon ay mga "popular" sa school namin. Kilala dahil matalino, mayaman, sa galing sa pagsayaw, kabilang sa isang band, mga MVP, at syempre mawawala ba ang mga heartrobbed?
Mga playboys. Hmm. Kaklase din pala namin si Kuya Jinn. Sa mga nakikita kong lalaki, sure akong gulo to. Good luck samin. Naiiling na sabi ko sa sarili ko habang tinitingnan ko ang mga magiging kaklase namin sa huling taon namin sa SMI. Kilala ko kasi ang mga yun dahil sikat na sikat sila sa faculty. Sikat sa kalokohan.
"Ano yun Andre may sinasabi ka ba?" tawag pansin sakin ni Paris. Maya-maya ay dumating na din ang aming hinihintay. At talagang ikinagulat ko nga ng makita ko si Kloe gaya ng sinabi ni Paris. Hindi lang pala ako ang may pasabog at may new look, pati din ito. Nagpaikli ito ng buhok na may buntot pa. Hindi pumasok kahit sa imahinasyon ko na magpapagupit ng ganun si Kloe. Mahaba ang buhok nito dati. Pero ngayon ay sobrang ikli nito. Nagmukhang tomboy na emo tuloy ito. Bago ko pa ito masabunutan ng bongga, nagsimula na ang flag ceremony.
"At anung ginawa mu sa buhok mo??" ang nangigil na tanong ko kay Kloe habang papunta na kami sa classroom namin.
"I missed you too Andre!" natatawa-tawa pang sagot ni Kloe na halatang walang balak sagutin nito ang tanong ko. Alam nyang kwinekwestyon ko sya sa kanyang hairstyle. May pagka-pakielemera talaga ako. At alam nyang di ko talaga sya tatantanan hanggat di ko nakukuha ang sagot sa tanong ko.
"Hindi mo ako sinagot. Ano may problema ka ba??" naiinis na akong kulitin ito.
"I like your curls too." natatawang sagot pa nito pero nahalata na nito na mapipikon na ko dahil lumalaki na daw ang butas ng ilong ko at bago ko pa sila masigawan ay nagsalita na ulit to. "Alam mo namang wala na si Gio diba? Malungkot ako dahil graduate na sya." pahabol nito.
Nawala din agad ang pagkapikon ko. Nagkatawanan na lamang kaming tatlo dahil wala pa din kaming pinagbago. Unang araw pa lang ay HB (high blood) na daw ako agad at baka umi-straight ulit ang buhok ko, pang-aasar ng mga ito sa akin. Isang bear-hug ang binigay namin sa isa't-isa dahil namiss talaga namin ng bonggang-bongga ang bawat isa.
Pagkapasok namin sa aming classroom ay nagkamustahan agad kami at nagkwentuhan sa mga nangyari sa amin dahil matagal tagal akong nawalan ng balita sa kanila. Hindi yata mauubos ang kwentuhan namin. Paniguradong kulang ang isang araw para ikwento lahat yun.
Maya-maya lang din ay dumating na ang aming adviser at inayos agad nito ang aming magiging upuan. Hindi kami naging magkakatabi dahil alphabetical ang seating arrangement. Ganun naman talaga lagi sa 1st quarter para mas madali kaming matandaan ng mga teachers namin. Mga apat na upuan ang pagitan ko kay Kloe. Medyo malayo na ang upuan ko kay Paris. Halos lahat naman ng aming mga kaklase ay kakilala namin kaya wala naman itong problema. Ang mahalaga ay magkakaklase kaming tatlo.
Umikot ang buong araw naming tatlo sa tawanan at kwentuhan. Mabilis din natapos ang unang linggo at sa susunod na linggo ay paniguradong seryusohan na.
Hindi nga ako nagkamali. Napakagulo pero naging napakasaya lagi ng klase namin dahil sa mga kaklase naming lalaki na pinagbibidahan nila Kuya Jinn at ang mga kaibigan nito. Sila ang umpisa ng kalokohan at tawanan. Kung dati kami nila Kloe at Paris ang joker ng klase, at lagi kaming OP, ngayon hindi na. Dito belong kami. Dito sa 2nd section. Dito sa St. Rita.
Nadagdagan din ang grupo namin. Dati kami lang tatlo nila Kloe at Paris, ngayon ay anim na kami sa grupo. Sila Kimmy, Kizzes at Emily ay naging parte na ng aming magulong pagkakaibigan. Lalong naging masaya ang pagkakaibigan namin. Si Kimmy na sobrang bait pero may pagkamakulit. Si Kizzes na lageng napagtitripan at tampulan ng asaran pero hindi napipikon at nagagalit. At si Emily na malakas ding mangasar gaya namin.
May isang taon pa kami na bubunuin ng tawanan at kalokohan. Sa huling taon ko sa highschool, ngayon pa lang pala magsisimula ang isang taong siguradong hinding-hindi ko malilimutan. A year to remember ika nga.
***
BINABASA MO ANG
Lucky I'm In Love with My Best Friend (A True Story)
Romance"O edi lumabas din, pinaalis mo nga din kami!! Kasi ako, alam ko din na pwesto ko yan eh, kaya panatag akong walang ibang magtatapang umupo dyan! Unless ikaw ang magsasabi at magpapaalis samin. Pero sige, nalate ako. Alam mo? Kung ikaw yung nalate...