XI: Crush.

43 1 0
                                    

Lucky I'm In Love with My Best Friend : Crush.

Chapter XI

Uwian na pero magkakasama pa din kaming tatlo nila Kloe. Hinihintay pa ni Paris ang mommy nya. May service din si Kloe at naghihintay pa din sila ng iba nyang kaservice na may klase pa din ng oras na yun. Hinihintay ko pa din ang mama ko nun. Naisipan na lang muna namin tumambay sa loob ng school hanggang magsidating ang mga sundo at kasabay namin pauwi.

Nakaupo lang kami sa isa sa mga tambayan sa loob ng school, nagkukwentuhan habang nakatingin sa mga nagsisidaanan na pauwing mga studyante ng may biglang maisip si Paris. 

"Sino nga pala ang crush nyo sa room?" tanong nito na napapangiti pa. Sa ngiti nito, alam kong may crush na ito. Kaugalian na namin ang magpilian ng crush sa room simula pa lamang ng school year. Katuwaan lamang iyon, pero dito maiiwasan naming magkaagawan kami ng crush. Kaya simula pa lang sinasabi na namin ang kung sinong sa "amin". Si Paris ang unang pumili.

"Crush ko si Jinn." kinikilig na amin nito.

"Landi mo! Sige lakad kita dun!" pambibiro ko.

"Ako si Dony at tsaka si JV. Ikaw Andre?" ang tanong naman sakin ni Kloe.

"hmm.. ako?" napaisip ako kung sino nga ba ang sasabihin ko. Sya agad ang pumasok sa isip ko. Kaso hindi na pwede dahil nasabi na ang pangalan nito. "Sino nga ba? Si Ej na lang sakin." Gwapo din naman si Ej at mukhang mabait pa. Talagang hahangaan mo din naman. Nagkataon nga lang na hindi ko pa ito kilala. "Pero sige para maiba." kinikilig na din ako sa isipin na may bago na din akong crush bigla.

%

Lucky I'm In Love with My Best Friend (A True Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon